[18] And this is the part when we say we're in love.

7.7K 93 14
                                    


Chapter Eighteen

LEWIS

“Si PATCH!” Ang pangalang hindi ko inaasahang lalabas sa bibig ng mga tropa ko. Tila nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Si Patch? She saved my life?

“Seriously? Stop joking around.” I said, irritated.

“Muka ba kaming nagjo-joke?” Tinuro pa ni Bench ang muka nito. “Itong mukang to, nagjojoke?”

Napa-upo ako nang marealize kong hindi nga nagbibiro ang tropa ko. I looked at Sage, and his eyes confirmed it to me. Patch did save my life through CPR.

“Minouth to mouth ba ako ni Patch?” Tanong ko upang manigurado.

“Oo.” Sagot nilang lima saka tumango.

Napabuntong-hininga na lang ako. Mouth to mouth? Ibig sabihin, para na rin niya akong hinalikan, kung ganon. Damn that Cardiopulmonary Resuscitation! Bakit ko ba kasi naisipang sumali sa Swimming Competition na ito? Bakit hindi ko naisip ang pwedeng maging outcome nito? Hindi ko naisip na pwede akong pulikatin in the middle of the elimination. Damn! Ayokong isipin ni Patch na nagtake-advantage ako.

Lumapit sa akin si Bench saka ako inakbayan. “Pare, wag ka namang ganyan. Alam naming kasalanan mo to. Pero hindi ka namin sinisisi.”

“Bwisit!” Sinamaan ko sila ng tingin nang may mapagtanto ako. “Bakit ni isa sa inyo, hindi naisip na i-CPR ako, ha?!”

“Haha.” Natatawang sabi ni Bench. “Basta ako, I’m very much willing to do the mouth to mouth. Hindi nga lang ako marunong. Ewan ko lang sa apat na iyan.”

Tinignan ko isa-isa sina Zion, Sage, Patrick at Pen. Malalayo ang tingin nila.

“Hindi rin ako marunong kaya wag mo akong tignan ng ganyan.” Depensa ni Zion.

Napatingin ako kay Patrick. “Shower lang ako.” Saka ito nagmamadaling kinuha ang towel at nagtungo sa shower room.

Si Pen naman ang binalingan ko. Nanlaki ang mata niya at biglang kinuha ang towel nito. “Sasama ako sayo, Trick!”

This time, kay Sage naman ako tuminging. Napasipol na lang ito. “Uhh—May gagawin pa pala ako. Bye guys!” At sumibat na ito.

Naiwan na lang kami ni Bench at Zion dito. “Now, I have to clean this up.”

“We’re here for you, bro.” Bench tapped my back.

“Aha!” Napatingin kami kay Zion nang sumigaw ito. “I have an idea!”

“Siguraduhin mo lang na okay yan ha.” Sabi ko.

“Naman!” Lumapit kami sa kanya at pinakinggan ang sinasabi niyang maganda niyang idea. Napangiti na lang ako. Sounds good!

xxx

Dumerecho agad ako sa bahay nila Patch pagkabili ko ng pizza. Hindi pa kasi kami nakakapag-usap pagkatapos nang nangyari kahapon sa Swimming Competition. Gusto kong magpasalamat sa kanya at ipaalam na rin siya ng personal sa mga magulang niya. Buti na lang at nagpatawag ng meeting ang mga Professors kaya wala kaming pasok ngayon.

“Tita.” Tawag ko sa mama ni Patch nang lumabas ito ng bahay.

“Oh Lewis, ikaw pala iyan. Napadaan ka.” Lumapit siya at pinagbuksan ako ng gate.

“Opo. Nandiyan po ba si Patch?” Tanong ko dito.

“Oo. Kaso tulog pa yon. Papagising ko na lang sa papa niya. Tara, pumasok ka muna sa loob.” Sumunod naman ako sa kanya papasok ng bahay nila.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon