CHAPTER 10

192 12 0
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 10
#ALTRYunoGetRejected

Nikko Alejo POV:

"Ano ba kasing sasabihin mo sakin Yuno? Bakit kailangan dalhin mo pa ako dito?"

Hindi ko alam kung ano nanamang pumasok sa isip nitong si Yuno at dinala nanaman ako sa lugar na wala masyadong nadaan na tao, mukhang seryoso sya sa mga kinikilos nya ngayon at nananatiling nakatitig sya sa mga mata ko habang ako naman ay nag tataka sa ginagawa nya.
Hinawakan nya ang mga kamay ko habang nakatingin sya sa aking mga mata, lumapit sya sa akin na parang may gusto syang sabihin.

"Huy! Ano bang problema mo? Ano bang nangyayari sayo?"

Tanong ko sa kanya ngunit nanatili lang syang tahimik, tanging ang mata mata nya lamang ang sumasagot sa akin nung oras na binabato ko sya ng mga katanungan.

"Nasisiraan kana ata eh! Alam mo, siguro natuluyan kana! Bahala kana nga dyan!"

Inalis ko ang mga kamay ni Yuno na nakahawak sakin at lumakad ako palayo sa kanya, maya maya lang ay bigla sya sumigaw na tila ay pinipigilan akong umalis.

"Teka lang! Wag kang umalis Nikko!"

"Alam mo kasi sinasayang mo lang yung oras nating dalawa... Bakit kasi hindi mo pa sabihin sakin yang gusto mong sabihin Yuno?"

"Nahihiya ako!"

"Huh? May hiya ka pa pala?"

"Wag ka muna kasing umalis! May gusto lang akong sabihin sayo!"

"Ano ba yun? Sabihin mo na kasi!"

"Gusto kita!! Gusto kita, Nikko!"

Halos natahimik kaming dalawa ni Yuno nung sabihin nyang may nararamdaman sya para sakin, hindi ako makapag salita dahil sa sobrang gulat ko nung sabihin nya sakin yon.
Hindi ko alam kung anong pakulo nanaman ang gustong palabasin nito ni Yuno pero isa lang ang naiisip kong dahilan, siguro ay pinag lalaruan nanaman ako ng lalaking to.

"Eh talaga palang nasisiraan kana eh!"

"Oo! Nasisiraan na talaga ako! Nasisiraan nako ng ulo dahil nag kakagusto ako sa isang katulad mo!"

"Alam mo, wala akong oras para sa mga kalokohan mo Yuno!"

"Bakit kasi hindi ka naniniwala sakin?! Sabihin mo nga, totoo bang nililigawan ka ni Yulo?!"

"Saan mo naman ba napulot yang tanong na yan?!"

"Sabihin mo sakin Nikko! Nililigawan ka ba ni Yulo o hindi?!"

"Hindi syempre! Ano bang klasing tanong yan Yuno!"

"Kaya ba hindi ka naniniwala sakin kasi iniisip mong palabiro ako o dahil may nararamdaman ka para sa kapatid ko? Sabihin mo nga sakin Nikko, gusto mo ba si Yulo?!"

"Ano ba Yuno- -"

"Sabihin mo!"

"Wala! Wala akong gusto kay Yulo! Masaya kana ha?!"

"Eh bakit hindi mo ako kayang gustuhin?! Alam kong palabiro at mapaka pilyo ko sayo pero sa pag kakataong to ay nag sasabi ako sayo ng totoo!"

"Sorry, pero hindi ko pa alam kung ano bang dapat na mararamdaman ko!"

Sa ngayon ang masasabi ko lang ay wala pa talaga akong nararamdaman para kay Yuno, hindi ko alam pero ayokong sabihin sa kanya na gusto ko sya kahit hindi naman talaga.
Ang hirap ding kumilos dahil pinapalibutan nako ng mga chismis tungkol sa dalawang kambal.

(Uy nabalitaan nyo na ba? Pinag aagawam daw si Nikko ng dalawang kambal)
(Kalat na kalat na dito sa office na may namamagitan kay Nikko at Yuno)
(Umamin daw si Yuno about sa feelings nya kay Nikko pero binaliwala daw ito ni Nikko)
(Grabe, pinag aagawan pala si Nikko)
(Alam nyo na ba ang chismis? May love triangle na namumuo dito sa office)

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon