Chapter 27

6.1K 334 61
                                    

Chapter 27

The twins left the room after we talked. Sa kilos nila ay alam kong pupuntahan nila si Rogue.

Pumasok na ako sa bathroom at naligo. Pagkatapos magbihis ay bumaba ako sa kusina. Naabutan ko si Halona na kumuha ng chocolate bar sa refrigerator. I leaned against the wall and watched her looking at the chocolate bar in her hand. Ngiting-ngiti siya.

Inikot niya ang sarili para lumabas na nang nakita niya ako. She dropped the chocolate on the floor and her smile faded.

Nilapitan ko siya at dinampot ito. Pumantay ako sa kanya at kinakabahan siya na umangat ang tingin sa akin.

"That's not mine, Mommy. I'm gonna give that to him," she explained straightaway.

"To Rogue?"

She nodded slowly and looked at the chocolate in my hand. Humawak ang kamay niya sa laylayan ng cotton shorts niya. Kapag kasi may gusto silang kainin ay nagsasabi muna sila sa akin. Ayaw niya na magalit ako kaya inunahan na niya ako pagpapaliwanag.

"I remember my teacher in Science told us that dark chocolates can boost a person's energy. He looks upset and that chocolate might help."

I gently pinched her cheek and smiled at her. Ibinalik ko sa kamay niya ang chocolate. Tumingin ako sa labas at nakuha niya ang ibig kong sabihin. Pinauna ko siyang lumabas ng kusina at naiiling akong sumunod sa kanya, pinanonood ang masigla niyang paglalakad.

"Where's your Kuya?"

Nilingon niya ako, nakangiti pa rin. "He's with him on the veranda."

"Isn't it hot out there?"

"Nope po. The little rain a while ago helps," she informed me.

Pagdating namin sa veranda ay may kausap si Rogue sa phone. Hindi ko marinig kung sino iyon dahil medyo malayo siya sa amin at halos bumubulong lang siya. I put my hand on Rainer's shoulder and he looked up at me.

"What snacks do you want?" I asked the twins. "Except from pizza." Inunahan ko na dahil sa kakaibang tingin sa akin ni Halona.

"Spaghetti," she answered.

"Okay." Napailing ako dahil isa pa rin sa mga paborito niya ang nai-request niya. "Kuya?" baling ko kay Rainer.

"Spaghetti will do." He smiled back at me.

Nilingon ko si Rogue na tapos na pakikipag-usap. Saglit niya akong tiningnan at umupo siya sa tabi ni Halona.

"You? Any request?"

Umiling lang siya, tahimik pa rin. Bumalik ang atensyon niya sa phone niya dahil sa pag-ring noon.

He rose to his feet again and answered the call. "Hello, Aegeus?"

Pinapanood din siya ng kambal. Tumalikod na ako pabalik sa loob ng bahay.

"I talked to my manager a few minutes ago," he said. "No, bro, stay there. Hasse badly needs you now."

Pumasok na ako at inihanda ang ingredients ng lulutuin kong spaghetti. Kumuha ako ng pasta sa cabinet pero agad ko itong nabitawan sa counter nang naalala ko ang nangyari sa hospital kanina.

I pulled my phone out of my pocket and called Drea.

"Drea!" simula ko, hindi mapakali. I paced back and forth, thinking about my foolishness.

Bumuntong-hininga siya. "Ngayon mo lang na-realize na napalabas nila mismo sa bibig mo ang totoo? Ragna, ako lang ang sinabihan mo na si Rogue ang ex mo at ama ng kambal," paalala niya.

The Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon