COLEEN'S POV
"Sige i'll go ahead na" paalam ni Cole "See you on Monday" she added bago tuluyang tumakbo
"Sige Ate Brei, mauna na rin ako. Mukhang may date ata kayo neto" wika ko tsaka tinignan si Chase
"Ihahatid ka na namin sa PR ni Gabb"
"Hindi na, kaya ko na 'to Ate. Sige na byee!" Mabilis na wika ko at kunaway pa sakanila bago makalayo
Habang naglalakad ako papuntang PR ay ramdam kong may nakatingin sa'kin, hindi ko alam kung nasaan basta ang alam ko meron.
Pasimple ko namang kinuha yung suklay sa bag ko. Suklay siya na may kutsilyo sa loob at Gabb ang nagbigay sa'kin neto, incase of emergency raw.
Medyo may mga students pa naman na naglalakad-lakad dito kaya hindi ako ganun takot.
"Hi Coleen" bati ng isang babaeng senior nang malagpasan ko ito kaya nginitian ko nalang.
Nang tuluyan na akong makapasok sa PR ay naabutan kong naguusap-usap ang mga Ate habang seryoso ang mga mukha nila.
"Nasaan si Gabb mga Ate?" I asked them
"Nandiyan sa kwarto, kanina pa tulog" Ate Sela answered
Dumiretso naman ako kaagad sa kwarto at nakitang mahimbing parin ang tulog nito, huwag niyang sabihin na tulog 'to ng ilang oras?
Umupo ako sa kama at tinignan ang kan'yang siko, na may bandage.
Kawawa naman ang baby ko.
Tinitigan ko naman ang kan'yang maamong mukha kaya napangiti ako, ang gwapo naman niyan. Inayos ko naman ang kan'yang buhok na nakaharang sa kan'yang mukha.
"Sarap mong halikan" i said
Bigla kong naisip yung sinabi ng Dean. Sinubukan nila kaming paghiwalayin noon dahil sa mga Costales? I can't believe it.
Wala akong kilalang Costales.
Wala nga ba talaga o hindi ko lang alam? Aishh hindi kasi ako familiar sa mga surnames ng mga kakilala ko, basta pangalan lang nila ang alam ko.
"O-oh Coleen, nandito ka na pala" nagising na si Gabb kaya inayos ko na ang pagkakaupo ko
Kainis, ayaw ko pa sanang kausapin 'to e.
"Yes, how are you?" I asked her kaya umupo na rin siya sa kan'yang higaan
"I'm fine, naigagalaw ko pa naman" wika niya
"Ano ba kasing nangyari? Ang sabi mo mag-iingat ako e ikaw naman hindi nag-iingat" i said then rolled my eyes
"Kapag nakita mo kung paano niya ako itinulak talagang makikita mo na he intentionally did it" Sagot niya "Naiwasan ko naman pero he tried parin kaya 'yun, i fell"
"Sige, i'll talk to him" i said
"He's your classmate 'di ba? What's his name?"
"Gio—uhmmm Jeremiah Gio ata ang First name niya, nakalimutan ko ang surname" i answered
Bonak ka talaga Coleen, kaklase mo na nga 'di mo pa alam apilyedo.
"Ah okay, by the way, nagugutom ka ba? Labas tayo?" She said pero may practice pa kami ng cheer
"I would love to, pero may practice kami sa Cheer kasama si Ate Sela kaya hindi ako pwede" i answered
"That's okay, hintayin kita. Manunuod ako"
"Okay sige, dahan-dahan lang" wika ko dahil baka masagi ng kung ano yung siko niya
"Oh Gabb gising ka na, ginising ka ba ni Coleen?" Bungad ni Ate Abby
BINABASA MO ANG
LOVE WARNING // (UniCoco Series: I)
Romance[TagLish] Coleen Trinidad also known as the Campus Crush or should i say Campus Heart-breaker. Many people like her because of her beauty and popularity but when it comes to men, siya ay mapili. Marami na siyang nasaktan na mga kalalakihan dahil sak...