28

1.2K 74 1
                                    

FRANCES POV


"Frances, hindi daw dito mag ve-vacation sila Mommy"



Pagkapasok palang ni Jaydee sa unit na'min ni Coco, ayan na agad ang bungad niyang sabi sa'kin. Malapit na ang Christmas Isang linggo nalang.



"Saan daw? Eh bakit hindi dito?" Ngusong tanong ko sakanya. Lumapit agad siya sa'kin at tumabi dito sa couch.



"Sa Japan. Don't worry kung gusto mong sumama, aayusin ko agad ang ticket and passport mo." Paliwanag niya at pinatong pa ang baba niya sa balikat ko.



"Hindi na kailangan, may passport na ako." Sabi ko sakanya dahil pumunta na kami sa Korea noong Summer.



"Sabi ni Mommy, pupunta sila ng Japan not for Christmas. For business of Juarez Company." Sabi ni Jaydee at napahilamos pa siya sa mukha niya.



"Hindi naman ako makatanggi dahil may ticket na ako. Binalak na pala nila last month and inaasahan ako ni Mommy na sumama kahit wala naman ata akong gagawin doon. At baka umabot na din kami ng New Year doon" Dugtong niya at mukhang nalugi ang itsura ko ngayon dahil sa mga sinabi niya.



"And? Wala na rin ang balak natin na mag meet sila?" Tanong ko at napasandal pa ako sa couch.



"Parang ganun na nga" Maikling sabi niya at nagsalin ng tubig sa baso na binigay ni Coco.



"Anong balak niyo?" Singit na tanong ni Coco sa'min dahil mukhang narinig niya ang buong pinag-usapan na'min ni Jaydee.



"Bahala na" Mahinahong sabi ko at uminom ako ng tubig.



"Kung hindi kayo magkasama sa Christmas and New Year. Frances sumama ka nalang sa'min, salubungin natin ang New Year kasama ang mga ate. Lagi naman nating ginagawa iyon diba?" Sabi ni Coco ng nakangiti. Napangiti naman ako sa sinabi niya dahil totoo naman na lagi namin iyong ginagawa at sobrang saya na'ming lahat. So sad lang na hindi kasama si Jaydee.



"Pwede ko naman isama si Frances. Aasikasuhin ko agad ang ticket niya." Sabi ni Jaydee at nakatingin siya sa'kin ng deretso.



"Kayo bahala, kung saan kayo" Sabi ni Coleen sa'min at binuksan niya ang tv para manood kami.



"Hindi na, okay lang ako dito." Sabi ko at sinandal ko ang ulo ko sa chest niya at niyakap siya.



"Ehem, ehem" Pekeng ubo ni Coco kaya humiwalay na kami ni Jaydee sa pagkakayakap na'min. Baka mamaya, magpakamatay na ito sa inggit.



Nandito lang kaming tatlo sa sala at nagpapalipas ng oras sa panonood. Tumayo muna ako at pumunta sa kwarto para kuhanin ang phone ko dahil si Coco at Jaydee lang ang nakakaintindi sa pinapanood nila na Thailand movie.



Nakita kong may message si Mommy sa'kin at bungad na bungad iyon sa lockscreen. Agad ko itong binuksan at nagtungo sa messages.



Mommy: Frances nak, busy ka?



Me: Hindi naman po. Bakit Mommy?



Umupo muna ako sa kama habang naghihintay sa i-rereply ni Mommy. Feeling ko may problema nanaman sa business or aalis sila out of town kasi lagi namang ganon kapag hinahanap nila ako.



Mommy: Pwede ka bang pumunta dito? Saglit lang nak, pwede ka na din umuwi pagkatapos.



Me: Sure mom, pupunta na din po ako maya-maya.



COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now