Kabanata 20

16.4K 528 97
                                    

Kananata 20

"Mamamamama." Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Cassia. Marahan kong idinilat ang mga mata ko. Naalala ko na dito nga pala ako nakatulog kagabi. Mabilis na hinanap ng mata ko si Konsi.

Tulog pa ito. Napakaamo ng mukha kahit nakaawang ang bibig niya. Sabado ngayon kaya wala itong pasok. Kinuha ko muna si Cassia, pumasok kami sa bathroom. Para makapaghilamos ako at mouth wash. Pinunasan ko rin si Cassia. Pagbalik namin ay tulog pa rin si Konsi. Napagod yata ito sa isang linggong trabaho.

"Dadada." Nagkukumahog si Cassia nang makita niya ang daddy niya sa kama. Kaya nilapag ko ito doon. Sa gulat ko ay inupuan niya ang daddy niya. Buti at napalitan ko na ito ng diaper.

Agad na nagising si Konsi. Kinuha ang anak at kinandong.

"Good morning baby? Nagpoopoo ka?" Natawa ako sa pakikipag-usap niya sa anak. "Mabaho anak, nagpoopoo ka ba sa mukha ni daddy?" Natawa ako lalo na nung sinilip ni Konsi ang diaper ng anak niya.

"Cassia? Nagpoopoo ka? Kapapalit ko lang ng diaper mo ah." Tanong ko. Ngumiti si Cassia. Napahagalpak ako ng tawa. Mukhang dumumi siya noong umupo sa mukha ng daddy niya.

"Come on baby, let's wash up." Tawang-tawa pa rin ako habang nakasunod ako sa kanila sa banyo.

Ginagawa talaga ni Konsi ang daddy duties kapag walang pasok.

"My baby is fresh now. Okay. Kiss daddy." Nagkiss naman agad si Cassia sa pisngi ng daddy niya.

"Good girl. I love you." Sabi ni Konsi kay Cassia. Pero bakit nakatingin siya sa akin sa salamin sa cr?

Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Para akong hihimatayin lalo na nung kumindat si Konsi mula sa repleksyon niya sa salamin.

'Wag kang ganyan Konsi. Baka sunggaban na lang kita bigla niyan.' Sabat na naman ng isang bahagi ng utak ko.

"Let's have breakfast." Aya ni Konsi. Bumaba kaming tatlo para sa breakfast.

***

"'Tart, pupunta tayo today kina Mamita." Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Konsi sa likod ko. Hinalikan pa ako malapit sa tainga. Nakiliti ako. Nahampas ko pa tuloy siya.

"Konsi naman, ginugulat mo ako." Natawa siya dahil sa reaksyon ko.

"May paparty ba si Mamita?" Tanong ko dahil sa sinabi niya na pupunta kami roon.

"Tumawag kasi si Mamita kanina. Ipaghahanda niya raw si Rod." Sagot ni Konsi.

"Birthday ni Rod? Ang kapatid mo?" Pagkumpirma ko pa. Kasi Rodrigo ang lolo niya at ang Tito niya.

"Yes, better ready at babyahe pa tayo." Paalala ni Konsi bago siya lumabas.

***
Gusto ko sana alisin ang kamay ni Konsi mula sa pagkakahawak sa kamay ko habang papasok kami, pero mahigpit ang pagkakahawak niya rito. Sa kabilang kamay ay buhat niya si Cassia.

"Mga apo." Napaangat ang tingin ko sa may hagdan ni Mamita. Andoon siya sa bungad nito. At talagang siya pa ang unang nakakita sa amin.

"Hindi ba ako nililinlang ng mga mata ko." Umpisa niya.

"Mamita." Bati ni Konsi. Pero hindi siya pinansin nito mas binilisan nito ang pagpanaog na hindi inaalis ang mga mata sa kamay namin. Namawis na yata ang noo ko at ang mga kamay ko.

"Totoo nga! Kayo na ba?" Pakiwari ko ay may pagkinang pa ang mga mata ni Mamita sa tanong niyang iyon.

"Yes Mamita." Sagot ni Konsi. Hindi ako makakibo dahil nahihiya ako. Nag-iinit ang mukha ko at alam kong namumula ito.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon