Kabanata 22

14.7K 474 57
                                    

Kabanata 22

Isang linggo matapos ang usapan namin tungkol sa pagiging singer ko sa campaign nila Konsi ay sinabihan niya ako na isasama na ako sa mga magiging meetings nila para sa pagpaplano.

"'Tart?" Malambing na tawag ni Konsi mula sa may pintuan ng kwarto ko.

"Yes, Konsi?" Tanong ko habang papalapit ako sa pinto."

"Are you ready?" Tanong sa akin ni Konsi noong mapagbuksan ko siya ng pinto.

"Oo, kakatapos ko lang," sagot ko, habang inaayos ang buhok kong kakatapos lang i-blow dry ang buhok ko. Yayamanin ang buhok ko rito sa mansion ni Konsi, pa-blower-blower lang. Pangyayamnin pa ang supply ng shampoo at may pa-conditioner pa.

"Good! Let's go?" Tanong sa akin ni Konsi na agad na hinawakan ang kamay ko.

"Wait! Kunin ko lang ang bag ko." Ayaw pa sana ni Konsi bitawan ang kamay ko, kay tinignan ko siya at nginitian ng matamis.

Binitawan niya naman ang kamay ko at mabilis kong kinuha ang maliit na body bag ko.

"Tara?" Aya ko sa kanya. Ako na mismo ang kumuha ng kamay niya at hinawakan ko iyon.

Sabay kaming nag-breakfast kanina, pati si Cassia. Pagkatapos ay nag-asikaso na kami ni Konsi para sa unang meeting na dadaluhan ko.

Sumakay na kami sa likod ng sasakyan ni Konsi. Si Nikko ang driver namin ngayon, si  Caloy ang back up namin na naka-convoy sa amin.

Kalahating oras din ang byahe namin dahil malayo ang village na tinitirahan namin sa bayan kung nasaan ang munisipyo.

Hawak pa rin ni Konsi ang kamay ko habang nakaupo kami sa likod ng sasakyan.

Nang makarating kami sa munisipyo ay hindi na kami magkahawak ng kamay ni Konsi. Ako na ang kusang bumitaw noong pababa na kami, nakakahiya kasi. Nasa likod niya lang ako habang naglalakad kami.

Pumunta kami sa opisina niya. Agad kaming binati ng babaeng sekretarya niya. Naalala kong siya ang sekretarya na nagpatuloy sa akin noong dinala ko rito si Cassia. Napangiti ako bigla.

Kung hind ko dinala si Cassia rito, hindi ako ganito kaligaya ngayon. Malamang ay naghihikahos pa rin kami ni Cassia sa hirap. Hindi siya makikilala ng ama niya. At hindi rin kami magkakakilala.

"Good morning, Councilor Casi!" Masiglang bati ng sekretarya ni Konsi.

"Melody, please bring us coffee," bilin ni Konsi sa sekretarya niya bago kaming dalawa makapasok sa loob ng opisina niya.

Pinaupo ako ni Konsi sa upuan sa harap niya. Napangiti ako nang maalala ko ang usapan namin noong araw na pumunta ako rito.

"What made you smile?" Tanong niya na nagpatigil sa aking iniisip.

"Naaalala mo noong araw na dinala ko rito si Cassia?" Natatawang tanong ko. "Nalimutan kong sabihin sa'yo ang itsura mo noong napag-usapan natin noong isang araw ang unang pagkikita natin dito."

Ngumiti siya. "Pinawisan ako roon ng malagkit," nakangising sabi niya.

"Kung nakita mo lang ang itsura mo noon. Alam kong kahit tinitigasan mo ang ekspresiyon mo ay alam kong hindi ka mapakali," nakangiting sabi ko.

"Yes, I need to be formal and cool at the same time. Malay ko ba kung kaninong anak ang hawak mo," Iiling-iling pa na sabi niya.

Natigil ang usapan namin nang kumatok si Melody, dala ang dalawang kape.

"Thank you, Melody." Nakangiting sabi ni Konsi.

"You're welcome, Sir," magalang na sagot niya.

"By the way, Melody. This is Aria, my girlfriend." Pakilala ni Konsi sa akin.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon