Kabanata 26

12.2K 442 34
                                    

Kabanata 26

Wala pa ring balita ang mga pulis tungkol sa pagkawala ni Cassia. Mahigit bente'y kwatro oras na ang lumilipas.

Ngayon nandito na rin si Miles at ang Kuya Caleb niya. Ginamit rin pala ni Konsi ang koneksiyon ng panganay niyang kapatid.

Lumapit ako saglit sa mama ni Konsi. Hindi ko na kasi kaya.

"Tita Elen? Bakit hindi ninyo ho ako awayin, o palayasin? Pabaya ako. Pinabayaan ko ho ang apo ninyo." Malungkot na tanong ko.

Isang ngiti ang binigay niya sa akin.

"Hija, alam kong mahal na mahal mo si Cassia na parang totoo mong anak. Hindi ka nagkulang sa apo ko. At alam kong hindi mo ginusto ang nangyari. Maaring nakagawa ka ng kapabayaan pero hindi naman iyon ang basehan para husgahan at sisihin ka." Naluha ako sa sinabi niya.

"Alam kong safe si Cassia. Kahit hindi ko anak ang batang iyon, may lola instinct yata ako." Ngumiti ng payak ang mama ni Konsi. "Huwag ka nang mag-alala at makukuha rin natin si Cassia. Magdasal lang tayo."

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sobrang pagkakalma ng pamilya ni Konsi. Sobrang down to earth sila.

Dalawang oras pa ang lumipas nang may biglang tumawag kay Konsi. Lahat kami ay natahimik at napatingin sa cellphone na nakapatong sa lamesa.

"Mga pulis." Sabi ni Konsi bago sinagot ang tawag. Tahimik kaming lahat noong sinagot niya ang tawag.

"Sergeant. Magandang gabi po." Bati niya sa kausap. "Yes?" Nag-antay siya sa sasabihin ng kausap. "Here in this village?" Gulat na tanong niya.

"Ah huh? Okay, pupuntahan natin ngayon? Okay, I'll wait your here. Thank you." Binaba niya na ang tawag at huminga ng malalim. Mistula siya nabunutan ng tinik.

"What was that, Casi? Nakita na ba si Cassia." Tanong agad ni Tita Elen.

"Yes!" Masayang sagot niya.

Sabay na nagbagsakan ang mga luha ko at biglang nangatog ang mga tuhod ko. Napaupo ako sa pinakamalapit na sofa. Napagulhol ako ng malakas.

"Aria!" Mabilis na lumapit sa akin si Rima. "Bakit ka pa umiiyak? Nahanap na si Cassia bakit ka umiiyak diyan!"

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari kay Cassia." Iyon lang ang sinabi ko pagitan ng paghikbi. Nagpapasalamat ako at nakita na siya.

Lumapit sa akin si Konsi, at lumuhod sa tabi ng sofa. "Nakita na si Cassia. H'wag ka nang umiyak." Kalmadong sabi ni Konsi.

"Sorry Konsi, sorry! Hindi na iyon mauulit." Sabi ko sa kaniya. Pinahid niya ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya.

"Halika na, sumama ka sa akin na kunin si Cassia." Tumayo siya, hinawakan ang kamay ko at hinila ako patayo.

"We will bring back, Cassia safe and sound." Pagkasabi noon ni Konsi ay sumakay na kami sa kotse niya. Nasa unahan namin ang isang police mobile.

Huminto kami sa ikaapat na street mula sa bahay ni Konsi.

"Konsehal, dito po nakatira si Susan Navarro. Nakahanda ang asawa niya na isauli ang anak niyo." Sabi ngn pulis na kasama namin.

Pumasok kami sa loob ng isang malaking bahay. Kasama pa rin namin ang mga pulis. Sinalubong kami ng isang lalaki na sa tantiya ko ay ka-edad ni Konsi.

"Magandang gabi, Konsehal Zaragoza. Ako si Juan Navarro." Nakipagkamay si Konsi sa lalaki.

"Ligtas ho ang anak ninyo. Kasalukuyan siyang natutulog sa baby nursery. Nabanggit na siguro ng mga pulis ang kondisyon ng asawa ko." Umpisa ng lalaki.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon