29

1.1K 74 0
                                    

FRANCES POV


"Mabuti naman at dumating kana. Hindi mo ba kasama si Jaydee?"



Bungad na tanong sa'kin ni Mommy nang makapunta ako sa sala kung saan nan'don sila Daddy. Bumeso agad ako sakanila at napansin kong wala si Duke, baka nandoon siya sa kwarto niya.



"Hindi Mommy e, kailangan na din daw niya umuwi para mag impacked ng mga gamit." Malungkot na sabi ko at umupo sa couch kaharap nila.



"Oh, bakit daw? Saan punta niya?" Sunod na tanong ni Daddy at sumimsim sa hawak niyang kape.



"Sa Japan, doon daw ang vacation nila ng fam niya. Business for Juarez company naman daw po ang pupuntahan nila doon." Ngusong sagot ko kay Daddy. Nagkatinginan sila ni Mommy at tumawa pa sila. Hindi ko din alam kung nang aasar sila.



"Kumain kana ba?" Tanong ni Daddy at sumimsim siya sa kape na hawak niya.



"Opo." Maikli kong sagot, para siguro hindi na madugtungan.



"Ahmm... May sasabihin din kami ng Daddy mo" Mahinahong sabi ni Mommy. Tumayo muna ako at nagtungo sa salamin para ayusin ang mukha ko ng kaunti. Naghihintay ako sa sasabihin nila Mommy at baka iyon ang gusto nilang iparating sa'kin kung bakit nila ako pinapunta dito.



"ATE!" Sigaw ni Duke at pababa siya ng hagdan. Anlakas naman ng sigaw nito.



"Ano nanaman?" Tanong ko sakanya at nakangiti pa ang mukha niya. Nakakayamot talaga ang mukha ni Duke.



"Anong bagay sa'kin dito ate?" Tanong niya sakin at may kinuha pa siyang dalawang hanger na Leather Jacket. Bakit naman may Leather Jacket siya? Saan siya pupunta?



"Yung gray. Bakit ka may ganyan? Saan ka pupunta?" Kunot noong tanong ko sakanya. Napalitan naman ng pagtataka ang mukha niya.



"Ay, hindi paba nasabi sayo nila Daddy?" Takang tanong niya at tumawa pa siya ng bahagya. Naiinis lang ako sa mukha ni Duke, sa tru lang. Tumingin ako kila Daddy at nagtatawanan lang sila ni Mommy.



"Ano bang meron!?" Kunwaring iritang tanong ko sakanya.



"Sa Japan daw tayo mag ce-celebrate ng Christmas tsaka New Year. Kila tito Alfredo daw ang tuloy na'tin doon." Masayang sagot niya, so doon din ata ice-celebrate ang birthday ko? Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa mga sinabi niya. Gusto kong mag ta-talon talon dito sa kinatatayuan ko. Lumapit agad ako kila Daddy sa couch.



"Kailan flight na'tin Mommy?" Tanong ko kay Mommy at parang hindi pa ako mapakali.



"5 days pa" Sagot ni Daddy. 3 days nalang flight na nila Jaydee, so sila ang mauuna. Posibleng mag-kita kami ni Jaydee doon sa pwede na'ming lugar na pupuntahan.



"May ticket na po ba tayo mom?" Tanong ko ulit kay Mommy at baka mamaya scam ito.



"Of course, I-ninvite tayo ni Alfred na mag celebrate tayo sakanila ng Christmas and New Year especially your birthday. So let's enjoy this vacation" Masayang sabi ni Mommy. Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko at napangiti ako ng sagad. Sa wakas makakasama ko din si Jaydee sa mga ganitong okasyon.



"Nasa'yo ba ang passport mo Frances?" Seryosong tanong ni Daddy. Naalala ko nasa drawer ko ito nilagay sa condo dahil doon ang mga nilalagay kong mahahalahang papel na kailangan.



"Opo Dad" Nakangiting sagot ko sakanya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdam ko ngayon at parang nanalo ako sa lotto.



"Mag ayos kana din ng mga gamit mo, Dec 23 ang flight na'tin. Dito ka nalang din mag palipas ng gabi" Sabi ni Mommy at tumayo na siya para pumunta sa taas. Kami ang naiwan ni Daddy dito sa couch. Lumapit sa'kin si Daddy at hindi ko alam kung anong sasabihin niya.



Nagulat ako ng halikan niya ako sa noo tulad ng ginagawa niya sa'kin dati noong bata pa ako. Sobrang na-miss kong ganito sa Daddy sa'kin.



"Goodnight, i missed you so much my sweetheart. Big girl kana, Daddy's loves you pa'rin." Sabi niya at hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin si Daddy, ang emotional ata na'min ngayon.



"I love you too Daddy" Bulong ko sakanya habang magkayakap kami. Humiwalay na din kami at nakita kong tumulo ang luha niya at agad niya itong pinunasan gamit ang kamay niya. Hindi ko na din mapigilang maluha dito kay Daddy. Ngayon nalang ulit kami nakapag usap ng ganito.



"Naiiyak na din tuloy ako Dad." Pag iinarte ko at pinupunas punasan ang mata ko.



"Kapag may nanakit sayo sumbong kalang kay Daddy tulad ng ginagawa mo dati ha? Daddy's save you from the monster pa'rin." Naluluhang sabi niya at natawa. Hinampas ko ng bahagya ang braso ni Daddy dahil hindi ko na mapigilan ang luha ko. Siguro na-miss lang na'min ang isa't isa dahil hindi na kami nakakapag usap at nag kikita palagi.



"DADDY!!" Sigaw ko dahil tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. I miss my Daddy so much.



"Sige na magpahinga kana sa kwarto ni Duke. Have a goodnight." Sabi ni Daddy at tumayo na para umakyat sa taas. Agad na din akong tumaas at pumunta sa kwarto ni Duke para magpahinga. Natulog din naman agad kami ni Duke at inaasar asar niya pa ako bago kami matulog. 



Kinabukasan. Umuwi na ako sa condo na'min ni Coleen at nag ayos na ng gamit, nasabi ko na din sakanya at kay Kielle ang pag alis ko ngayon. Nasabi ko na din kay Jaydee lahat dahil nagkita kami kanina. Excited na kaming dalawa at bukas na ang flight nila. Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko at tinignan ko ito.



Eve Ezekielle: Takecare, see u in January. Goodnight, ily.



Jaydeerous: Can't wait, see u there. Have a goodnight, i love you.

COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now