Chapter 29

6.4K 370 52
                                    

Chapter 29

I opened my eyes and massaged my temples as the headache intensified. Dahan-dahan akong bumangon at inilibot ang tingin sa kwarto.

Phoebe and Georgina was sleeping next to me. Magkayakap sila at nakadantay pa ang paa ni Georgina sa kanya. Mahina akong natawa dahil sa itsura ng dalawa.

Sina Claudine, Drea, at Maxine naman ay nakahiga sa rollable floor mattress. Ang sarap ng tulog nila dahil na rin sa kalasingan. Mabuti na lang at may nagbukas ng aircon dahil paniguradong pawisan sila kung nagkataon na nakapatay ito.

Muli kong ipinikit ang mga mata nang naalala ko ang nangyari sa hagdan. Tuluyan na akong umalis ng kama at lumabas ng kwarto.

Maingat kong isinara ang pinto para hindi sila magising. Sumandal ako rito at nilingon ang kwarto ni Halona. Saan kaya natulog ang kambal?

Lumapit ako rito at binuksan ang pinto, pero walang tao. Sinunod ko ang kwarto ni Rainer. Unti-unting kumawala ang ngiti sa mga labi ko sa nakita. Napapagitnaan si Rogue ng kambal at nakayakap ang mga ito sa kanya. The twins loved to hug something while sleeping, so I wasn't suprised seeing them in this position.

Sinulyapan ko ang digital wall clock at alas sais trenta pa lang ng umaga. Nilapitan ko sila sa kabila ng hilo at marahan akong umupo sa kama.

I was enjoying watching them when Rogue opened his eyes.

Mabilis akong tumayo at aalis na sana pero tinawag niya ako. "Ragna?"

Inikot ko ang sarili pero hindi ko siya matingnan nang diretso. Lalo na sa nangyari kagabi. It was just a kiss on the cheek, but it was still a big deal for me.

Ibinaling ko na lang ang tingin kay Halona. "Why did they sleep here? I told them to sleep in my room."

He carefully got off the bed. Bago niya pa ako malapitan ay lumabas na ako ng kwarto.

Pababa ng hagdan ay pinigil ko ang sarili na lingunin siya.

"You girls were all wasted. You had a shitload of alcohol as if you're not healthcare workers."

Doon ko na siya nilingon at mababakas sa mukha niya ang bahid ng iritasyon. Napatitig ako sa kanya na medyo gulo ang buhok, pero mas lalo pa yata siyang gumwapo tingnan dahil dito.

Bumalik sa isip ko ang halik niya kaya binawi ko ang tingin. Iniwan ko siya kagabi nang natauhan ako sa ginawa niya. Pumasok ako noon sa kwarto, matagal na inisip ang tanong ko sa kanya at ang ikinilos niya hanggang sa nakatulog ako.

Pumasok kami ng kusina. Sa kabila nang malakas na hangover ay pinilit kong kumilos. Inihanda ko ang mga lulutuin. May ginagawa rin si Rogue, pero hindi ko na lang siya pinansin.

I was cutting onions for the chicken soup when he came near me. Inilapag niya ang green tea at bread toast sa tabi ko. Umangat ang tingin ko sa kanya at naalala ko na ginagawa niya ito sa akin noon kapag may hangover ako.

"Eat while cooking," he said.

"Uh, thanks."

And then there was an awkward silence between us. Ininom ko ang green tea at kinain din ang toast.

Natapos akong magluto ng breakfast at tinulungan niya ako paghahanda sa dining table. Hanggang sa bumaba na rin ang girls na kagigising lang.

"Good morning, Rogue!" Georgina greeted.

Tiningnan ko siya, hindi makapaniwala. Nauna niya pa talagang binati si Rogue, ha?

Nginitian niya ako at bineso ako. "Good morning, Ragna!"

The Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon