Chapter 7

3.1K 70 2
                                    

Chapter 7
_______

"Ate!!"

Sinalubong siya nang kapatid niyang may malawak na ngiti. Para itong bata na tumatalon-talon papunta sa kaniya.

Nakangiti niya namang binuksan ang mga bisig para ikulong ito sa mahigpit na yakap. Sa totoo lang hindi naman masyadong matagal nang huli silang magkita. Ilang araw lang naman siya sa tagaytay at lagi niya naman itong dinadalaw noon bago siya umalis. Iyon nga lang hindi niya na ito naaabutang gising. Halos hindi niya na natutupad dito ang pangakong araw-araw niya itong aasikasuhin at dadalawin dahil sa sobrang busy niya. Mabuti na lang at maunawain ang kapatid niya.

Kahit papaano ay natutuwa siyang napalaki niya itong ganito. Mabuti na lang at naitaguyod niya kahit mag isa ang kapatid.

"Kamusta ka? Hindi mo naman ba pinapasakit ang ulo ni Nanay Sonya?" ani niya dito at ginulo ang buhok nito matapos maghiwalay sa kanilang mga yakap.

Ngumiti ito nang matamis at mabilis siyang hinagkan sa pisngi.

"Miss na miss kita Ate. Ang ganda mo doon sa commercial nang Shampoo. Sana pag kasing edad mo na ako, kasing ganda mo na din. Idol talaga kita Ate eh." sunod-sunod nitong ani na nagpatawa sa kaniya.

"Kinakamusta kita Jessica. Kung ano-ano na namang sinasabi mo diyan."

"Ay Oo pala Ate, ayos lang po ako. Hindi ako nagpasaway kay Nanay Sonya." magiliw na ani nito at kinuha ang dala niyang maliit na bag bago siya hinila patungo sa sala.

Pinaupo siya nito at tinulungan siyang tanggalin ang sapatos niya. Sabado ngayon at wala itong pasok.

"Kamusta naman ang pag-aaral mo?" tanong niya dito bago inabot ang maleta niya para kunin ang mga pasalubong niya dito pati na rin kay Nanay Sonya. Nailagay na pala agad ni Nanay ang maleta niya dito. Malamang ay nasa kusina na ito para maghanda nang makakain. Magagabi na din naman at malapit nang mag dinner.

"Ayos lang din Ate. Yung crush ko po si Felipe, iyong mabantot ang name. Ni-kiss kanina si Ann sa pisngi, iyong kaklase ko na mas maganda naman ako. Naiyak ako ate kasi ako hindi niya man lang pinapansin." umupo ito sa tabi niya matapos ilagay sa gilid ang sapatos na suot niya. Nakahalukipkip na ito ngayon at nakasimangot.

Dinukot niya ang dalang kakanin para dito at kay Nanay Sonya pati na din iyong chocolate at mga damit. Nang umalis siya halos wala naman talagang laman ang maleta niya. Dinala niya lang talaga ito para mapaglagyan nang pasalubong sa kapatid pati na din sa kaniyang katiwala na siyang nagbabantay dito.

Ibinigay niya sa kapatid ang Chocolate na paborito nito.

"Ang tinatanong ko ay iyong pag-aaral mo, hindi iyong tungkol sa crush mo na hindi ka naman bet. Kapag ikaw talaga ang tinanong kung saan-saan na lang napupunta ang topic." diretsahang ani niya dito na mas lalo nitong ikinasimangot. Binuksan agad nito ang bigay niyang chocolate at kumagat nang pagkalaki-laki.
"Kumain ka nga nang maayos mabibilaukan ka niyan eh." sita niya dito.

"Eh syempre share ko lang saiyo Ate kasi siya iyong magiging husband ko kaya dapat makilala mo na siya." nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi nito.

Oo nga at magdedesi-sais na ito pero masyado naman ata itong advance mag-isip. Di man lang ginawang Jowa, asawa agad.

"Hindi ka nga noon bet. Iba nga ang hinalikan sa pisngi eh." ani niya dito.

"Bet din ako nun Ate, torpe lang iyon pagdating sa akin." confident na ani nito.

"Alam kong dyosa tayo beh, pero pakibawas naman kahit kaunti iyang confidence mo. Nasasapawan mo na ko eh." ani niya dito at pabirong inirapan ang kapatid.

Madly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon