31

1.4K 84 14
                                    

FRANCES POV


"Valentine's na ah, bar daw tayo mamaya, sabi ni ate Abby. Sino daw pwede?"



Nandito kaming tatlo ni Coco at Kielle sa kotse at papunta na kami sa condo na'min ni Coleen, deretso kaming umuwi pagkatapos ng klase dahil wala naman na kaming masyadong gagawin sa School. Pinuntahan din kami ni Kielle at sinundo kami sa tapat ng School. It was a peaceful month at ang bilis lumipas ng mga araw at Valentines na.



"Ako." Proud kong sagot kay Coco at tinaas ko pa ang kaliwang kamay ko.



"Ako, wala naman akong date." Sunod na sagot ni Kielle. Pwede naman ata siya sumama sa'min mamaya kung hindi siya busy.



"Busy ka'ba mamayang gabi? Kung hindi, pwede ka namang sumama sa'min, libreng libre lang." Ngiting sabi ni Coco sakanya, feeling ko sasama naman si Kielle.



"Sure, hindi na muna ako uuwi." Sagot ni Kielle habang nag ddrive. Buti naman at sasama siya para na din ma-meet niya ang mga ate na'min. Napangiti ako sakanya habang nakatingin at parang nakita niya iyon dahil ngumiti din siya at tumingin sa back mirror kung saan ako naka-upo.



"Yan naman pala e. Sana all nalang may ka-date no, Kielle?" Asar na sabi ni Coleen at ngumiti ng nakaka-asar at nakatingin pa siya sa'kin. Napangiti din si Kielle sa sinabi ni Coco kaya napangiti din ako, anlakas talaga ng sapak nitong babaeng to.



"Ay Frances! Pansin mo? palagi ng magkasama si Jaydee at Madie. Sobrang close na talaga nila no?" Dugtong niya pa at bahagya siyang natawa pero hindi naman ako na-aasar. Napatahimik lang ako at hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko din naman mapag-kakaila dahil totoo naman na lagi silang magkasama kapag uwian na, pero malaki ang tiwala ko kay Jaydee kaya hinahayaan ko nalang. Tulad ng sabi ko dati, twice a week nalang kaming nag kikita kapag may pasok dahil busy din kami sa academics na'min.



Napatingin nalang ako sa katabi kong window at papasok na pala kami sa parking lot ng building para makapag park. Parang walang may balak na magsalita sa'ming tatlo kaya ako ang pumutol sa katahimikan habang papasok na kami ng building.



"Malapit na finals exam niyo Kielle ha. Goodluck!" Sabi ko nang nakangiti ng sagad. Ngumiti din siyang tumingin sa'kin. Wala na'kong maisip na sasabihin kaya 'yan nalang.



"Next month pa naman. Nag s-start na nga ako mag review e." Sagot niya at pinantayan niya ang lakad na'min ni Coco dahil siya ang nauuna.



"Malapit na pala, graduating kana. Graduating na din ako ng Senior High." Salita ni Coco habang paakyat na kami ng building. Malapit na din pala sila ni Jaydee.



"Goodluck, sa College Journey mo Coco." Natatawang sabi ni Kielle sakanya. Mukhang easy lang kay Coco yan dahil matalino naman siya.



"Anong i-tetake mong course?" Dugtong pa ni Kielle.



"Siguro ano, Architecture." Sagot ni Coco sakanya. Siguro same lang kami ni Coco.



"Kayang kaya mo yan." Sabi ni Kielle at papasok na kami ngayon sa unit na'min ni Coco. Nakikinig lang ako sa usapan nilang dalawa, nakaka-excite din palang maging college.



Naisipan kong tumambay muna sa balcony para mag-pahangin dahil wala rin naman akong ginagawa. Nag dm na din ako kay Jaydee na mag ba-bar kami mamaya for Valentine's, dahil wala pa naman siyang binabanggit sakin kung saan kami pwede pumunta.



"Lalim ng iniisip ah." Nagulat ako nang biglang nag-salita si Kielle sa likod ko. Dali dali niyang kinuha ang upuan at tinabi niya sa'kin para doon siya maupo.



COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now