Chapter 6

884 19 0
                                    

"HAHAHAHA" I really can't stop laughing when I saw her irritated face. Nakabawi rin.

"It's been a good day" Sabi ko at ipinarada ang kotse. I'll see the ugly faces of my friends anytime now. Lumabas ako sa car at nag doorbell. I'm here at my crazy friend's house. Mag bobonding daw kami ngayon. If I know baka may mga babae doon sa loob?

*Ding dong*

Any seconds later, the gate opened.

"Calixian is here!" Imbis na batiin ako ay yan ang sinabi niya.  Umiling nalang ako at pumasok na sa loob.

"Hey man!" Kervin

"Buhay ka pa pala" sinamaan ko ng tingin si Raze.

"Alangan namang patay diba?" Sabi ko.

"Buti nagpakita ka? Akala ko nalunod ka na sa mga babae mo?" Zyrix said.

"Baliw. Baka sila ang malunod sa kagwapohan ko?" Nakangisi kong sabi.

"Di ka parin nagbabago dude" Kervin

"Ano namang babaguhin ko? Eh sa pinanganak akong gwapo eh" Sabi ko at umupo.

"Hey may sasabihin ako" Raze said.

"What is it?" I ask

"Alam mo bang nabiktima na yang si Zyrix ng ghost" natatawang sabi niya.

"Ghost? Sino naman yang nang ghost sayo?" Tanong ko kay zyrix

"I met her online" he said.

"Tss pareho lang kayo ng kapatid ko. Ano bang nasa online at marami kayong nakikita diyan?" I ask

"Marami. Makakahanap ka ng chicks anytime you want" Kervin said.

"Really? Can I have that one too?" I ask

"Oo naman. I try mo minsan. Baka doon mo na mahanap ang makakapat mo hahaha"

"Psh"

"May Facebook ka pare?"

"Nope" Sabi ko at kumuha ng beer.

"Edi gumawa ka na ng account mo. Marami doon promise" Kervin said.

"I haven't try that one. Is that good?"

"Oo naman. Mag eenjoy ka kaso maraming toxic" Zyrix

"Toxic sayo kasi na ghost ka nga diba?" Pang iinis ko sa kanya.

"Boom!!"

"Hahaha"

Sinamaan niya kami ng tingin at uminom ng beer. Okay I miss these crazy men.

----
"Arrghhhh! Bakit sa lahat ng pwedeng makita siya pa ang makikita ko? Sobrang malas mo talaga Felishia!" Nang gigigil kong sabi. Di nako tumuloy sa mall. Na bubwesit ako doon sa lalaking yun.

"Ang galing mong bumawi ah! Inferness!" Sabi ko at pumalakpak pa.

"Anak? Ayos ka lang ba? Sinong kausap mo?" Napalingon ako kay mom.

"Ha? Ah wala po mommy." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"May problema ba ang anak ko? Mag kwento ka naman kay mommy" Sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Eh kasi po mom, may lalaki akong nakilala. Playboy siya at ayaw na ayaw ko sa kanya. Pati na rin sa mga kalahi niya! At kanina habang nasa daan ako kasi nga traffic, ininis niya ko mom. Actually sinabayan ko siya. Ininis ko rin. Pero di siya nagpatalo mas ininis niya pa ko at nakakagigil talaga like sagad to the bones!! Grrr ang sarap niyang katayin!!" Nang gigigil kong saad. Kinuyom ko na talaga ang kamao ko sa sobrang gigil.

"HAHAHA" napatingin ako kay mom ng tumawa siya. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Mom, paalala lang di po comedy yung kinukwento ko sa inyo ha" Sabi ko. Tumigil siya sa pagtawa at tumingin sa akin.

"Na ikwento ko ba sayo na diyan din kami nagsimula ng daddy mo?" Mom said. Wait what?

"Huh?" Blangko ang utak ko kaya yan na ang naisambit ko.

"Ganito kasi yun. Noong teenager pa kami ng daddy mo. Palagi na talaga kaming nag aaway. Kulang na nga lang magsuntukan kami nun eh. Ilang taon din kaming ganyan. Pero dahil nga nagpunta kami ng Japan ng Lola mo ay natigil ang pag aaway namin. Syempre umalis ako eh hahaha. Pero nang makabalik ako galing Japan. Laking gulat ko bigla niya nalang akong pinuntahan sa bahay at nanligaw!" Natatawang sabi ni mommy. Di ko rin mapigilang matawa sa sinabi ni mommy. Grabe si dad haha

"And? Nagpaligaw ka mom?" Tanong ko

"Syempre hindi noh! Di kaya kami bati non. Pero yang daddy mo ang kulit kulit! Di ako tinantanan. Sinabutahi pa si Lolo mo kaya ayun."

"Kaya na fall ka ayyieee!" Tukso ko kay mom. Namula naman siya.

"Hahaha grabe inlove na inlove talaga si mommy oh" panunukso ko sa kanya.

"Kaya ikaw, wag ka masyadong makipag away sa mga lalaki. Baka mamaya maparehas ka sakin" mommy.

"Pero mom di ko mapigilang mainis sa mga kagaya nung Calixian na yun. Napaka hambog at hangin jusko pinaglihi ata yun sa bagyo!"

"Calixian ang pangalan niya?" Mommy ask.

"Yes mom why?" Tanong ko

"Calixian Bancroft ba yan?" Tanong niya. Nangunot ang noo ko.

"Kilala mo siya mom?" Tanong ko

"May kakilala kasi akong Calixian. Anak siya ng tita Amanda mo. Ewan ko lang kung yan ba ang Calixian na tinutukoy mo" napatakip ako ng bibig. Sana naman di siya yung anak ni tita. Di ko pa naman nakikita yung anak niya. Pano nalang kung siya nga yun? Edi away uli?

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon