🍯7

132 10 20
                                    

Hindi ko na ito pinansin pa at pumasok na ako sa amin para kumain. Iniisip ko pa rin kung bakit pautal utal kong nasabi sa kanya yung palusot kong bulok. Kabado ba ako?

Matapos kumain ay nagtungo na ako sa kwarto at nanood ng ASMR videos para makatulog ako.

"Honey! Tumayo ka na diyan at bilisan mo." Pag gising ni Mama sa akin. Hindi naman siya galit pero bakit parang kinakabahan ako?

"Tungkol saan ba ma? At saka bakit may tatlong box dito ng pizza? Can I have some? Hehe" Sunod sunod kong tanong rito. Umagang umaga pa lang pero natatakam na ako sa nakikita kong pizza.

"Hoy hindi para sa iyo iyan. Yung tenant sa itaas, binalik yung Tupperware na pinaglagyan ng pagkain kagabi, ang konti raw para sa kanila. Ang sabi mo sa akin isa lang ang titira doon?" Nashookt naman ako sa sinabi ni mama.

"Eh hindi ko naman tinanong kung ilan silang titira eh malay ko ba? Mukha lang namang may sariling mundo yung lalaking iyon eh." Pabulong ko pang sabi.

"Hoy huwag ka nang bumulong diyan. Kumain ka na, maligo ka na at pumanik ka sa itaas dala ito!" Utos naman ni mama.

"Kailangan talaga nakaligo na ako eh magbibigay lang naman ako ng pagkain?" Patanong ko pa rito habang nagsisimula nang kumain ng tinapay.

"Oo. Dahil magmula ngayong araw ganyan na yung magiging routine mo. Gigising ka ng 7am at papanik ng 8am, malinaw?"

"Ang strict mo naman bigla ma. Ano bang meron?" Nagtataka kong tanong rito.

"Mamamasukan ka nang kasambahay nila."





Honey🍯 | Enhypen Jay FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon