Kabanata 6

318 21 3
                                    

Life is an adventure. You will never know where it will lead you.. You'll just have to go with the flow or if must, you can create your own destiny. The way you want your life to be. The universe is very rewarding. Just like how it rewarded me with a very good friends. 

Bumaba na kami sa ibon. Nanatili si Xerxes sa aking likod habang sinalubong ako ng maiinit na yakap nila Chessa, Cotton. Mas lalo tuloy akong napahikbi ng humagulgol si Chessa. Hindi ko aakalaing mag kikita kaming lima ngayon. I miss them so much!

"Totoo na ba ito? Ikaw na ba talaga si Ariza na kumare ko? Bestfriend ko? Yung laging nakikinig sa mga chismis ko?" umiiyak na tanong ni Chessa. Mas hinigpitan ko rin ang yakap ko. Tumango ako sa kaniya kaya mas lalo siyang naiyak. 

"Ariza, kamusta? Balita ko kay Cotton ay may bago ka daw na iniibig? Kinalimutan mo kaagad si Xerxes?" humalaklak si Rio. Agad na may lumipad na apoy sa kaniyang lugar. Mabuti nalang at mabilis niya itong naiwasan habang nakangiti pa din. 

Bakit ganito si Xerxes? Para siyang mas naging bayolente. 

"Shut up Rio! Ariza's heart on beats for me. Right baby?" Xerxes said and he look at me hopefully. Napairap nalang ako at tumango ulit. 

"Anyways Ariza, I miss you so much. Can I have a hug?" Rio asked while smirking at Xerxes. Sinamaan siya ng tingin ni Xerxes. Anong meron?

"Sure, why not? I miss you too Rio!" mungkahi ko at niyakap siya ng mahigpit. Ramdam ko ang init ng apoy na nag mumula kay Unang prinsipe. 

Nilingon ko si Xerxes. Mag sasalita na sana ako ng hinigit ako ni Cotton palayo kay sa kanila. Sumunod din si Chessa sa amin. 

"I want to tell you something about Xerxes." Cotton said as he look behind the men at the back. Nilingon ko din sila, ngayon naman ay masaya na silang nag uusap ni Rio. Parang kanina lang ay parang papatayin siya ni Xerxes ah?

"Oo Ariza. Makinig ka diyan kay Cotton. Nag bago na kasi 'yang prinsipe mo." linya ni Chessa at ngumuso. 

"Paanong nag bago? Parang wala naman..." 

"He is different from the Xerxes that you knew back in Liberta. He is more violent and arrogant now but he still maintained his big heart for everyone. He is more like a possessive man specially when it comes to you," napaisip din ako sa sinabi ni Cotton. Parang ganoon nga ang nakikita ko kay Xerxes ngayon. 

"Tapos alam mo ba nung nalaman namin na buhay ka, sabi ni Xerxes na, wala daw ibang makakalapit sa'yo kundi siya lang. Diba! Sobrang damot naman niya kay Ariza. Na miss ka din namin no'!" Dugtong pa ni Chessa at kumapit sa braso ko--ang madalas niyang ginagawa dati. 

Mag sasalita pa sana ako ng narinig naming tinawag kami ni Rio kaya lumapit na kami sa kanila. Dala ni Xerxes ang aking mga gamit. Napasinghap si Chessa kay Xerxes.

"Totoo ba ito? Cotton tignan mo! May dalang bag si Xerxes! Akala ko ba ay ayaw mong maging alalay? Anong meron? Napunta ka lang sa mundong ito at naging mabuti ka ng tao?" pang aasar ni Chessa kaya natawa ako. 

"K-kay Ariza ang mga gamit na ito." nahihiya niyang tugon kaya napa flip hair ako. 

"Are you guys done? The portal will not wait for us forever. Sa Thiseo Hadrian na tayo muling mag kamustahan." Rio said while smiling. He is even more handsome now! Lahat sila ay gumanda at pumogi.

Kumunot ang noo ko nang sinabi niyang sa Thiseo Hadrian kami pupunta. Sa kaharian sa unang kontinente? Bakit doon?

"Hindi ba at sa Liberta University tayo babalik? Sa Thiseo na ngayon?" tanong ko. 

"Huh? Why are we coming back to L.U.?" Rio asked.

"Sabi kasi ni Cotton na reyna daw ako. Diba sa Liberta lang naman ako Reyna?" naguguluhan kong tanong. Natawa si Cotton sa tinanong ko.

Thiseo HadrianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon