Kabanata 13

6.2K 452 85
                                    

  Hindi ako maka focus sa klase pero nakangiti ako at may gana. Parang ang saya saya ko ng araw na ito.

Sinipa ni Jenessa ang aking silya kaya napatingin ako sa kanya.

"Ganda ng ngisi mo ah. Nakita kitang hinatid nung’ guwapo. Syota mo yun?" tanong niya at umiwas na tila ba may kakaibang iniisip at tumingin sakin ulit at kinagat ang labi.

“Nanliligaw sakin si Frosto." diretsong sabi ko at umiwas. Ngumuso lamang siya at nakinig sa aming guro.

Magana ako buong hapon. Nang madismiss kami ng hapon ay agad kong tinungo ang teacher's office para makausap si Ma'am Cora.

Siya lang kasi ang alam ko na makakatulong sa akin.

Sumilip ako sa teacher's room at nakita agad ako ni Miss Cora. Alam ko na mali ang nagawa ko dahil sa pagtanggi ko sa offer niya na pagkanta sa Labangan kasi kailangan ko talagang tulungan si lola ng gabing iyon.

“Pasok ka Sol."

Pumasok ako at umupo sa upuan na tinuro niya.

"May kailangan ka no?" agad siyang ngumiti at tumango naman ako.

  "Opo. Gusto ko po sanang maging working student po ma'am. Sana po matulungan niyo akong ipasok kahit janitor po o kahit assistant niyo po. Masipag po ako ma'am."

Tumawa ng mahina si Ma'am Cora. "Sol! Ano ba. Alam ko na napaka sipag mo na bata. Sige, kasi mabait ka puwede ka maglinis. Pero wag’ kang magpapagod kasi may klase ka. Ako na bahala magpalakad ng working student papers mo. Lahat naman kami dito ay gusto ka."

"Maraming salamat po talaga Ma'am Cora!"

"Walang anuman iyon Soledad. Pagpalain ka ng maykapal."

Napakaganda talaga ng araw na ito para sa akin. Nang sa gate na ako ay nakita ko sila Jenessa at iba kong kaklase. May hawal sila ng supot ng softdrinks at iba pang pagkain. Hinawakan ko ang aking tiyan dahil gutom na naman talaga ako.

Wala akong pera. Kung meron man ay pambili to ng ulam at bigas pauwi mamaya. Iinom nalang ako ng maraming tubig mamaya sa bahay.



"Sol!"

Tinitigan ko sila ng tawagin ako ni Jenessa.

"Halika!" anito.

Nagdalawang isip ako kung lalapit sa kanila dahil sa kanilang dami at hindi ako sanay sa presensya nila.


"Halika may bibigay ako sayong pagkain." parang normal ang boses ni Jenessa kaya lumapit ako. Hinila niya ang kamay ko at pinakilala sa mga grupo na kasama niya.

"Oh. Ayan na si Soledad ha. Kayo kasi puro kayo bulong bulungan pag nandiyan siya. Napaka guwapo ng syota niyan! Oh! Makakaalis kana!" binigay niya sakin ang chippy at tinanggap ko iyon.


"Salamat." yumuko ako at umalis na doon. Sobra ang aking kaba buti nalang talaga.





Kinakabahan rin ako dahil baka nandito na naman mamaya si Frosto. Hay. Kung mayroon lang sana akong cellphone e. Hinihinaan ko ang paglalakad dahil nagbabakasakaling nandiyan siya mamaya pero lumipas na ang ilang minuto ay walang Frosto na sumulpot.


Isang ingay ng traysikel ang aking narinig na nasa gilid ko at nakita ko na si lola pala!

"Lola!"

"Sol! Buti nalang nakilala kita agad. Sumakay kana may papakita ako sayo."


Huh? Mukhang seryoso si lola kaya mabilis akong pumasok sa traysikel. Nakita ko na marami siyang biniling damit sa ukay ukay. Sa amoy palang nun na makati sa ilong ay alam ko na agad.


Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon