21

460 22 18
                                    

Ni-ki's

nandito kmi ngayon sa bahay ni kuya jay .. wala din naman syang nagawa dahil dito din naman kami lagi nagpapractice .. pano ba naman , aside from free foods eh may malaki syang practice room dito . yung gaya nung sa mga dance schools ? yung may malaking salamin .. ganun kagara yung bahay ni kuya jay .. marami pang mga recreational rooms dito tulad ng gaming room , may movie room din , may pa sauna pa dito oh ha hahaha meron ding mini bar pero syempre di kami pumupunta dun hehe .. may videoke room din dito at iba pa basta pang sosyal talaga bahay nila tas ang laki pa . sanaol diba mayaman .. pero mayaman din naman kami di lang halata tsaka di ganito kayaman lol.

hinihintay nga pala namin si jungwon , almost 45 mins na kaming naghihintay sa kanya kase late na naman sya 'as always' ..

kanina pa namin sya tinetext at tinatawagan pero di sumasagot .. ganun talaga siguro kapag famous ka .

pero alam na nya na may practice kami ngayon kasi tinext ko sya kanina tas nagreply pa ng tipid na 'ok' galawang famous amp . di ako maka relate .. kasi kahit madami yung mga fans ko eh , hindi ako snob lol .. nakakabawas yun ng pogi points .

"nasaan naba si jungwon ? kanina pa tayo naghihintay dito ah , late na naman sya " inis na sambit ni kuya hoon .. akala mo naman di sya late eh kakarating lang din naman nya . tas may gana pa syang magreklamo .. di nga kami nagreklamo na kanina pa kamo dito

tiningnan naman sya ng masama ni kuya nicholas sabay hataw sa ulo nya ng kamay nito .. napaka bayolente talaga nitong taiwanese nato .. hayss buti nalang good boy ako . di ako nananakit ng iba .. kase iniingatan ko sila , gusto mo bang ingatan din kita ? yiee  'luh asa ka'  may iniingatan na ako , yung sarili ko #loveyourself #selflove

" aray ! bakit mo ko hinampas ?" sigaw ni kuya hoon pero tinawanan lang sya nung isa ..kaya ayun naghabulan silang dalawa .. sanaol naghahabulan .

kumakain lang kami habang pinapanuod namin yung aso't pusa na naghahabulan .. nang bigla nalang may bumukas ng pinto at iniluwa si Jungwon na pawis na pawis . ang dugyot nyang tingnan eww ..

"oh , anyare sayo ?" tanong ni kuya heeseung sa kanya .. habang hinahagisan sya ng bottled water .

" na flat'an ako mga kuys kaya tinakbo ko nalang papunta dito .. papakuha ko nalang sa driver yung sasakyan " sabi naman nya na medyo hinihingal pa

" bakit ? di kaba marunong magpalit ng gulong ?" pag uusisa naman ni kuya jay na nakapameywang na ngayon na nakaharap sa kanya .

" di eh hehe " sagot naman nya habang kinakamotang ulo nya

" ay ewan ko sayo jungwon .. pang porma lang yata yang sasakyan mo " sabi ni kuya jay at tinalikuran lang sya

"sorry for being late guys " luh naalala nya pang mag sorry

" okay lang yan wonie .. sanay na kami hehe " sabi ko naman tsaka hinagisan sya ng tshirt .. buti nalang may extra akong baon na shirt ngayon #boyscout #laginghanda

" thanks bro" awts bro zoned haha

nahinto naman sa paghahabulan yung dalawa ng mapansin nilang dumating na si jungwon .. practice naman kasi pinunta namim dito , hindi para maglaro .

nagstart ng music si kuya jay para sa stretching namin .. kaya nag form kami ng circle .. at para narin mapag usapan namin kung anong sayaw ang sasayawin namin .

nang matapos na kaming mag stretching at mag meeting ay nagsimula na kaming bumuo ng choreography .. remix ng God's menu tsaka Back door yung sasayawin namin . yung ibang steps gagayahin nalang namin sa original tas mag iimprovise narin kami ng ibang steps para mas astig . syempre ako yung dance leader dito kaya ako ang mag iimprovise pero sa tulong din naman ni kuya heeseung at kuya jay .

si jungwon ngayon yung ginawang center , nagbotohan kase kami kanina tas sya yung nanalo .. okay lang naman , ako naman yung naging center nung nakaraan .. salitan lang hehe di naman ako selfish .. minsan ang mga kuya din naman yung nasa center . para walang lamangan . tas yung para sa freestyle if may maghamon , well kahit sino naman samin magaling dun pero bahala na sila , kung sino nalang yung matulak , sya nalang yung lalaban .

magpupuyat kami ngayon para makabisado agad namin yung choreography nito . five days to go nalang kase bago ang dance battle kaya dapat mag focus kami , tas may pasok pa sa umaga haysss .. after school nalang yung chance namin na makapag practice kasi bawal samin ang mag cutting .. sabi kasi ni kuya heeseung dapat studies first before anything haha kaya ayun sinusunod namin sya kasi sya yung pinakamatanda tsaka maganda naman yung outcome kasi di naman sa pagmamayabang pero lahat kami nasa dean's list . #DapatTularan #studyfirst #mag_aralkayo

pero ang busy ng week nato para samin . di na kami makakagala nito pero oks lang kasi pag kami nanalo , which is given naman kase magaling kami , gagala na naman kami gamit yung pera na mapapanalunan namin dun . gusto kong mag beach hehe . isama ko kaya si celine , tas lunurin ko hahaha joke lang

pero kahit isa sa outing namin , di pa namin nasasama si celine kasi nga kakakilala pa lang naman nya sa mga kuya ko pero siguro this time makakasama na sya . tas maglalambingan silang dalawa ni jungwon tas ako dakilang third wheel . hayys iniisip ko palang nababagot na ako .. pero ok lang maging third wheel, wag lang maging third party ..

yung dalawang yun .. nung una , ayaw sa isa't isa tas ngayon parang ayaw maghiwalay . ang lalandi talaga .. di man lang nirespeto kaming mga single hayss nakakaumay tingnan , ang sakit sa mata .. #justiceforsingles

pero syempre support parin .. pareho ko silang mahal eh kahit palagi akong naleleft out at nao-OP .. okay lang naman , okay lang ako T^T nandyan naman kayo para sakin diba ? c'mon comfort meee !

" ni-ki .. lutang ka boii ? kanina kapa namin tinatawag , tulala ka na naman dyan " biglang sabi ni kuya jay sa tabi ko .. nginitian ko lang sya at nagpatuloy sa pagsayaw









🐑

unedited to lol .. pigang piga na utak ko hahaha pano ba naman kase puro taegyu nalang iniisip ko kaya di ako makapag concentrate sa pagsusulat .. 😃

It's you from the start || y.jungwon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon