Chapter 17

65.8K 1.3K 95
                                    

Nakangiting tinabi ni Miracle ang painting na ginawa niya sa sulok ng kwarto. She also covered it using a clean fabric para hindi ito madumihan. That stuff toy's painting is very important to her.

Hindi niya na alam kung nasaan ang laruan na 'yon. Pero hindi naman niya nakalimutan ang itsura nito kaya sapat na 'yon sa kaniya.

She sat on the chair again as she face the painting she's currently working on. It's a baby's portrait.

Muli niyang tinaas ang kamay niya kahit medyo pagod na 'yon, she decided to spend her time with her works than joining the party.

Naririnig niya na ang ingay mula sa labas. Kanina pa siguro nagsimula ang event. She's sure that her parents are happy not to see her around. Ayaw na ayaw ng mga ito na makita siya ng ibang tao at malaman na may anak sila.

Bumuntong hininga si Miracle bago muling ngumiti nang matamis. "You're the only one who's important for me right now. I rather spend time with you," she whispered while caressing her baby bump.

Inumpisahan niyang ipagpatuloy ang hindi pa natatapos na obra. She started with the baby's skin color. She made sure that it's a pale skin because she wants it to be more realistic.

Napahinto siya sa pagpipinta nang maramdaman ang pagkalam ng sikmura niya.

She bit her lower lip. Nakalimutan niyang hindi pa nga pala siya kumakain simula kaninang hapon.

Ayaw man niyang bumaba sa kusina, hindi puwede dahil baka baby niya ang mapahamak kapag hindi pa siya kumain.

She placed the brush on the table before stepping outside the room. Sinilip niya ang sala sa ibaba at agad na bumungad sa kaniya ang magarbong kasiyahan. Everyone's wearing an expensive gown and expensive jewelries. She can also see Trigger talking to other powerful people.

Miracle can't help but to smile bitterly. She's surrounded by powerful people. And here she is, a puppet. A weak woman.

Pinagpagan niya ang suot na white dress dahil baka may mga bakas pa iyon ng paint. Dahan dahan naman siyang bumaba sa hagdan para hindi mapansin ng ibang tao.

She's afraid that her father might beat hee again if she gains attention. Ayaw niya ng gano'n.

Sa direksyon lamang ng kusina nakatuon ang paningin ni Miracle habang pababa ng hagdan.

She didn't notice how other people turned their heads to her direction. Admiring her incredible beauty.

Kahit walang kaayos-ayos at simple lang ang suot nitong dress. Lahat ay napapalingon sa hindi maitatangging ganda nito. It's like they saw a fallen angel.

It's not her intention to gain the crowd's attention. But seconds later, everyone's watching her without her noticing.

Miracle immediately stepped inside the kitchen when she got there. Maingat niyang binuksan ang fridge at kinuha ang paborito niyang dessert. She placed the chocolate cake on the table before eating it.

Mabilis ang bawat galaw niya, natatakot siya na baka mamaya ay bigla na lang may pumasok na bisita sa kusina at makita siya.

When she's done eating, she immediately throw the container before stepping outside the kitchen. Pero hindi pa siya nakakalakad ng ilang metro ay may humila na agad sa braso niya.

Miracle gasped when she saw her father who's currently grabbing her. Katabi nito ay ang mommy niya na masama rin ang lagay ng mukha.

"You brat, we will talk upstairs! I told you not to go outside your room when there's an event like this. Pero anong ginawa mo?" galit na galit na tanong ng ama niya sa kaniya.

She almost cried because of the way he's holding her arm. Sobrang higpit no'n at gusto na lang niyang maiyak sa sikip.

"Mr. Fortalejo!" Lumuwag ang pagkakahawak ni Benedict sa kaniya nang harangin sila ng isang importanteng tao.

Miracle immediately held her arm na ngayon ay namumula na. Umangat ang tingin niya sa katabi ng lalaking humarang sa kanila, it's Trigger. Tulad ng mga magulang niya ay masama rin ang tingin nito sa kaniya na para bang may ginawa na naman siyang krimen.

She just avoided his gaze.

"I didn't see this beautiful lady a while ago. Is she your daughter?" masiglang tanong ng bisita bago siya lingunin.

Benedict and Olivia let out an awkward laugh.

"Y-Yeah, she is," Olivia answered.

Napayuko na lang si Miracle dahil marami yatang nakarinig doon. Her parents hate introducing her as their child. Paniguradong bugbog na naman ang aabutin niya.

"I'm sorry Mr. Hernan, I just need to talk to my daughter for a minute," paalam ni Olivia bago muling hilahin nang marahas ang anak.

They left Benedict who's currently talking to the visitor. Along with Trigger who didn't give a damn with her presence.

Miracle didn't say anything. Nagpakaladkad na lang siya sa ina niya papaakyat sa taas. Nang lumiko sila sa isang pasilyo, malayo sa mga mata ng ibang tao. Agad na pumaling ang mukha niya sa kabilang direksyon nang malakas siyang sampalin ng ina.

"How dare you disobey us, Miracle?!" galit na sigaw nito.

Umiiyak na hinawakan ng babae ang nasaktan pisngi. "Mom, I'm s-sorry. Patawarin n'yo na po ako," pagmamakaawa niya.

Olivia angrily grabbed her hair. "Napakabida bida mo rin talaga ano? Gusto mo laging mapunta ang atensyon ng lahat ng tao sa 'yo?! Ilang beses ka na naming pinagbawalan na huwag kang magpakita sa mata ng ibang tao!"

Muli siya nitong sinampal nang malakas. Napaatras na lang si Miracle at sumandal sa pader. Hindi niya alam kung paano magmamakaawa sa ina.

"B-But this is my house, mom. Asawa ko ang m-may ari ng bahay na 'to kaya kung sino man po ang mas may karapatan sa atin na gawin ang kahit na ano sa loob ng mansyon na 'to, ako p-po 'yon," she answered honestly while stuttering.

Hindi makapaniwalang tinitigan siya ng babaeng kaharap.

"You have the guts to answer me back?! Ang kapal talaga ng mukha mo!" hysterical na sigaw nito.

Olivia gazed at Benedict who just arrived. Lumapit ito sa lalaki habang hawak hawak pa rin ang dibdib. "Oh gosh, Benedict. You won't believe what happened. She shouted at me!" nagdadrama nitong sabi.

Hindi makapaniwalang pinagmasdan ni Miracle ang sarili niyang ina. She tried to oppose that but she immediately stopped when her father slapped her hard.

Natumba siya sa sahig dahil sa bigat ng kamay nito.

Nagtaas baba ang dibdib ni Miracle sa sobrang sakit ng nararamdaman.

Hindi pa siya nakakausad mula sa ginawa ng ama nang maramdaman niya ang paghila nito sa buhok niya para itayo siya.

"Where did you get that confidence?! Huh?! Sa mga obra mo?! Sige! Sisirain ko ang mga painting na 'yon kasabay ng pagsira ko sa mukha mo!" sigaw nito bago siya kaladkarin papasok sa kwarto na kinalalagyan ng mga obra niya.

KNIGHTS I-6: Pursuing Cinderella (Trigger Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon