Chapter 9

1.9K 45 2
                                    

Tatlong linggo na ang nakalipas simula nung mangyari ang lunch nila kasama ang tita at pinsan ni Thunder. Noong araw na 'yon ay nakaramdam ng kasiyahan si Jewel dahil sa pinapakitang pagmamahal at pagiging sweet ng asawa nito sa harap ng kanyang pamilya, kahit na alam niyang puro pagpapanggap lang naman iyon.

Pagkatapos mangyari iyon ay balik na naman ang asawa nito sa mga ginagawa gaya ng pag iinom, pambababae at higit sa lahat ang hindi na naman pagpansin nito sa kanya. Pero hindi na ito nagdadala ng babae sa mismong pamamahay nila.

Nasasaktan siya dahil doon pero tulad nga ng mga nakaraang araw ay tinitiis niya at idadaan na lang sa pag iyak ang mga iyon.

Minsan iniisip niya na kasalanan niya naman ang lahat kung bakit nangyayari ito sa kanya, kung bakit siya nasasaktan at nagiging miserable.

Noong una akala niya magiging maayos at masaya ang pagsasama nila bilang mag asawa pag kinasal na sila, pero kabaliktaran pala ang nangyari.

Lahat ng inaasam niyang kasiyahan ay walang natupad.

Para siyang nahulog sa isang malalim na butas na walang sumasalo.

Katatapos niya lang maghanda ng tanghalian para sa asawa dahil alam niyang pababa na ito. Maya maya pa ay nakarinig siya ng mga yapak na nasisiguro niyang sa asawa niya iyon.

"Thunder! Nakapagluto na ako ng tanghalian mo, kumain kana." nakangiting wika nito

Tiningnan lang siya nito ng nakasalubong ang mga kilay. Hindi man lang ito sumagot o ngumiti. Naglakad lang ito papuntang dining table at nagsimula ng kumain.

Nakaramdam naman ng kaunting saya ang dalaga dahil kahit papaano ay kinakain na ng asawa ang hinahanda niya hindi katulad dati na aalis lang ito at hindi papansinin ang hinanda niya.

Habang nakatitig siya sa asawa ay may naaalala siya. May gusto siyang itanong dito pero hindi niya alam kung saan magsisimula. Kinakabahan siya dahil baka hindi lang siya nito pansinin, pero iniisip niya na wala namang masama kung susubukan niya.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"Ahm Thunder, A-ano kasi. May itatanong sana ako sayo.

Napahinto naman ito sa pagkain at bumaling sa kanya. "What is it?"

"Aalis kaba? I mean may pupuntahan ka ba ngayong araw?" diretsong tanong nito

"Why did you ask? Wala naman, but I'm going to the company later to sign some files pagkatapos ay uuwi din ako." sagot nito

Napangiti naman ang dalaga dahil sa sinagot ng asawa. Ngayon niya lang ulit narinig ito magsalita ng mahaba, dati kasi hindi talaga ito magsasalita o kaya kung sasagot man ito isa o dalawang salita lang.

"Magluluto kasi ako mamaya, dito kana mag dinner, tutal wala ka naman pupuntahan diba?" saad nito

Hindi sumagot ang asawa ngunit nakita niya itong tumango.

Mas lalong lumawak ang mga ngiti sa kanyang labi. Sobrang saya niya dahil pumayag ang asawa nito.

Umasa kana naman! Tapos madidisappoint ka lang at masasaktan. Iyak na naman. " kontra ng isip niya

"Aalis ako maya maya para pumunta ng super market." aniya.

Ngunit wala na siyang narinig na sagot mula kay Thunder. Hindi na lang siya nagsalita pa at baka magalit ito sa kanya. Okay na sa kanya ang pumayag ito na kumain sila mamaya.

Pagkatapos kumain ng asawa niya ay mabilis niyang niligpit ang pinagkainan nito at hinugasan. Bumalik naman sa kanyang kwarto si Thunder.

Agad na nagbihis si Jewel para makapunta ng super market para mabili niya ang lahat ng mga kailangan niya para sa kanyang mga lulutuin. Isang espesyal na araw ito sa kanya at mas lalo pang naging espesyal dahil makakasama niya ang taong mahal niya.

Alas dos na ng hapon ng makauwi si Jewel sa kanilang bahay, inilagay niya ang mga pinamili sa refrigerator at sinilip niya sa kwarto ang asawa ngunit hindi niya ito nadatnan dito.

Baka umalis na papuntang opisina. - isip nito

At dahil maaga pa naman ay dumiretso na muna siya sa kanyang kwarto para umidlip saglit dahil nakaramdam siya ng antok. Kinuha niya muna ang alarm clock na nasa lamesa katabi ng kama niya para magset ng oras. Ayaw niyang malate siya ng gising at hindi agad makapagluto.

Mag aalas kwatro na ng hapon ng magising siya kaya dali dali siyang bumaba para makapagsimula ng magluto.

Habang nagluluto siya vegetables salad ay biglang pumasok sa isipan niya ang dating matalik na kaibigan. Isa kasi ito sa paborito nito. Bigla na naman siyang nalungkot ng maaalala ang nangyari sa kanila tatlong taon na ang nakalipas. Ayaw niya ng maalala ang pangyayari na iyon, sa totoo lang ayaw niyang balikan ang nangyari ng gabing iyon dahil isa iyon sa pinakamasakit na pinagdaanan niya.

Nagkaroon siya ng trauma dahil sa pangyayari na iyon. Noong gabing kamuntikan na siyang mapahamak at ang malala pa ay muntik na siyang magahasa.

She really hate the idea of being rape, dahil isa ito sa nagbigay bangungot sa kanya. Kung hindi dahil sa matalik na kaibigan niya ay paniguradong hindi siya nakaligtas.

Mapait siyang ngumiti, I miss you Daven. bulong niya at nagpatuloy na sa pagluluto.

Pasado alas sais na ng matapos siya sa kanyang pagluluto, inayos niya lahat ito sa lamesa. At ng makita niyang nakaset na lahat ay umakyat na rin siya para makapag ayos ng sarili.

Pero inabot na siya ng dalawang oras sa paghihintay ngunit wala pa rin ang kanyang asawa. Alas otso na ng gabi ngayon at ito pa rin siya naghihintay

Nagsisimula ng manubig ang kanyang mga mata. This day is her special day and she wants it to be perfect kahit ngayong araw lang, pero mukhang hindi na naman siya magiging masaya. Umupo siya sa isang upuan na nasa harap ng lamesa at tiningnan ang mga hinanda niyang pagkain. Nagbukas siya ng isang bote ng alak at nagsalin sa baso. Hihintayin niya pa rin ang asawa.

Habang umiinom siya ng alak ay hindi niya mapigilan ang hindi maiyak. She's hurt again. Lagi naman siyang nasasaktan kaya wala ng bago do'n, pero akala niya kasi magiging masaya siya kahit itong araw lang na 'to, akala niya pagbibigyan siya ni Thunder ngunit pinaasa lang siya nito.

Ano pa ba ang bago? Lagi naman akong sinasaktan at pinapaasa ni Thunder, kailan ba ako matuto na hindi umasa? Nakakapagod na ang ganito, pero mahal ko siya. - she thought to herself

Life is so unfair! Ang lupit ng tadhana!

Bakit ba hindi man lang siya pinagbigyan sa araw na ito? Kahit man lang sa espesyal na araw niya. Siguro kung kasama niya pa rin ang pamilya niya masaya siya ngayon.

Patuloy pa rin siya sa pag inom ng alak ng maalala niya na buong araw pala niyang hindi tiningnan ang kanyang phone, alam niyang maraming text at calls iyon pero alam niyang wala namang mensahe na galing sa isang taong gusto niyang bumati sa kanya.

Hindi niya namalayan na naubos niya na pala ang alak. Agad siyang tumayo para umakyat na ng kanyang kwarto.

'HAPPY BIRTHDAY JEWEL,' - bulong nito sa sarili habang papaakyat ng hagdan.

Pagkarating niya ng kanyang kwarto ay hindi niya na mapigilan ang paglandas ng kanyang mga luha.

Heto na naman siya umiiyak, sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon para sa kanya ito sana ang espesyal na araw niya at dapat masaya siya pero ito siya nasa kanyang silid at umiiyak.

Pagod na pagod na siya

Pagod na siyang masaktan

Pagod na siyang umiyak

Pagod na siyang umasa

Pagod na siyang magmahal

Pero kahit na ganoo'n ay hindi niya pa rin kayang iwan ang asawa. Pagod lang siya pero hindi ibig sabihin ay susukuan niya na ito. Alam niyang darating din ang araw na mamahalin siya nito at magiging masaya silang mag asawa kasama ang bubuuin nilang pamilya.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon