One: Who's the real hacker?

1 0 0
                                    

Aleciano's POV

"Boss, mahirap mahanap yang babaeng hacker na yan! Maraming ebidensya ngunit ni isa roon ay walang tumutugma sa suspek. " aniya ng kasama ko sa Mafia.

Hinahanap kasi namin ngayon ang babaeng hacker na pati pamahalaan ay tinatangkang ihack rin. Dito nakasalalay ang buhay ko. Matagal na ako sa Mafiang ito, bilang isang Leader ay kailangan ko ng tapusin ang last na Mission ko bago ako mamatay. Dapat ay mauna ang Mission na ito sa pagkamatay ko dahil sa pagkatanda.

"Ayusin niyo ang trabaho niyo. Walang tumutugma dahil sa kapalpakan ninyo!!Binabayaran ko kayo ng malaking halaga tapos sinasayang niyo!! Punyeta! Wala kayong silbi sa grupong ito!!!!" tuluyan na ngang lumabas ang galit ko. Hindi ko magawang tingnan ang mga kasamahan ko dahil na rin sa mahirap nga talagang hanapin ang lokong hacker na yan.

"Aleciano! " uminit kaagad ang ulo ko ng may biglang tumawag saakin sa pa-comportableng boses.

Nilingon ko ang pinto kung saan naroon ang boses at agad na sinalubong ito ng magaksalubong na kilay. "UMALIS KA SA HARAPAN KO EFREIN!!".

"Mainit ata ang ulo mo Aleciano, sino ba naman ang hindi iinit ang ulo kapag malapit nang mamatay, haha! " nakakainsulto ang pinagsasabi nitong Efrein na ito. Hindi ba naman pakialaman ang sarili niyang mundo.

"Mas matanda ako sayo Efrein, alam ko na ang pasikot sikot rito sa grupong ito. Oo, umiinit ang ulo ko dahil sa malapit na akong mamatay. Pero huwag kang mag-alala, dahil ikaw rin ang iinit ang ulo dahil sa pagkawala ko. Hmmm, mahirap para sayo na gawin ang mga ginawa ko bilang leader. Baka ikaw pa ang unahin ng magiging posisyon mo kapag wala na ako. "

"Gustuhin ko man ang posisyon mo ay hindi maaari dahil illegal ang estado mo samantalang ako ay legal. Hindi man ako leader ng Mafiang binuo ng leader namin, sisiguraduhin kong ako na ang magiging leader at magpapatakbo nito. Tapusin mo na ang trabaho mo Aleciano, kundi ay ako ang tatapos sayo. " agad na bumalik ako sa wisyo ng dahil sa sinabi ng lokong Efrein na iyon. Totoo ang sinabi niya ngunit mataas ang pride ko kaya lahat ng sinasabi niya ang hindi ko sinasangayunan.

Kaibigan ko itong si Efrein ngunit naging Kaaway na rin ng nailipat siya sa kalaban naming Mafia group.

Si Efrein ang may pinaka-alam sa mga susunod na hakbang ng Mafia Boss. Ang Mafia Boss ang may kakayahang pumatay at magpaunlad ng grupo. Nahahati sa dalawang grupo ang Mafia; ang una ay iyong legal. Ang legal na Mafia ay nasa grupo nina Efrein, sila yung nakikipagtulungan sa Pamahalaan upang malutas ang problema ng bansa. Kami namang mga illegal ang tumutulong sa paghananap ng solusyon ng mga legal na Mafia.

Ako ang leader ng Mafia na ito, may kakayahan kaming Illegal na Mafia na magpatakbo ng iba't-ibang negosyo sa loob ng bansa. Ganoon rin ang mga legal ngunit sila ay may kakayahan lamang magpatakbo ng mga negosyo sa labas ng bansa. Mayroon kaming mga casino at sugalan rito sa loob ng bansa. Ang grupo naman nina Efrein naman ay mayroong mga hotel sa Canada.

Sa madaling sabi, kaming mga illegal ay may kakayahang tumulong sa kapwa namin Mafia na legal para malutas ang problema ng bansa. Ngunit mayroon ring kaming kakayahan na kalabanin ang pamahalaan at grupo ng Legal na Mafia.

Agad na ring umalis ang lokong si Efrein at bumalik na sa grupo nila. Madalas niya rin namang gawain ang mambwiset sa kalaban niyang grupo lalo na sa akin.

Noong nakaraan ay binalaan na ako ni Efrein tungkol sa last mission ko. Pinasabi raw iyon sakaniya ng Mafia Boss kaya dapat na sundin ko rin iyon. Mataas ang posisyon ni Efrein kaysa sa akin. Mas mataas ang pwesto ng Legal kaysa sa Illegal. Kaya kahit na leader ako ng Illegal na Mafia, at miyembro rin ng Legal na Mafia si Efrein, hindi mapagkakaila na mas mataas pa rin ang posisyon ni Efrein kaysa saakin.

"Aleciano, mayroon ka pang huling mission bago ka mamatay. Kailangan mong mahanap ang hacker na naghack ng impormasyon sa pamahalaan. Kapag hindi mo raw nagawa iyon sa loob ng tatlong linggo, uunahin na ni Boss ang kamatayan mo bago ka pa mamatay. " iyon ang sinabi saakin ni Efrein nung nakaraan. Ito na rin ang ikinatatakot ko. Handa na akong mamatay ngunit hindi pa ako handang patayin. Gusto kong mamatay nalang kaysa patayin pa.

*****************************************

"Boss, nahanap kilala ko na ang hacker!" nagising ang diwa ko ng sumigaw ang kasamahan ko sa loob ng opisina ko.

"Mabuti naman at nagawa mo ang trabaho mo! " masaya akong mabalitaan iyon.

"Hehe, ganun talaga boss. Masipag akong magtrabaho! Siya nga pala, babae ang hacker na hinahanap natin boss! " nagulat ako ng malaman na isa palang babae iyon.

"Ang nakakagulat pa boss, ay nasa High school pa lamang ang nasabing hacker. " dagdag pa niya.

Talagang nakakagulat nga. Bihira lang ang may kakayahang gumawa noon. Babae na nasa High school pa lang? Angas naman nun babae.

"Sino ba ang tinutukoy mo? "

"Lowell ang apelyido niya Boss, Viviane Zaire Lowell! "

Lowell??? Pamilyar ang apelyido na iyon saakin. Si Anastasia Lowell, yung babaeng minahal ko noon. May kinalaman ba siya doon sa Vivianne Zaire Lowell?

"Ibigay mo nga saakin ang background niya." inabot niya naman saakin ang envelope na may lamang impormasyon tungkol sa babaeng iyon.

Pangalan, Status at Koneksyon niya lang sa pamahalaan ang nakalagay.

"Pano mo ba nasabing siya nga ang hacker?"

"May nagpaayos kasi boss ng laptop sa repair shop namin, tapos may nakita akong code habang inaayos ko yun. Nakita ko na pamilyar yung code tapos dun ko nalaman na siya yun. Hindi ko na rin siya kinontak at agad na akong pumunta rito. Panigurado hinahanap niya na yung laptop niya. " kwento niya naman.

"May larawan ka ba niya or kahit anong id picture diyan? "

"Wala boss eh, pero namukhaan ko naman siya. " yan lang. Pwede namang ipasketch nalang iyon para matrace kung ano ang inage nung Vivianne.

"Ay ano nga pala boss, tayo palang ang may alam niyan. Pwede nating gawing pangblockmail yan sa mga taga gobyerno. Babayaran nila tayo ng dalawang milyon kapag naibigay natin sakanila ang impormasyon. Jackpot boss! " brilliant idea nga talaga ito. Bigtime to!

"At ano ang ipangbablockmail niyo saamin??? " nagulat ako ng marinig ang Mafia Boss na nagsalita sa likuran namin.

"A-ah ano boss, w-wala l-lang i-iyon. " palusot ko.

"Wag kang mag maang-maangan Aleciano, narinig ko lahat!!!! Oras na ng kamatayan mo! " hindi pwede, hinihintay pa ako ng anak ko. Taranta akong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si ang anak ko na si Cedric.

"C-cedric, a-anak m-mahal kita! H-huwag m-mong pababayaan a-ang sarili mo. M-magiingat k-ka, m-magpapahinga na si P-papa." mangiyak ngiyak na pagpapaalam ko.

Narinig ko rin ang iyak sa kabilang linya ni Cedric.

"P-papa!!!!!! B-bakit g-ganito??? P-papa h-huwag mo akong papabayaan. D-dito k-ka l-lang s-sa t-tabi k-ko! P-papa!!!!!Papa!!!!! Papa!!! " nakulungkot ako dahil sa naramdaman kong lungkot ng anak ko. Binaba ko na ang tawag dahil ayoko ng marinig ang paghihirap ng anak ko.

"Bos-" nagulat ako ng masaksihan ang karumaldumal na pagsaksak ng Mafia Boss sa kasamahan kong may alam sa hacker na hinahanap namin. Natuklasan ko kung paano siya nawalan ng buhay. Nakita ko ang dulo ng kaniyang buhay.

"Pasensya na Boss, alam kong araw ko na pero bakit niyo pa ako kailangang patayi-" hindi ko maisip na iyon na pala ang huling salita ko. Huling hininga ko sa mundo ng Mafia.

Lovely Mission Under Investigation...

Lovely Mission Under Investigation Where stories live. Discover now