twenty-ninth

338 16 4
                                    

THIRD PERSON

"Ayan, basta libre ang gagaling niyo" Nakangiwing sambit ni Claire pag labas niya ng apartment niya saka pinagka-kaltukan ang mga kaibigan niya.

"Aray naman, Claire! Ayaw kase akong payagan ni Mama. May family dinner kase kami mamaya. Sabi ko sandali lang ako" Sambit ni Kyline saka hinaplos ang ulo niya na kinaltukan ni Claire kanina.

"So sandali ka lang?" Tanong ni Claire. Kyline nodded her head.

"Okay fine. Baka magalit si Tita sakin pag di kita pinauwi eh haha" Sambit ni Claire saka tumawa

Nagsimula na silang mag-abang ng bus papunta ng Daejeon since dito nagtayo ng bagong cafe ang Mama ni Yeonjun. Hindi naman masyadong matagal ang byahe at hindi rin aabot ng isang oras.

Nang makarating sila sa Daejeon ay sumakay sila ng bus papunta sa mismong address ng cafe. 5 minutes siguro ang byahe at nakarating sila sa isang elegante pero simpleng cafe.

"Woah, iba talaga si Tita" Mangha na sambit ni Kyline complimenting Yeonjun's mother.

"True dzai. Tara na! Miss ko na si Yeonjun!" Nagkatinginan lamang si Kyline at Claire and shrugged their shoulders bago naglakad papasok ng cafe.

"Yeonjun!" Sigaw ni Shayna that made some costumers to look at them. Agad na napayuko si Shayna sa hiya kaya tinawanan siya agad ni Kyline, Claire, at pati na rin ng lalaking nasa harap niya lang na si Yeonjun.

"Ingay mo ah" Natatawang kantyaw ni Claire kay Shayna saka lumapit sa counter.

"Si Tita?" Tanong ni Kyline kay Yeonjun.

"Papunta pa lang dito actually. By the way, order na kayo ng gusto niyo, ako na bahalang magsabi kay Mama"

"Hindi na, ako na magbabayad. Nakakahiya kay Tita" Sabi ni Claire saka agad na nilabas ang wallet niya.

"Claire, I already told my mom about you guys visiting. It's on us. Don't worry" Nakangiting sambit ni Yeonjun saka inalalayan sila umupo sa isang malaking table. Hindi na sila nagtaka kung bakit siya pwinesto dito ni Yeonjun.

"So, anong gusto niyong kainin?" Tanong muli ni Yeonjun.

"Ikaw daw sabi ni Shayna" Pabirong sabi ni Kyline. Hinampas naman siya ni Shayna at sinamaan ito ng tingin.

"Mapagbiro ka Shayna ah hahaha" Natatawang sambit ni Yeonjun.

"Paepal ka Kyline. Suntukin kita eh" Banta ni Shayna sa kaibigan.

"Blueberry Cheesecake na lang sakin saka Cookies and Cream Frappe" Sambit ni Kyline. Agad na sinulat ni Yeonjun ito sa isang maliit na papel.

"Ikaw, Claire?"

"Caramel Frappe na lang saka Chocolate Cake lang" Nakangiting sambit niya kay Yeonjun.

"Shayna, ikaw?"

"Same na lang kami ni Kyline hehe"

"Okay, you orders will be here any minute. Chill lang muna kayo dyan" Sambit ni Yeonjun saka naglakad na papunta sa counter para ipasa ang order.

❛Come In With The Rain❜ ┇ ENHYPEN's Sunghoon✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon