Two: Am I the real Hacker?

1 0 0
                                    

Vivianne's POV

Narito ako sa Condo kung saan ay nagsama sama ang lahat ng hacker sa lugar namin. Nandito kami para mahack ang information na naroon sa PNP.

'Don't worry Ma! Mamamahinga ka na ng komportable, justice is justice!'

"Zaire, nalocate na namin ang desktop na gamit nila. " natuwa naman ako sa balita ni Ben. Siya nga lang talaga ang maaasahan ko saaming tatlo. Siya kasi ang pinakamagaling at gwapong hacker na nakasama ko. Madalas na rin kaming nagkakasama kapag naghahack kami ng info sa mga malls. Ang kinabibiliban ko talaga ay yung time na hinack namin ang banko ng quezon.

"Gawan mo na ng format yan Ben, ako ng bahala sa iba pang controls. " inayos ko na ang cords at kinonect ko sa pc ko.

Iginala ko ang paningin ko sa ginagawa niya, ngayon ay marami na ang naencode niyang codes doon at sa kabutihang palad ay lahat nag success roon.

"Zaire, Ito yung list ng mga babae sa kulungan nila. " pinakita saakin ni Ben ang listahan ng mga babaeng nakulong nung 2007. Marami ang hindi ko masyadong kilala roon, tutok lang ako sa paghahanap sa pangalan ng Mama ko.

"Wala naman dito si Mama, ben! " mangiyak ngiyak na sabi ko.

"Um, wait..Hahanapin ko..Sorry wala pala sa list na yan, sandali lang itatry kong mahanap. Huwag ka ng umiyak, hindi ko kaya na makita kang ganyan. " hindi mapakaling kilos ni Ben.

"Please, Ben. Tulungan mo ako, para kay Mama! " hinawakan ko na ang braso niya.

"Zaire, kami na ang bahala. Oo, tutulungan ka namin. Kakayanin natin to! " aniya ni Luke na kasama pa namin dito.

"Salamat! "

Tinuloy na uli ni Ben ang pagfoformat niya. Si Luke naman ang bahala sa Personal Informations ng mga Police na nagbantay noon kay Mama. Ako naman ang assistant ni Ben, kapag may hindi na siya kabisadong code ako ang nagpapatuloy sa pagencode nun.

Inabot na kami ng dalawang oras, pero hindi pa rin namin mahanap ang list ng mga taong namatay sa kulungan. Siguro ay naitago nila ito ng maayos dahil sa illegal ang ginagawa ng mga nasa loob.

"Ben, Zaire, impossibleng matagumpayan natin to! Secured na ang informations ng mga konektado sa Mama mo. Nasesecured lang yun kapag hindi ito ipinalalabas sa publiko. " nadismaya kami ng sabihin yun ni Luke na halatang pagod na at ngayon palang nakakuha ng ideya.

Siguro nga, hindi pa ito ang oras. Hindi pa ngayon, Ma!

Umiyak nalang ako ng umiyak. Inuubos ang luha sa mga mata ko.

Palagi naming nahahack ang lahat ng nahack namin noon. Tatlong beses na naming sinubukang ihack ang PNP pero palagi namang hindi nagtatagumpay.

"Zaire, sorry hindi ko nanaman nagawa yung task ko. Sorry, iiyak mo lang yan. Titiisin ko nalang kahit masakit tingnan. Nandito lang ako, iiyak mo lang. Kung gusto mo ay hampasin mo na rin ako, tarayan mo, at sipain mo. Titiisin ko basta mawala ang sakit sa loob mo! " hinaplos haplos ni Ben ang likod at braso ko. Agad niya akong hinarap sakaniya at hinayaan akong umiyak sa braso niya. Tulad ng sinabi niya ay hinampas ko siya hanggang sa mawala ang galit ko na imposible namang mawala. Kahit na gusto kong pasalamatan si Ben, mas nananatili pa rin ang galit ko dahil sa hindi niya ginawa ang best niya para kay Mama.

"Bukas aalis tayo, baka malocate tayo ng mga Police Officers. Kailangan nating bumyahe papuntang Batangas para hindi nila tayo mahanap. " nagulat kami ni Luke sa anunsyo ni Ben.

"Anlayo naman ng Batangas! Pwede rin namang sa Laguna nalang. " malayo rin ang Laguna, Luke.

"Okay na ako sa Batangas. Mas malayo mas mabuti." kapag naroon kami sa malayo imposibleng mahanap pa nila kami.

Lovely Mission Under Investigation Where stories live. Discover now