Chapter 16

1.3K 42 3
                                    

Margaux POV

"Anak, bilisan mo kumilos, nay bisita ka"

Sino naman yon? Wala naman akong natatandaan na may bibisita sa akin ahhh

Ang aga aga bista agad, nagmamadali pa naman ako kasi may klase pa ako at baka malate na naman ako

Minadali ko yung pagbibihis ko at saka kinuha ko yung gamit ko bago ako lumabas ng kwarto

Hindi pa ako nakakapanuklay ng lumabas ako para tingnan yung bisita ko pero gusto kong bumalik sa loob ng bahay namin ng makita ko si Dale na nakasandal sa kotse nya at nakangisi sa akin

"Anong ginagawa mo dito??" Nahihiyang tanong ko sa kanya

Mukha pa akong baliw kasi hindi pa ako nakakapanuklay, I wonder kung anong iniisip nya. Nakakahiya!

"Sinusundo ang girlfriend ko"

Tumakbo ako palapit sa kanya para takpan yung bibig nya at saka ako mahinang nagsalita "Wag kang maingay, baka marinig ka nila nanay. Hindi nila alam na substitute girlfriend mo ako"

Tinanggal nya yung kamay ko sa bibig nya "Hindi na kita substitute girlfriend, wala na kami no Jeah kaya hindi mo na sya pwedeng palitan"

Oo nga no! Masaya ko syang tiningnan at pakiramdam ko ay nakislap yung mata ko HAHAHA OA

"Edi hindi mo na ako kailangan. Ginagamit mo lang naman ako para maging substitute ni Jeah kasi ayaw ng magulang mo sa kanya at gusto nila na maghiwalay na kayo diba? Yes! Malaya--"

Tinakpan nya yung bibig ko at inilapit nya pa yung mukha nya sa akin

"Asa ka. Alam nila mom at dad na girlfriend kita kaya hundi tayo pwedeng basta basta tumigil"

Napasimangot na naman ako dahil sa sinabi nya "Edi magkunwari ka nalang na nagbreak na tayo. Magandang ideya yon para hindi na tayo nahihirapan parehas"

"Hindi maniniwala sina mom at dad. Kahapon lang ay ang sweet natin sa isa't--"

"Ikaw lang ang naarteng sweet"

"---isa kaya magdududa sila kung ngayon ay hiwalay na tayo"

"paano na yan edi substitute girlfriend mo parin ako hayyy"

Napabuntong hininga nalang ulit ako dahil sa kunsumisyon na binibigay nya sa akin

"Hindi na nga kita substitute girlfriend. Wala na nga si Jeah" pagpapaintindi nya pa sa akin

"Edi fake girlfriend nalang, magkaiba yon" hindi ko na hinintay na magsalita pa sya kasi pumasok na ako sa loob ng bahay namin para magayos na ng sarili

Nakakahiya! May mga nakatingin sa amin sa labas tapos sya naman ay hindi inaalis yung tingin sa akin eh mukha pa nga akong baliw

Nagsuklay agad ako at naglagay ng pulbos sa mukha ko saka lumapit kina nanay at tatay

"Mano po nay tay"

"Bakit nandito na naman yang lalaking yan? Sinabi ko na sayo na wag ka ng maglalapit sa mga kasama mo nung isang araw" patay! Nakalimutan ko yon

Kinakabahan akong tumingin ng diretsyo kay tatay at halos maiiwas ko ulit yung tingin ko sa kanya ng makita ko na nakakunot ang noo nya

"Ah kasi tay, m-may ka-kailangan kaming gawin sa school ngayong u-umaga kaya sinundo nya ako" sorry po nay, tay at lord

Hindi ko naman pwedeng sabihin na substitute girlfriend ako ni Dale, mapapagalitan kasi talaga nila ako at hindi sila papayag kaya wala akong choice

Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon