Chapter 348

363K 18.2K 26.1K
                                    

Mother

Jay-jay's POV

Pag-iisipan? Ulowl!

Sinong niloko? Sarili ko? Eh alam ko naman na mahal ko siya at gusto ko siyang makasama. May mga pangamba ako pero alam ko sa sarili ko na gusto ko din ng maayos na label para samin.

Sinong tatagal sa ganitong relasyon? Hindi nga relasyong matatawag tong ginagawa namin.

Kainis naman kasi.

Panay ang isip ko sa sinabi ko kay Keifer. Hindi ko tuloy ma-enjoy ang Sabado. Sa halip na magbulakbol eto ako at pagulong-gulong sa kama.

Sabagay, hindi din naman ako makakakilos ng maayos dahil sa tuhod ko. Parang mas lalo pang sumakit ang tuhod at siko ko. Mabigat din ang katawan ko na para akong lalagnatin.

Tinignan ko ang cellphone ko para basahin ang mga text. Hindi pa rin sumasagot sakin si Yuri. Gusto ko sanang updated ako sa ginagawa niya dahil baka maulit na naman ang nangyari nong isang gabi.

May ilang text galing kina Ci-N, Percy at GagongBaliw. Ayoko namang buksan ang messenger ko at baka maingay na naman ang mga Ulupong.

Napatingin ako sa pinto ng marinig ko ang pagkatok ng kung sino. Hindi nagtagal at bumukas yon. Bumungad ang muka ni Kuya Angelo.

Napabangon ako sa kama. "K-kuya."

"Nagkikita ba kayo ni Percy?" Tanong niya na pinagtaka ko.

"Hindi. Bakit?"

Nilahad niya ang kamay niya sa harap ko. "Your phone."

Sobrang takang-taka ako sa kinikilos niya. Ayoko man ibigay pero baka masigawan ako kaya inabot ko na. Nagulat ako ibulsa niya yon. Buong akala ko meron lang siyang titignan.

"No phone for now." sabi niya at akmang tatalikod pero hinawakan ko siya sa braso.

"T-teka lang. Anong meron sa cellphone ko at hindi ko pwedeng gamitin? Paano kung may magtext sakin ng mahalaga—?" Pangangatwiran ko pero mabilis niyang pinutol.

"If that's really important, pupuntahan ka nila dito." sabi niya at tumuloy na sa paglabas ng kwarto ko.

Mabilis ko siyang sinundan. Kahit iika-ika ako sa paglakad nagawa ko pa rin siyang sabayan.

"Sandali Kuya. Ano ba kasing nangyayari?"

Hindi niya ko pinansin at patuloy lang paglalakad. Para akong hindi nag-eexist sa hindi niya pagpansin sakin.

"Kuyaaa..."

Wala pa rin siyang kibo. Pagdating sa hagdan pababa napahinto ako. Hanggang dito nalang at hindi pa keri ng tuhod ko. Napa-upo nalang ako sa baitang habang pinagmamasdan siyang palayo.

"Kuuuyyyaaaaaa... Anong gagamitin ko? Wala na kong pang-games."

"Shut up!" Sigaw niya ng hindi ako nililingon.

"Kuuuuuuyyyyyyaaaaaaaaaa!" Sigaw ko din pero hindi na niya ko pinansin. "Cellphone ko Kuya!"

Hanggang sa nawala na siya sa paningin nasa baitang pa rin ako ng hagdan. Pinagmasdan ko ang baitang ng hagdan. Gusto ko sanang bumaba pero masakit sa pwet kung papadulas na naman ako.

Napatingin ako sa likod ko ng may maramdaman akong tao. Palapit ang kapalaran habang nagtetext. Mukang hindi niya ko napapansin.

Paglapit niya sa unang baitang niyakap ko ang binti niya. Nagulat siya at napasigaw.

Ang Mutya ng Section E (Part Three) The Final BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon