🍯13

82 4 0
                                    

"Annyeonghaseyo Noona. Tulungan na po kita." Aniya at umupo sa isa sa mga kama at may hawak na maletang maliit. Saan galing iyon?

"Thank you. Saan pala galing yung luggage mo? Wala kase akong nakita kanina." Tanong ko at nagpatuloy na ulit sa paglinis.

"Sa kabilang room na ginawa naming Dressing room at one big closet. Wala nang damit ito pero gamit ko lang ito hehe." Nakangiting sabi nito at binuksan ang maleta. Yung totoo, tutulungan ba talaga ako or magkakalat lang siya ng gamit niya? "Gusto mo po?"

"No thanks. Maliban na lang kung food yan Joke lang hehe." Pabiro ko pang sabi dito.

"Tingin ka pa rin po kahit walang food dito." Malamya naman akong hinatak nito papunta sa maleta niyang puro ng skin care products, make up, hygiene stuffs, mas maarte pa siya sa akin. Nagbebenta ba siya o bakla siya? "Pili ka po, ibibigay ko."

"Sorry wala akong alam sa mga ganyan eh. Okay lang." Hiya kong tugon.

"Ay ganon po ba? Sige try mo po muna ito saka ito. Promise maganda and mild lang po yan, try mo po." Binigyan niya ako ng facial wash at cream.

"Sige itatry ko, baka maging cute rin ako gaya mo hehe." Medyo nahihiya kong sabi dito. Ang bait eh.

"Mas gaganda ka pa noona for sure hehe. Ilang taon ka na po pala?" Tanong naman nito sa akin habang isa isa na niyang nilalabas ang laman ng maleta niya.

"18. Turning 19 this year. Ikaw?"

"Turning 18 na po sa June. Okay lang po ba kung hindi na kita i-po? Gusto po kitang maging close eh." Ramdam ko ang hiya nito ngunit mas nahihiya na ako ngayon napangiti na lang ako.

"No problem. Tara mag ayos na ulit tayo ng gamit." At nagpatuloy na kami sa pag aayos ng gamit habang patuloy pa kami sa pag uusap. "Sino pala yung magkakaroomate dito?"

"Heeseungie Hyung, Niki and Jungwonie and Me. Sa kabila room ay sina Jay Hyung, Jakeu Hyung and Sunghoon Hyung. Pero kagabi, nakitulog muna si Heeseung hyung kahapon sa kabila kase trip niya." Sagot naman nito sa tanong ko. Kaya pala nakita ko yung Ramen boy sa kabila kanina.

*knock knock*

May kumakatok na naman sa pintuan.

"Niki-ya, Waeyo?" Tanong ni Sunoo sa pumasok.

Wae/waeyo = Why

"Pinapatawag ka raw po ni Jay Hyung Noona."

Ano na naman gusto ng siraulong iyon?

= ♡ =

Annyeong! Hihi. Sorry medyo slow update. Try kong mag update ulit bukas pati sa makalawa para makabawi hihi. Sana nag enjoy kayo sa kakyutan ni Sunoo sa chapter na ito hihi. Enjoy Reading!!

J y n

Honey🍯 | Enhypen Jay FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon