Midnight Lover - 20

169K 2.1K 114
                                    

RAVEN

"Zeke, sino—" tumigil ako sa pagsasalita nang makita ko si Asher na nakatayo sa harap ng pinto ng apartment ko. Namumula ang mukha niya at halos magsalubong na ang mga kilay niya dahil sa sobrang pagkakakunot ng nuo niya.

Bago pa man ako makahuma at makapagsalita ulit ay tumalikod na siya at tahimik na naglakad palayo—bagsak ang mga balikat at bahagyang pa ekis-ekis ang paglalakad. Hindi ko na napigilang tumawa nang tuluyan nang pumasok sa apartment niya si Asher.

"What was that for?" nagtatakang tanong ni Zeke na ngayon ay nakaupo na sa sofa. Tinanggal na niya ang tulwayang nakatapi sa bewang niya pero may suot naman siyang boxer shorts.

Kung hindi lang ako faithful sa katawan at alindog ni Asher, mate-tempt siguro ako sa mga abs ni Zeke. This guy sitting on my sofa is one hot papa.

Dumating si Zeke siguro thirty minutes ago. Halos nauna nga lang siya ng ilang minute kay Ash. Hindi ko pa siya nai-interrogate kung ano ang rason niya at bigla na lang siyang napadpad sa apartment ko dito sa Javier dahil nang dumating siya kanina ay halos kakatapos ko lang maligo. Ilang minuto pa lang kaming nag-uusap nang marinig ko ang tunog ng pagbukas ng gate. At nang bahagya akong sumilip sa bintana ay agad na namataan ko si Asher na nakatingin sa direksiyon ng apartment ko.

At dahil nga sa sinabi kong busy ako at huwag muna siyang pupunta dito, nakita ko mula sa pagkakasilip ko sa bintana na tila bahagyang nagtalo ang isip niya kung tutuloy ba siya o hindi. Pero sa huli ay mas nanaig ang kagustuhan niyang makita ang ganda ko. Naks! Taas ng self-confidence mo teh!

Nang makita kong nagsisimula nang maglakad si Asher papunta sa apartment ko ay agad na hinila ko si Zeke papunta sa banyo na kanugnug lang ng kusina kung saan ako nanggaling kanina.

"Hubarin mo 'yang t-shirt pati pants mo, bilis!" nagmamadaling utos ko sa kanya habang ako naman ay kinukuha sa loob ng banyo ang towel na ginamit ko kanina.

Masunurin naman si Zeke at hinubad nga ang t-shirt at maong pants na suot niya. Hinagis ko sa likod ng divider ang mga damit niya at saka inabot sa kanya ang tuwalya. "Itapis mo muna 'yan," excited na sabi ko sa kanya habang hinihila siya papunta sa lababo.

Binuksan ko iyon at sumalok ng kaunting tubig at saka binasa nang bahagya at ginulo-gulo ang buhok ni Zeke. Pati noo at dibdib niya ay binasa ko rin para magkaroon ng effect na parang pinagpapawisan siya kahit hindi naman. Saktong napahiran ko na ng tubig pati abs ni Zeke nang marinig namin ang marahang katok sa pinto.

"Buksan mo at susunod rin ako," sabi ko sa kanya.

At dahil nga sa masunurin si Zeke, naglakad siya papunta sa pinto na nakatapis ng tuwalya at parang totoong kakagaling lang niya sa 'pagpapapawis.'

Pagbukas ni Zeke ng pinto ay wala akong narinig na boses mula sa labas. Pero mula sa kinatatayuan ko ay nakikita kong tila nakikipagsukatan ng tingin si Zeke kay Ash na alam kong siyang nasa labas ng pinto.

Huminga ako ng malalim at saka naglakad na rin papunta sa front door.

"Zeke, sino—" kunwari'y na-shock ako nang makita kong si Asher ang nakatayo sa harap ng apartment ko.

Ang hindi alam ni Asher, inatake lang ako ng kapilyahan ko kanina. Paminsan-minsan pwede namang man-trip, hindi ba?

"Uyy, ano'ng eksena mo kanina at bigla mo na lang akong pinaghubad tapos binasa-basa mo pa 'yong katawan ko? Pinagseselos mo 'yon, noh?" sunod-sunod na tanong ni Zeke sa 'kin.

Nakangiting humarap ako sa kanya at saka ngumisi. "Well, gusto ko lang naman makita ang magiging reaction niya kapag nakita niya akong may kasamang ibang lalake dito sa apartment ko tapos ganito pa ang mga suot natin."

Yes, that was just my reason. Gusto kong malaman kung magagalit, maiinis o magseselos ba si Asher kapag nakita niya akong may kasamang ibang lalake na nakatapi lang ng tuwalya. At mind you, hindi lang basta-bastang lalake ang kasama ko kundi isang napakagwapo at yummylicious na lalake—enough para makaramdam siya ng threat. Pero siyempre, all eyes ako kay Ash. Sabi ko nga, I just want to know his reaction.

And I know that he's pissed off: BIG TIME. Pero ang cute cute kaya. I really like guys na very transparent sa mga emotions nila kapag nagseselos sila.

"Medyo baliw ka rin, noh?" natatawang saad ni Zeke na binato ako ng throw pillow na agad ko naman nasalo.

Pinameywangan ko siya at saka tinaasan ng kilay. "Ang ganda ko namang baliw," naka-pout na sabi ko sa kanya.

"Baliw pa rin," tumatawa pa ring sagot ni Zeke.

"Ikaw ha, nandito ka sa apartment ko. Gusto mong mapalayas?" nakangising pagbabanta ko sa kanya.

Pero si loko, humiga lang sa sofa habang nakaunan ang ulo niya sa dalawa niyang kamay. Ang siste, kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang sexy kili-kili niya. "Puntahan mo na 'yon at baka kung ano-ano na naiisip no'n ngayon," sabi ni Zeke na ngayon ay nakapikit na.

Tumalikod na ako at yakap-yakap ang throw pillow ay umakyat na ko ng hagdan. "Hayaan mo siya. Ma-praning man lang siya kahit konti."

Pagdating ko sa kwarto ko ay agad na sumilip ako sa bintana. Nakabukas ang ilaw sa baba ng apartment ni Asher palatandaan na nandoon lang siya.

Nagpalit ako ng damit at nagpatuyo ng buhok gamit ang blower. Habang nagpapatuyo ako ng buhok, iniisip ko kung pupuntahan ko nab a siya agad-agad o mamaya na. Pero naisip ko kung mamaya pa, baka makatulog na siya lalo na at mukha pa namang lasing 'yon. At kapag nakatulog siya, hindi kami makakapag-usap.

Tinanggal ko na sasaksakan ang blower at saka hinanap sa drawer ang velvet box na bigay sa 'kin ni Asher noon. At nang makita ang hinahanap ay agad na kinuha ko mula sa box ang susing laman no'n.

Pagkababa ko sa sala ay nakita kong nakahiga pa rin si Zeke sa sofa pero dahil sa tangkad niya, nakalawit ang mga paa niya. Nilapitan ko si Zeke at tinapik sa pisngi.

"Uyyy, akyat ka na do'n sa kwarto ko at doon ka na matulog. Para kang higante na nakahiga dito sa sofa. Doon ako matutulog sa apartment ni Ash."

Ngumisi sa 'kin si Zeke na ngayon ay nakatayo na rin. "Gagapangin mo?"

Pabirong sinapak ko siya sa braso. "Baliw ka! Aamuhin ko lang."

"Aamuhin? Baka kung saan-saan mo naman himas-himasin, ha?"

Sabay na natawa kami dahil sa implikasyon ng sinabi niya. Marunong palang magbitaw ng green jokes si Zeke? Bakit sa pagkakatanda ko noong college kami ay hindi naman siya ganito? Well, nagbabago nga talaga ang tao.

Binilinan ko siyang isara ang pinto at kako ay siya na ang bahala sa sarili niya habang ako naman ay naglakad na papunta sa apartment ni Ash. Hindi na ako kumatok dahil may dala naman akong susi.


This story is now published under VRJ books for only 225 pesos. Available exclusively at National Book Store and Powerbooks. Please do grab a copy! :)


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon