🍯15🐝

83 8 1
                                    

Akala ko naman magwo-walk out ang siraulo. Kinuha lang pala yung tissue.

Since I'm here, ako na rin ang naging tagaluto ng samgyupsal nila. Pati rin si Jay nakikiluto. Akala ko puro utos ka lang eh.

Matapos kaming kumain, ako lang yung tahimik. Wala akong naintindihan sa sinasabi nila dahil puro Korean sila mag usap at hindi ako makarelate. Simple words lang ang alam ko eh. Kaya eto ako, mag-isang naiwan kasama ang asungot na kasalukuyang nag aayos ng pinagkainan. Ang arte naman nito, naka airpods pa ang hayop tss.

Ako namang siraulo ay susubukan ko sanang kutusan ito habang nakatalikod kaso biglang humarap sa akin. Itatry ko lang naman.

"Anong ginagawa mo?" Tinanggal nito ang isang airpod sa ear niya.

"Wala! Nagpapractice ako ng sayaw. Mag-o-audition kase ako eh. What do you think? Maganda ba?" Bigla ko naman siyang pinakitaan ng kung anong nakakatawag steps na maisip ko.

"Mukha kang Tanga!" Sinuot niya muli ang ang airpod niya at nagpatuloy sa ginagawa niya habang nakangisi. Nang aasar talaga leche!

Hanggang sa makaalis kami ng rooftop, kami pa rin ang magkasama sa pag huhugas ng pinagkainan. Oo tinulungan pa ako ng siraulo. Good mood siguro ito kapag nakakakain. Hanggang sa matapos kami mag hugas ay naka airpods pa rin ito. Tinanggal niya lang iyon nang pumwesto ito sa living room para maglaro ng videogame sa TV.

"Maglilinis lang ako ng kwarto niyo." Sinadya kong iparinig ito kay Jay ngunit wala itong imik.

Kumatok naman ako sa room nila at nadatnan ko namang nakahiga si Jake na parang bagong gising lang.

"Did I wake you up?" Tanong ko rito.

"No no. Uhm what are you doing here?" Sagot nito. Sa tono ng pananalita niya ay halata ngang nagising ko siya.

"I was about to clean your room kaya kumatok ako kaso nagising pala kita. Mamaya na lang siguro."

"Hey no no. Just go. I'll go outside first. May kukunin lang ako." At tumayo ito saka lumabas ng kwarto. Habang ako naman ay mabilisang nilinis na yung kwarto nila. Mas maayos na ito kaysa kanina. Kaya naman mas mabilis ko itong nalinis.

"Hey honey," tumingin naman ako kay Jake na may dalang libro. "Are you still busy after this?" He asked.

"I don't know. Baka may ipautos pa kase sa akin eh. Bakit?"

"Can you please stay here?" I just smiled. Hinila niya yung ilalim ng bunk bed niya. Akala ko cabinet, pull out bed pala iyon. "Stay here. I don't wanna be alone. Let's rest here together."

Umupo naman ako doon at sumandal sa bunk bed niya. Yung unan niya naman ay binigay niya rin sa akin.

"Wala kang unan, kunin mo na yung isa." Tanong ko rito pagkabigay niya ng lahat ng mga pillows niya.

"I'm fine. Just take a rest." Pagkasabi niya nun ay nagpatugtog siya ng instrumental music na piano, bagay na gusto kong pakinggan kahit mas gusto ko ang instrumental ng violin.

"Sino palang ka-roomate mo here?" Panimula ko ng convo. Ang awkward naman kasi kung kami lang dalawa dito tapos tahimik pa kami pareho.

"02s liners but last night, Heeseung Hyung slept here. Sa taas ng bunk bed ni Jay. Then si Sunghoon naman sa itaas ng bunk bed ko." Sagot pa nito saka pinatay ang ilaw. Nagsisilbing liwanag na lang ng silid ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana. May araw pa rin kahit hapon na.

"Ang cute naman. May unit name kayong tatlo. Pwede bang sumali?... HAHAHA Just Kidding!" Nagfake laugh na lang ako dahil hindi ko alam yung sasabihin. Mema lang.

Dahil tahimik na ulit kami ay tumingin muna ako saglit sa phone ko hanggang sa nakatulog na pala ako.

🐝

Nagising ako dahil sa ingay ng phone ko. Nag aalarm. Pinatay ko ito at saka tumayo at medyo pikit pa ang mata.

"Aray ko!" Naumpog pala ako sa bunk bed. Hindi naman ako natulog dito ah?

Tinignan ko ang katapat ko at iyon ang kama ni Jake. Nandoon na rin ang mga unan niya at nakatago na ang pull out bed. Napatingin naman ako sa hinigaan ko.

May kumot ito ni V ng BTS at may pirma pa. Nakakapagtakang nandito ako natulog at nakakumot rin. Paano nangyari iyon? Kanino nga bang kama ulit ito?

Tumayo ako at inayos ko ang hinigaan ko. Nakakahiya naman sa taong may ari nito at natulog ako dito.

"Buhay ka na pala!"

"Mama!" Napatalon naman ako sa gulat nang may narinig akong magsalita at napatingin ako dito. Ang amo kong walang ginawa kundi mang utos na nakasalamin pa. Nay dala itong mangkok ng pagkain. "Ginulat mo naman ako! Teka kanino palang kama ito?" Turo ko doon sa hinigaan ko.

"That's Mine. Bakit, may problema ka?"

Joke ba iyan oh namimilosopo ka?

= 💚 =

Happy Birthday sa poging bida nito, Ang Maknae kuno ng 02z and Enhypen's Angry Bird, Jay!

Happy Birthday sa poging bida nito, Ang Maknae kuno ng 02z and Enhypen's Angry Bird, Jay!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#HappyJayDay!

Feel ko ang tanda ko na rin haha. Akala mo ako yung may birthday eh feelingera hahaha dejk. Lab ka naming mga Engenes Jay ayiiieut!


Stay Happy and Safe to all of us!
Salamat sa nagtitiis ng Jay FF ko. May kasamang Anger, Resentment and Shame itong istorya ko charot lang HAHAHA.
Happy Reading Gaiis!

J y n 🍯

Honey🍯 | Enhypen Jay FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon