Chapter 12

2.4K 44 3
                                    

Hindi niya alam kung ilang minuto o oras na ang nakalilipas bago matapos ang asawa nito sa pambababoy sa kanya. Patuloy lang ito sa pagpapakasarap habang siya ay patuloy din sa pag iyak. Napatingin siya sa kanyang kamay na nakatali at halos mamula na ito dahil sa sobrang higpit ng pagkakatali ni Thunder, sinigurado nito na hindi talaga siya makakatakas.

Nararamdaman niya rin ang hapdi sa kanyang pisngi dahil sa ilang beses na pagsampal nito sa kanya ng malakas, pati ang kanyang panga ay nananakit at isama mo pa ang kanyang tiyan na sinuntok nito.

Galit ang namumuo sa puso ni Jewel habang nakatingin sa asawa. Para sa kanya hindi ito ang Thunder na kilala niya, sa halos isang taon ng magkasama sila bilang mag asawa ni minsan ay hindi nagawa nito sa kanya ang ganitong bagay ngayon lang talaga.

She felt hatred towards her husband now! She loathe him! She regret marrying a rapist!

"Ohhh, fuck fuck. Ahh Ahh." malakas na ungol ng asawa

Maya maya ay tumigil na din ito sa ginagawa sa kanya at mabilis na umalis sa ibabaw niya at nahiga sa kama. Halos naghahabol hininga si Thunder habang nakapikit ng mapatingin siya rito.

Saktong lumuwag ang tali sa kanyang kamay dahilan para mahila niya ito at matanggal. Niyakap niya ang kanyang sarili habang umiiyak, hindi siya makapaniwala na magagawa ito sa kanya ni Thunder.

Nanatili pa siya roon ng ilang minuto dahil hindi niya pa kayang tumayo, ramdam na ramdam niya ang panghihina ng buong katawan niya habang ang kanyang asawa ay nakatulog na matapos ng ginawa sa kanya. Kahit na masakit ang gitnang bahagi ng kanyang hita niya ay pinilit niya pa ring tumayo habang paika ikang lumabas sa kwarto ng asawa at pumunta sa kanyang silid.

Nang makarating siya sa kanyang sariling kwarto ay agad siyang dumiretso sa kanyang closet ang kinuha ang kanyang ibang damit at mga importanteng dokumento niya. Kumuha din siya ng maleta para ipasok dito lahat, habang nilalagay niya ang kanyang mga gamit ay patuloy pa rin sa paglandas ng mga luha sa kanyang mga mata. Ngayong gabi na ito ay handa na siyang iwan ang lalaking kanyang minahal, kahit mahirap at masakit ay gagawin niya, dahil pakiramdam niya ngayon ay ubos na ubos na siya pati kanyang pagkatao at dignidad ay nawala na.

Ang pagmamahal niya sa kanyang asawa na akala niya ay hindi mawawala pero sa isang iglap lang ay napalitan ito ng galit, hinanakit at puot. Hindi niya na kayang manatali at makasama ang taong dahilan kung bakit siya nagdurusa ngayon at nandidiri sa kanyang sarili, hindi niya kayang makita ang mukha ng taong gumahasa sa kanya.

Mabilis siyang natapos sa pag aayos dahil ayaw niyang magpaabot pa ng umaga, gusto niyang umalis ngayon sa impyernong lugar na ito, bago niya tuluyang lisanin ang kanyang silid ay inilibot niya ang kanyang tingin sa loob sa huling pagkakataon. Sinigurado niyang walang siyang maiiwan na importanteng bagay sa kanya, pinasadahan niya din ng tingin ang litrato nilang mag asawa na nakadikit sa dingding.

At ng makasiguro niyang wala na siyang naiwan pa ay mabilis siyang lumabas sa kanyang kwarto dala dala ang kanyang maleta at bag, pero bago siya bumaba ng hagdan ay pumasok muna siya sa kwarto ng kanyang asawa na himbing na himbing pa rin sa pagtulog.

Ngayong gabi ay ibabasura niya na lahat ng nangyari noong nakilala niya si Thunder hanggang sa pinakasalan niya ito.

Tiningnan niya ang kabuuan ng lalaki habang patuloy pa rin naglalabasan ang kanyang mga luha. She love Thunder very much, pero dahil sa ginawa nito sa kanya hindi niya alam kung makakaya niya pang mahalin ito.

'Pagsisihan mo lahat ng ginawa mo sa akin, pagbalik ko ipaparamdam ko sayo ng doble ang sakit na pinaranas mo sa akin. Simula ngayong araw na ito kakalimutan kung may kilala akong Thunder.' - puno ng hinanakit na turan niya sa sarili

Mabilis siyang bumaba at umalis sa kanilang bahay ng hindi man lang lumilingon.

Habang sakay siya ng isang taxi ay hindi niya maiwasan alalahanin ang lahat ng nangyari sa kanila simula ng magsama sila ni Thunder hanggang sa nangyari ngayon, hindi niya mapigilan ang hindi maiyak dahil dito. Nagcheck in siya sa isang hotel para doon magpalipas ng gabi, gusto niyang matulog, gusto niyang ipahinga ang katawan at isip niya.

Kinaumagahan ay maaga siyang nagising dahil may pupuntahan siya at gustong bisitahin na isa sa pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay.

Nagpadeliver lang siya ng pagkain pagkatapos ay mabilis siyang naligo at nagbihis.

Isang oras ang inabot ng kanyang byahe bago siya makarating ng sementeryo. Nandito siya ngayon nakaupo sa harap ng isang lapida, dinalhan niya din ito ng rosas na kulay puti.

Daven Villafuerte
Born : August 23, 1996
Died : November 8, ****

'Hi Dave, sorry kung ngayon lang ako nakadalaw. Nahihiya pa rin kasi ako dahil sa nangyari at hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko dahil sa nangyari sayo.' panimula niya

"Ang dami kung gustong sabihin at ikwento sayo lahat ng sakit, galit at hinanakit ko, pero alam kung hindi na mangyayari iyon dahil wala kana dito sa tabi ko. Hayaan mong dito ko na lang sabihin lahat, alam kung naririnig mo ako." patuloy niya habang hinihimas himas ang pangalan nito sa lapida

Nagsimula siyang sabihin dito ang lahat lahat simula ng makasal siya hanggang sa dinanas niya kagabi. Masakit na masakit para sa kanya dahil ang akala niyang hindi niya kailan man mararanasan ay dinanas niya sa kamay pa mismo ng sariling asawa.

Pero pinapangako niya sa kanyang sarili na hindi dito mag tatapos ang buhay niya, aayusin niya ang sarili niya at babangon muli. Ibabalik niya ang dating siya na nawala simula noong minahal niya si Thunder. Sisiguraduhin niya na pagbalik niya ay ibang Jewel na ang makikita nila, magiging malakas at matapang siya at mas lalong hindi niya na hahayaan ang sarili niyang masaktan ka muli.

Hindi niya maalis sa isip niya ang katotohanang may nangyari na sa kanila ng kanyang asawa ngunit sa maling paraan lamang.

Nanatili pa siya roon ng ilang oras bago tuluyang umalis at bumalik sa hotel. Nakapagpasya na siya, aalis siya at pupunta ng Canada doon niya sisimulang buuin muli ang kanyang sarili.

Kinuha niya ang kanyang telepono sa kanyang bag habang sakay siya ng isang taxi pabalik ng hotel, tinawagan niya ang kanyang kaibigan na si Cain dahil hindi niya matawagan si Calliyah dahil wala ito at nasa bakasyon kasama si Dark.

Cain Calling...

"Hello Jewel?" patanong na sagot ng binata

"C-cain? Can you come here now? I need you and your help, please." naiiyak na wika nito

Agad namang naalarma ang binata ng marinig ang basag na boses ng kaibigan.

"Are you crying? What happen? Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita." bakas dito ang pag aalala

"Pagdating mo dito sasabihin ko lahat, I'm here at the hotel I'll send you the address." anas nito sabay baba ng kanyang telepono

Mabilis naman siyang nakarating sa hotel kung siya tumutuloy ngayon. Dumiretso muna siya sa isang restaurant na andoon at umorder ng kanyang makakain.

Pagkatapos niyang kumain ay agad siyang umakyat sa kanyang unit at naupo sa sofa, nakaramdam siya ng pagkamiss sa kaibigang si Daven kung buhay pa sana ito siguradong kasama niya ito.

Biglang nag flash back lahat ng mga alaala na meron silang magkaibigan at higit sa lahat ang alaalang binaon niya na sa limot.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon