Chapter 13

2.3K 43 19
                                    

3 years ago....

Friday Night

Kaaalis lang niya sa bahay ng kanyang kaibigan na si Daven. Tatlo silang magkakaibigan ni Calliyah simula no'ng high school hanggang sa mag kolehiyo sila. At dahil nagkaroon sila ng proyekto ng araw na 'yon kung saan ay silang dalawa ang magkapareha napagpasyahan ni Jewel na sa bahay nila Daven ito gawin. Ihahatid pa sana siya ng binata ngunit tumanggi ito dahil hindi pa naman masyadong gabi at ayaw niyang makaistorbo pa sa kaibigan, isa pa ay nagpasundo din ito sa kanilang driver sa labasan.

Habang tinatahak niya ang daan palabas ng subdivision kung sana nakatira ang kaibigan para doon maghintay ng kanyang sundo ng araw na iyon, habang naglalakad siya ay napansin niya na parang may nakasunod sa kanya kaya mas binilisan pa niya ang kanyang lakad ngunit hindi pa rin nawawala ang mga lalaking nakasunod.

Tatakbo na sana siya at sisigaw ng bigla siyang hablutin ng lalaki at ang isa naman ay biglang may pinaamoy sa kanyang ilong dahilan para mawalan siya ng malay.

Nagising na lamang siya na nasa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya. At doon niya napagtanto na nakidnap siya, sigaw ng sigaw lang ang kanyang ginawa para humingi ng tulong pero mukhang malayo ito sa kabahayan at walang nakakarinig sa kanya.

Makalipas ang ilang minuto ay biglang nagbukas ang pinto at iniluwa nito ang dalawang lalaki, ang isa ay may dala dalang pagkain.

"Kumain kana, para may lakas ka mamaya pagdating ni Boss." wika nito sabay abot sa kanya ng pagkain

"Pare tiba tiba dito si boss! Maganda, sexy, makinis at halatang sariwa pa ito."

Hindi niya man masyadong naiintindihan ang pinag uusapan ng dalawa pero alam niyang hindi ito maganda.

"P-parang awa niyo na, p-pakawalan niyo ako rito." pakikiusap niya

Ngunit hindi man lang siya pinakinggan bagkus ay umalis ang mga ito. Patuloy siya sa pagkalampag ng pinto hanggang sa makaramdam siya ng pananakit ng kamay pero wala pa ring nagbubukas dito. Lumipas ang isang oras ay muling nagbukas ang pinto ay may isang lalaki na pumasok natatandaan niya ito, isa ito sa kasama ng lalaking naghatid ng pagkain sa kanya kanina.

Mabilis siya nitong hinatak at dinala palabas. Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin, nakita niyang paakyat sila sa taas hanggang sa makarating sila sa isang pinto na nakasara. Hindi alam ni Jewel kung bakit nakakaramdam siya ng takot. Pilit niyang tinatanggal ang kamay ng lalaking nahawak sa kanya ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya kaya hindi siya makaalis.

"Kung ako sayo huwag mo ng nanaisin na tumakas dahil hindi mo rin magagawa." biglang saad ng lalaki

"P-pakiusap hayaan mo na akong umalis, parang awa mo na, pakawalan mo ako." pagmamamakaawa niya

Ngunit umiling lamang ang lalaki. Ang mabilis na kumatok sa nakasarang pinto at ng magbukas ito ay tumambad sa kanya ang isang lalaking walang saplot ang pang itaas nito. Inaamin ng dalaga na gwapo at maganda ang pangangatawan nito pero halata mong bad boy ito.

Mabilis siyang ipinasok ng lalaki sa kwarto "Boss ito na ang nakuha namin ngayong gabi."

Ngumiti naman ang lalaking kausap nito at pinasadan siya ng tingin. "Mabuti naman at maganda ang nakuha niyo ngayon. Sige na makakaalis kana."

Walang pag alinlangan naman siya iniwan nito kasama ang lalaking ngayon niya lang nakita. Kanina niya pa napapansin na tatlong tao lang ang nandito sa lugar na ito, yung kaninang dalawa at itong lalaking tinatawag nilang boss. Pero alam niyang marami pa itong tauhan na nasa paligid lang.

"Ikaw pala ang makakasama ko ngayong gabi. Mukhang sinwerte ang ibang tauhan ko." anito habang nakapaskil ang ngisi nito sa kanyang labi.

Halo-halo ang nararamdaman ngayon ng dalaga, pero mas nananalaytay ngayong ang kaba at takot sa kanya.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon