Prologue

549K 13.2K 19.6K
                                    

#SB2

This is a work of fiction

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, some places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Start date: May 18, 2021

End date: March 7, 2022

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


"ARCHITECT JORDAN MOISES HERRERA."


Muntik akong matalisod sa pagpasok sa pinto ng bahay namin dahil sa sinabi ni Mommy. Galing ako sa airport at kababalik lang ng Pilipinas matapos ang ilang taon. 


"Sino nga ulit ang architect na kinuha mo to help with our house renovation, Mommy?"tanong ko ulit kay Mommy. Baka kasi nabingi lang ako nang una. 


Because there was no way it was him. It was impossible.


Natawa si Mommy sa reaction ko. "What? Did you forget that pretty boy already? I thought he was your first love?"


Napatanga ako. So it was really Jordan Moises Herrera?!


"Oh, hindi ba? Iniyakan mo pa nga iyon noong nagbreak kayo. Gusto mo pa ngang ipakulam."


Magra-rant sana ako nang biglang bumukas ulit ang main door. Pakiramdam ko ay naubos ang oxygen sa paligid ng ilang minuto.


Mula sa pinto ay pumasok ang isang matangkad na lalaki. Nakasuot siya ng plain black v-neck shirt and a pair of dark baston jeans. Hindi formal subalit kagalang-galang dahil nadala sa suot na black rimmed specs.


Kahit ilang taon na ang nagdaan, hindi pwede na hindi ko siya makilala. He was the humorless and intimidating Jordan Moises Herrera, my ex-boyfriend from senior high school.


And just like before, being serious was his normal reaction.


Ni hindi man lang na-shock na bumalik na ako sa Pilipinas. Wala rin siyang violent reaction sa suot kong tube blouse kung saan labas ang aking cleavage. Parang dati lang ay gusto niya akong isako kapag ganto karevealing ang suot ko.


Agad na lumapit si Mommy at nakangiting lumingon sa akin. "Ipapakuha ko muna sa sasakyan ang mga maleta mo, Carlyn."


Nilingon niya naman si Jordan na sa akin nakatingin ang walang emosyong mga mata. Kung makatingin ay akala mo hindi nabaliw noon sa akin.


Lumabas na si Mommy ng pinto at iniwan ako na kasama si Jordan sa sala. 


Nang kami na lang ni jordan ay para akong natatanga na hindi malaman kung saan babaling ng tingin. Sa huli, no choice ako kung hindi ang salubungin ang magandang uri ng kulay tanso niyang mga mata. 


Napalunok ako. Lalo siyang gumuwapo at tumangkad kaysa nang huli ko siyang makita. At ang bango niya. Gayunpaman ay wala akong pakialam. Hindi ko pinangarap na makita pa ulit siya o makaharap man lang.


"Don't think of anything funny. I just accepted the job because of your mom," he said with a stern face.


What the hell?


Biglang nag-ring ang phone niya.


"Excuse me."


He answered his phone. Nakinig lang siya sa sinasabi ng kausap at tipid na "OK" lang ang pinakawalan pagkatapos.


"I have to go," he said to me after he hung up the call.


Tumaas ang kilay ko. "Who called you?"


It took Jordan a while before he could answer my simple question. But when he answered it, I was stunned.


"It's my girlfriend and she's waiting for me."


"Y-you have a girlfriend?"


"Yeah, I have a girlfriend."


Natulala ako. 


"What do you expect? Na hindi ako makakamove on sa 'yo?" he said coldly.


And then, he dismissed me.


Just like what he did to me in the past, basta niya na lang akong tinalikuran. 


Pero bago siya lumabas ng pinto ay nahuli ko ang paguhit ng kakaibang ngiti sa mapula niyang mga labi.


JF

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon