CHAPTER 56

2.1K 109 10
                                    

COLEEN'S POV

(After a week)

"Bye bye! See you later!" Sigaw ko kay Frances nang maibaba na namin siya dito sa harapan ng hospital.

Ngumiti naman ito atsaka kumaway bago naglakad papasok.

Inihahatid muna namin kasi siya dito bago kami pumasok sa school, siya na kasi ang laging nagbabantay kay Jaydee. Parang assistant lang kami, ganorn.

"Didiretso ka ng gym?" I asked Gabb while she's driving.

"Yes, how about you? May klase ka ba?"

"Wala, pero may group activity kami. Tutulong muna ako, wala pa rin naman sina Ate Sela" sagot ko

"Okay, i'll wait for you nalang para sabay na tayo pumuntang Gym" she said kaya

"Hmm, isang oras 'yun"

"It's okay, i can wait. I'll stay in your classroom." Sambit nito kaya bigla akong napatingin sa kan'ya

"Sa Room? As in sa loob?"

"Yep" sagot nito habang nakatuon pa rin ang pansin sa kan'yang minamaneho

"Teka nga, 'di ba may training kayo? Hindi ka ba mapapagalitan?"

"Ako ng bahala do'n, basta hihintayin kita" sagot nito kaya napasinghal ako

"Okay, if you insist"

"Arghh" reklamo ko dahil hindi ako makapag-focus.

E kasi pa'no ba naman, nasa likuran si Gabb habang nakaupo at naka-dekwatrong nakatingin sa mga pinaggagawa namin.

Pati na ang mga kaklase ko hindi na rin mapakali dahil nasa room namin ang nag-iisang Gabrielle.

Si Ms. Faith kasi ang teacher namin kaya pinayagan siyang magstay muna dito sa room. Haist, kapag si Mr. Panot nasigawan na 'to.

"Oh bakit gan'yan ang mukha mo Ms. Trinidad?" wika ni Ms. Faith kaya napatingin naman sa'kin si Gabb.

"Wala po, naguguluhan lang hehe"

"Ha? Dapat 'di ka na naguguluhan, nandito na nga inispirasyon mo eh" wika naman ni Ms. Faith kaya nagsimula nang mang-asar ang mga kaklase ko

"Sana all may jowa!"
"Sussss!"
"Pinatitibok mo ng kay bilis ang puso q!"
"Sana all inspirasyon!"

Mga hindot, sarap niyong paghahampasin ng cartolina.

"Uy Gabb" Tawag ni Ms. Faith sakan'ya "Kumusta naman ang maging one and only ni Coleen?" Tanong nito kaya napakamot nalang ako ng ulo

Iba rin trip ngayon ni Ms. Faith, nanggigigil na ako. Nginitian lang 'to ni Gabb at halatang nahihiya na.

Bat pa kasi pupunta-punta pa dito. T^T

"Gabb! Anong masasabi mo sa mga nagkakagusto kay Coleen?" Sigaw ng katabi ko

"I can't stop them from liking Coleen, libre naman mangarap" sagot ni Gabb kaya nagsimulang mag-ingay ang mga nandito

"OWWWWW!!! PANISS!"

"Baka Gabb 'yan!" Sigaw ni Ate Brei mula sa kabilang group

Haist, they're putting so much attention to Gabb.



"Nice moves!" Sigaw ni Ate Sela habang pumapalakpak

Hindi ko maiwasang panoorin si Gabb habang naglalaro sila. Ang lakas ng dating niya ghorl! Lalo kapag pawisan >_<

LOVE WARNING // (UniCoco Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon