Chapter Eighteen: Training

4.3K 359 103
                                    

-chapter eighteen-

THIRD PERSON

A sharp and wooden chakram cut throught the field, slicing the calm winds and destructing the calmness. It landed on Sapphire's hand, the girl giving out a grin.

Sa tabi niya ay ngumiwi si Oliver. Pinanood niya ang dalaga na sumayaw-sayaw sa buong field habang pinapalipad ang chakram. He rolled his eyes and continued on meditating to charge his energy. Buti na lang nakita niya si Caspian kanina at nakakuha siya ng tips mula sa pinsan.

It's recommended that they practice on their energy first. Dapat maging malakas ito para ma-endure nila ang paggamit ng magic sa mahabang panahon. Kaya naman, contrary to popular belief where Oli should be firing bullets like crazy, nakaupo siya sa damo at limang puting bilog ang pumapalibot sa kaniya. The aura from each circles stretched to each other, enveloping him in a magic field.

Ilang segundo lang nangyari iyon dahil nawala ulit ang concentration niya. Oliver sighed, irritated. Napakahirap talagang pataasin ang energy lalo na't ang bilis niyang madistract.

Sapphire crossed her arms, staring at the other. Lumapit siya sa katabi at bumulong, "Ihagis ko kaya sa kaniya ang chakram."

Dierran, Wes' friend, laughed. "Baka patayin ka niya."

"Saan naman? Sa pagmamahal?" inikot niya ang mata. "Huwag na lang."

"No. I meant, he might really use his gun on you this time. Oli has a short temper despite his pleasant personality." Dierran chuckled.

Sapphire only hummed. Kita naman. Akala niya nga noon si Kairo ang mabilis magalit, pero puno lang pala ang isa ng kalokohan. Itong si Oliver kasi parang gusto laging makipag-away, lalo na 'pag nakikita si Marcella.

Sinulyapan ni Sapphire ang katabi na nakangiti habang pinapalit-palit ang nagagawang hangin sa kamay. Isa pa 'to, ang weird din. Sobrang masiyahin at 'di nawawalan ng ngiti sa labi. Minsan gusto niya na lang tanungin 'to ng harap-harapan kung nag-Jollibee at ubod ng saya.

Sapphire sighed and let her chakram fly again. She picked Wind as her mastery force. Tinutulungan nito ang paglipad at direksiyon na pupuntahan ng chakram. Being able to control wind means she can make the chakram fly anywhere she wants.

Hindi niya alam na naihagis niya pala ang chakram sa banda ng babae na nagt-train din. Nagulat ito't medyo nawalan ng balanse. With wide eyes, the girl turned around to look at them.

Medyo natulala pa si Sapphire nang magtama ang mata nila. Her blonde hair looked a little curly. She had an air of a rich girl around her. Napangiwi agad si Sapphire doon. The girl seemed like one of those popular girls in school who have mean personalities.

Dahil nga bigger person siya, yumuko si Sapphire at humingi ng tawad. Kahit ayaw niyang aminin, medyo may kasalanan naman talaga siya dahil ginulo niya ang pag-practice ng isa. Pero, siyempre, 'di niya na 'yon sasabihin kasi may matinding galit siya sa mga popular girls..

So it was such a surprise when the girl sweetly smiled at her and waved her hand dismissively. Tumayo ito't naglakad palayo habang sinisimulang i-braid ang buhok. Sapphire stared at the girl, both surprised and with a strange feeling.

The chakram felt cold in her hand.

The water in his hand was cold.

Rogue Wars OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon