🍯18

64 7 1
                                    

"Yah! Why are you staring at me?" He asked me. Tulala pala akong pinagmamasdan siya? Hindi naman siya galit pero para akong natakot sa gulat.

"Ha? Ako nakatingin sa iyo? Ang kapal mo ha! May inaalala kase akong gagawin ko kaso nakalimutan ko." Kunwari pang pumipitik pitik akong nag iisip.

"Ang dami mong sinabi. Pakigising na lang sina Niki at Heeseung Hyung at sabihan na rin yung iba na kakain na." Pagkasabi niya nun ay iniwan ko na siya agad.

Bakit ba ako nagiging lutang doon? Tss. Bukod kay Sunoo, Mas cute pa sa kanya si ano eh hehe.

Tinawag ko na rin ang anim pang mga miyembro na halos walang ginawa kundi nakarelax lang buong araw. Sana all.

"Guys uuwi muna ako. I'll be back after 30 minutes." Pagpapaalam ko sa kanila nang buo na sila sa harap ng lamesa.

"Bakit Noona? Saan ka po pupunta?" Tanong ni Jungwon na mukhang inosente ang mukha.

"Kakain lang ako sa bahay..?" Parang patanong kong tono tapos pilit akong ngumiti.

"Huwag na Honey." Pagpigil ni Heeseung Oppa.

"Hey, Heeseung Hyung's Right. Don't Leave." Pagsang ayon naman ni Niki.

"Here come inside the Castle, Take Everything." Kumunot naman yung noo ko sa sinabi ni Jake. Anong ibig sabihin nun?

Nakita ko namang parang tinamaan ang paa nito sa paa na hindi ko alam kung sino. Si Sunoo naman ay naka muted Laugh. Gusto kong ngumiti dahil nakakahawa yung tawa't ngiti niya kaso baka magmukha akong baliw na confused tss.

"I mean Come join us in the table, eat everything!" Mas naliwanagan ako sa sinabi ni Jake doon. May castle pang nalalaman. This house isn't a castle but this place is full of Princes.

"Hay nako Noona, Hayaan mo na si Jake hyung, kung ano anong pinapanood kaya sinasabi. Hyung baka gutom lang rin yan, kumain ka na. Noona, Umupo ka na lang sa katabi ko." Sabi naman ni Sunoo at sabay turo sa bakanteng pwesto sa kanan niya.

Mula sa kaliwa hanggang kanan, ang pwesto namin ay si Heeseung, Niki, Sunoo at ako. Sa tapat namin ay sina Sunghoon, Jungwon, Jake at ang katapat kong si Jay. Gandang view ng nasa harap ko ah. Leche.

"Yah!"

"Aray ko naman!" Pagrereklamo ko. Paano ba naman itong katapat ko. Tatawagin na nga lang ako, sisipain pa ako.

"Kumain ka ng marami. Ayoko nang puputla putla at lalamya lamya ka!" Sabi naman nito at inilapit ang mga pagkain sa harap ko.

"Hyung concerned ka ba kay Noona?" Tanong ni Jungwon.

"Ayieee!" Sunod na nakangiting pangasar ng lahat maliban sa aming dalawang naka poker face.

"Mga malisyoso kayo. Ayoko lang na hindi maayos ang trabaho niya dito. Sayang pagpapasweldo dito eh. Kaya ikaw.." turo naman nito sa akin. "I want you to eat your every meal here. Para hindi ka na rin nahihiya sa amin at uuwi para sa inyo ka kumain." Pabulong mang saad nito ang kanyang huling linya ay narinig ko pa rin ito. Mukhang tinopak ng kabutihan.

"Ang sabihin mo hyung, gusto mong matikman niya rin lahat ng niluluto mong pagkain. Ayaw mo pang umamin haha!" Sabi naman ni Niki na nakipag apiran pa kay Jungwon.

"Yah Niki-ya! Kumain ka para lumaki ka, huwag puro daldal."

"Jay Hyung, Mas matangkad na ako sa iyo ngayon compared sa I-Land!" Nagtawanan naman kaming lahat. Hindi sa sinabi ni Niki kundi sa itsura ni Jay. Sunoo is Right, effortless ngang magpatawa ito.

Nagsunod sunod na rin ang ingay at asaran sa harap ng hapagkainan habang ako naman ay nakangiting nakatingin sa kanila lalo sa kanya.. Ang ganda talaga ng ngiti niya. Parang siya talaga ang tunay na prinsipe sa paningin ko. Sana ganon rin itong Jay na ito. Che nasagi na naman siya sa isip ko.

Pagkatapos ng gawain ko sa lamesa at kusina ay nagpunta na ako ng isang silid dahil dumating na yung blinds na inorder nila kaya naisipan kong isabit na.

Dahil pandak ako. Kinailangan ko pang tumungtong sa upuan. Nahiya talaga yung height ko sa mga higanteng ito eh pero hindi na ako nagpatulong.

Habang nilalagay ko yung blinds sa sa bintana ng kwarto nina Sunoo ay nararamdaman at naririnig kong rumurupok na ang upuang tinutungtungan ko.

"Patapusin mo naman muna ako bago ka masira oh!" Pakiusap ko sa upuan. As if sasagot diba?

Pero muntanga lang akong nagsalita. Mabilis pa ring rumupok pa rin ang upuang tinutungtungan ko habang pinipilit ko pa ring tapusin ito. Jusko po! Mama tulong. Ayokong mahulog ako sa katangahan kooo! Pumikit na lang ako.

"I Got You!"


= ♡ =


Hey Guys. Sorry medyo nalate kong ipublish ito. By the way, Napanood niyo na ba yung Drunk-Dazed MV? Stream Drunk-Dazed kahit nagfreeze yung views kanina!! Ang pogi rin nila Supeeer! Hindi ko man ineexpect pero ang pogi rin nung mga nag cameo sa MV hihi.

Tengkyu rin pala sa 200+ reads guys!! Kinikilig tuloy ako sa tuwa hihi. Thank you ulit hehe.

Don't forget to Like, Comment on this story. Follow niyo na rin ako char ang kapal ng mukha ko HAHA

STREAM DRUNK-DAZED FOR CLEAR SKIN HSKHSK!!

J Y N 🍸

Honey🍯 | Enhypen Jay FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon