Chapter 5 (Curse)

12K 581 184
                                    

    I BECAME busy with my studies. I ignored the presence of Raphael Mondragon especially as I was entertained by my studies.

'Yung nakasabay ko sa elevator ng building noong kailan ay nakakausap ko rin dito sa room.

"Sapphire..Lunch tayo mamaya?" nakatayo siya sa gilid ko habang inaayos ang kanyang salamin sa mata.

Tiningala ako siya. "Sure!"

Michael is a good man. Matalino rin.
He was able to grab my attention because he outscored me by one point on the quiz. We took exams up to 100 but I only got 98! While Michael is 99! No way !

Mas lalo ko pang binutihan. I am not like this back in US!

Aalis na sana siya pero..

“Michael..Do you already have notes about Business Information system and Marketing?"

Ngumiti siya sa akin. "Yeah. Aral tayo mamaya?"

Puwede naman akong manatili dito mamaya ng isang oras para pag aralan ang mga gusto ko.

"Sige." I nodded. Umalis na siya at bumalik sa kanyang desk. Ang maingay ko na mga kaklase ay nagsitahimikan at bulong bulongan nalang ang aking narinig.

I stared reluctantly at Raphael who left Michael's gaze and then mine. Ilang araw na niyang pinag iinitan si Michael. He's being unfair!



“Michael Lee.. write this on the board. I am tired.” utos niya kay Michael. I crossed my arms and smirked.


Ilang oras rin ang nairaos ko bago nagdismiss para sa lunch. Tumaas ang kilay ko ng mabilis na nagligpit si Michael at nilapitan ako.

“Lets go?"

"Sure!"

Tuloy tuloy ang labas naming’ dalawa nang...

"Montemayor..stay in this room. We'll eat together."

What the....

Nanlilisik ang mata ko na tinitigan si Raphael. Nasa labi ang ballpen niya bahagyang nakaipit doon habang nakahilig siya sa kanyang swivel chair.

"Students..close the door when you leave." segunda nito.

Napakamot sa ulo si Michael tila..hindi makuha ang lahat.

"Mamayang hapon nalang tayo mag aral."

"Sige!" ilang sandali niya pa ako tinitigan, litong lito parin.

Michael came out. When I stared at the remaining students before leaving, they rolled their eyes at me. Alright. I accept that almost everyone in our class doesn't like me.

I look at Raphael coldly. Humalukipkip naman siya at tinapunan ako ng nag aakusang titig.

Malayo siya dahil nasa harapan siya habang ako ay nasa likurang bahagi ng room.

"Come here," utos niya. I sigh. Lumapit ako sa kanya at inayos ang aking buhok. Nang titigan ko siyang muli ay nanunuyod na ang kanyang tingin sa aking katawan. There's amusement in his smile.

"What do you need sir? Michael and I supposed to have lunch."

Tumayo siya at inayos ang kanyang polo sa siko. Humila siya ng isa pang silya at nilapit sa mesa. Tumaas ang kilay ko.

"Have a seat. Tamad na akong lumabas kaya dito na tayo kakain."

Bumalik siya ng upo sa kanyang swivel chair at tinitigan ako. Nanliit ang aking mga mata lalo na nang may pumasok na tatlong lalaking nakaitim lahat at nilapag sa mesa ang mga pagkain na alam kong sa mamahaling restaurant pa nanggaling!


Broken Chains (Montemayor 2nd Gen)Where stories live. Discover now