22

398 20 11
                                    

"Ni-ki! Ni-ki ! " sigaw ni Celine sa best friend nyang halatang wala sa mood ngayon . Tiningnan lang sya ni Ni-ki na parang walang gana .

"Oh ano na naman kailangan mo ?"

"Samahan mo ko sa sabadoooo" pag aya nya kay Ni-ki habang nagpapa cute . Nagkunwaring nasusuka naman si Ni-ki

" grabe ka sa akin .. sige na samahan mo ko , ililibre kita pagkatapos " napatingin naman agad sa kanya si Ni-ki na mukhang na e-excite pero bumalik din agad ito sa dating posisyon nito .. na para bang nagbago na yung isip nya

"ayoko " tipid lang n sagot nito

"anyare ba sayo ? mukha kang broken hearted na na-constipate .. sad boii ka na nyan ?" pang aasar nya habang tinatabihan si Ni-ki sa sofa

" pinagsasabi mo dyan ? di ako sad boy .. handsome boy lang " sabay pose na parang nagmomodel

" oo , sige nalang .. handsome boy kana basta samahan mo lang ako "

"saan kaba pupunta ?" tanong nya na parang naiinis .. yung totoo , meron ba sya ngayon ?

" sa dance battle ! " nakangiting na sagot ni celine

" ayoko tinatamad ako " pagtanggi nya

" eh ? palusot kapa eh .. sige na samahan mo na ako "

---

Ni-ki

Pano ko sya masasamahan eh may laban din kami at doon din yun .. Di ko alam kung bakit ako pumayag na ilihim yung identity namin . Pero kase mga rich kid mga kasama ko kaya risky din para kanila tsaka sa pamilya nila . Baka makidnap sila damay pa ako diba?! . Kawawa naman ang poging tulad ko . Malulungkot mga fans ko kapag bigla akong mawala . Mawawalan na silang ganang pumasok kase wala ako sa school , bababa grades nila , papagalitan sila ng mga magulang nila  .. ma de-depress sila , maha- hagard mukha nila edi papangit sila . Hayss tas ako gwapo pa din .

Pero yung totoo , delikado para sa kanila .. mga tagapagmana kaya mga kagrupo ko . Tas ako isang slapsoil hehe .. char , yung totoo naglo-low profile lang ako . Ayaw kasi ni mama na maging maiinit ako sa mga mata ng mga taong mapagsamantala lalo na at nandito ako sa ibang bansa at mag isa .

Ipinatapon ako ni papa dito kasi para daw lumawak yung knowledge ko sa dancing . Eh pwede namang sa US diba ? ewan ko sa kanya bakit dito .. siguro kasi mas malapit ? tas land of kpop ang Korea ..

Pero maliban sa dance , dapat ko rin daw mapag aralan yung pamumuhay dito , yung technologies , agriculture , beauty culture at iba pa .. para bang nagiging spy ako pero with consent lol .. kase alam din ng president ng Korea na nandito ako .

Di ko pa ba nasasabing magkaibigan yung lolo ko at yung president dito ? Ah hindi ba ? okay ngayon alam nyo na hehe .Kahit si Celine di alam to kaya maswerte kayo .. ( A/N medyo feeler sya dito pero hayaan nyo na , wala lang akong magawa haha )

Pero wag na nating pag usapan yan kase di naman importante yan . Ang importante , mahalaga haha .

"aray !" sigaw ko kay celine nang hampasin nya ako ng throw pillow

nakatingin sya ngayon habang naka cross mga braso nya .. para syang spoiled brat

"kase di ka naman nakikinig .. tsaka di ka parin pumapayag " may halong tampo na ngayon yung boses nya .. sorry bestie , di mo dapat malaman na nandun kami

" ayaw ko nga .. kung gusto mo sina kuya Sunoo at kuya Jake nalang para siguradong safe ka . ayokong mag puyat kakanuod dun .. kita mo ba mga eyebags ko ? nagrereklamo na si mama , ang payat ko na daw tas ang putla . anemic na talaga yata ako hayss " pagpapalusot ko

" sige na nga lang .. naturingan kang best friend ko tas d moko sasamahan ?! ewan ko sayo Ni-ki " galit na sya ngayon .. halata na sa boses nya

" tampo ka na nyan ? babawi nalang ako next time pero bawal ako sa gabi .. hanggang 8 pm lang ako "

" oo na , ikaw na may curfew kahit wala naman dito parents mo "

" wag kang magtampo .papangit ka nyan , I don't want to be associated with ugly people "

napatawa naman sya sa sinabi .. di talaga nya ako matitiis .

hayy .. hanggang kailan ba ako maglilihin sa kanya ? simula nung highschool ako nandito na ako , pero di ako naging tapat sa kanya .. marami akong tinatago . Pero sa lahat din naman ah , di lang sa kanya .. Maiintindihan din nila ako balang araw .


















---







yung totoo , di ko na talaga alam mga pinagsusulat ko dito .. di ko na din alam ang plot nito . nakalimutan ko na hahaha tsaka inaatake ako ng writer's block kahit di naman ako legit na writer talaga . nag fefeeling writer lang hehe . anyways , sana gumana na yung last two braincells ko para makapagsulat na ako ng maayos .

It's you from the start || y.jungwon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon