Chapter 32

6.8K 381 118
                                    

Chapter 32

Agad ko siyang tinulak. Napasandal ako sa pinto, mabilis ang kabog ng dibdib dahil sa halik niya. I looked at him quizzically.

"Why did you do that?"

Mabilis ang paghinga niya. He tried to touch me again but I raised both of my hands in the air to stop him.

Nilagpasan ko siya at kumuha ako ng bathrobe, towel, at pamalit na damit. Kinalma ko ang sarili, pilit ring iniiwas ang tingin sa kanya.

Lumapit ako sa vanity dresser at naupo. Itinuro ko ang inihanda kong gamit na para sa kanya. "Go take a shower so you don't catch a cold."

"Ragna, I'm sorry. I..." he couldn't continue what he wanted to say. 

Napilitan na akong tingnan siya. "Pumasok ka na."

Sinunod niya ako. Pagsara niya ng pinto ay humarap ako sa salamin. Medyo basa ang buhok ko at damit dahil sa ulan. Gumala ang tingin ko sa kwarto at tumigil ito sa bulaklak na nasa sahig.

Tumayo ako at dinampot ito. Tiningnan ko ang nabasang note.

Ragna,
Forgive me.

Rogue

I stared at it before I placed the bouquet on top of the vanity dresser. Napahawak ako sa labi ko, ramdam pa rin ang paggalaw ng mga labi niya rito kanina.

Nang bumukas ang pinto ng bathroom ay tumayo agad ako. Lumabas siya na nakatapis lang ng tuwalya, tumutulo ang butil ng tubig sa mukha at matipunong katawan.

Inangat ko ang tingin sa mukha niya, titig na titig siya sa akin. Dinampot ko ang nabitawan ko ring bag niya kanina at iniabot ito sa kanya.

Itinuro ko ang closet saka iniwas ulit ang tingin. "Get yourself another towel. You sleep in the bed and I on the floor." Pumasok na ako at ini-lock ang pinto.

I undressed myself and had a refreshing shower. Bumalik sa isip ko ang itsura niya paglabas dito.

Lumabas ako na bihis na. Napatigil ako sa paglakad nang nakita siya na nailatag na ang rollable floor mattress. Nakaupo siya roon, nakasandal sa gilid ng kama at nakaunan doon habang nakapikit. He needed to dry his hair first before he could sleep.

Inayos ko ang pagkakabutones ng kulay itim na silk sleepwear na suot ko bago ko siya nilapitan. Marahan kong tinapik ang pisngi niya. Nagmulat siya at napatitig sa mukha ko.

His lips slowly moved into a smile.

"Am I dreaming?" he asked.

Lalayo na sana ako pero mabilis niyang nahawakan ang pisngi ko. He cupped my face while staring deeply into my eyes.

"You're so drunk, Rogue," I commented. "Come and sleep in the bed. Ako rito sa sahig," ulit ko sa sinabi ko kanina.

Inalis ko ang kamay niya sa pisngi ko pero ibinalik niya iyon ulit dito.

"Why are you so beautiful, Ragna?" Pumikit siya at malungkot na ngumiti.

Napalunok ako dahil sa sinabi niya at sa ngiting iyon. Nagmulat muli siya at hinagilap niya ang mga mata ko.

"I always dream to be with you again like this."

"Rogue, it's the alcohol talking. Come on, get up!"

Tumayo ako pero mabilis niya akong nahigit kaya patagilid akong napaupo sa kandungan niya. Niyakap niya ako nang mahigpit at isinubsob niya ang mukha sa leeg ko.

"Let me hug you for a while, Ragna."

Mariin akong napapikit. Para akong nahihilo dahil sa lapit namin sa isa't-isa. Sumisingit sa ilong ko ang bango niya gamit ang shampoo at body soap ko.

The Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon