sixty-seventh

221 18 1
                                    

THIRD PERSON'S

Napabalikwas ng higa si Claire when she saw the last messages Sunghoon sent to her. Hindi niya alam ang gagawin niya, she was torn between opening the door for him o hayaan siyang nasa labas lang hangga't sa magdesisyon siyang umuwi.

But if she'll choose the last choice, she will feel bad for him for her entire life. She doesn't have any choice but to face him kahit na hanggang ngayon ay naiilang parin siya sa binata.

Ayaw niya namang ipakita sa binata that what happened to them last last night still bothers her every night. Ayaw niya na rin namang pag-usapan yun hangga't maaari.

She walked towards the door opening it for him but her heart won't calm down kahit na hindi niya pa nahahawakan ang door knob. Bumuntong-hininga ito saka nagdesisyon ng buksan ito.

Kasabay ng pagbukas niya sa pinto ay may naramdaman siyang tumama sa noo niya.

"Oh shoot! Claire, sorry" The girl immediately touched her forehead habang nakangiwi sa sakit.

Sunghoon just knocked on her forehead two freaking times!

Agad niyang nailapag ang mga dala-dala niya saka yumakap kay Claire. He was also panicking dahil medyo malakas ang pagkaka-katok niya sa noo ng dalaga.

Claire was still suffering in pain habang si Sunghoon naman ay nagpapanic parin dahil sa nagawa niya. He touched her hands trying to see her forehead.

"I'm sorry" He softly said. Claire then removed her both hands to see again his face close to her face again. A bright tint of red was visible to her cheeks habang patuloy na nakatingin sa mukha ng binatang nag-aalala sa harap niya.

Ngayon niya lang aaminin ng tuluyan that Park Sunghoon really has the almost perfect facial features. His face were literally like a face of a fallen angel sa sobrang amo ng mukha nito.

Her eyes travelled down to the guy's lips. They're pinkish and glossy.

━━━━━━━━━━━━━━━

CLAIRE

Ang sarap sigurong halikan ng labi nitong lalaking—

Oh no no no no, Claire! What the hell are you thinking about?! Ang dumi dumi ng utak mo kahit kailan!

Sa totoo lang kase sa tuwing makikita ko siya, I just can't help but to remember that night, aaahhhh! Ginugulo talaga ako ng utak ko. Bakit niya ba kase ginawa yun?!

"Claire, are you alright? Is there something bothering you?"

Oo! Ikaw! You are bothering me!

"Y-yes, I'm fine HAHAHAHAHAHA" sambit ko saka agad na lumayo sa kanya. Pakiramdam ko laging nasa tabi ko yung bad angel kapag malapit siya sa akin jusko. Hindi na ako safe.

Inayos ko ang sarili ko saka naglakad papunta sa sala.

"I told you, hindi ka na dapat pumunta" Sabi ko sa kanya saka umupo sa sofa at binuksan ang tv.

"Wala naman kasi akong ginagawa so I thought of coming here. Saka may sakit ka eh, I just want to take care of you" Napaiwas muli ako ng tingin sa kanya when I can feel my cheeks were heating up.

Bakit ba kase kailangan pa akong alagaan, hindi na naman ako baby, jusko. Bantayan mo nga 'yang pisngi mo, baka magmukha pa akong kamatis sa harap ng lalaking yan. Mahirap na.

"Oo nga pala, I bought you some food and medicine. You can start eating now, kumain ka na ba?" Sunghoon worriedly asked. Pero I'm still not sure if he was really worried. Baka nag-aassume lang ako.

I just shook my head saying no. Wala naman kasi akong gana simula kaninang umaga. Kumain lang ako ng dalawang pirasong loaf bread kanina pang-laman tiyan lang.

He sat beside me which kinda scare me for a bit. Hindi ko alam pero bakit ganun? Dati naman okay lang sa akin kahit gaano pa siya kalapit, but now it just feels new and awkward. Epekto ba yun ng tinapay na kinain ko kaninang umaga? Geez, I will not eat loaf bread again.

"You should eat lalo na kung ganyang masama ang pakiramdam mo. Here, eat this and take the medicine after" Pakiramdam ko mas lalong sumasakit ang ulo dahil sa pangi-english niya sa akin, hindi kaya ng utak ko ah.

Binigay niya naman sa akin yung plastic na may lamang choco butternut na flavor na donut. I took a glimpse kung ano man ang ginagawa niya to find out that he was actually glaring at me na para bang handa niya akong kainin anytime.

Sandali lang, nape-pressure ako sa lalaking 'to. Paano ko sasabihing wala akong gana kung grabe naman siya makatitig dyan. Napanguso na lang ako saka kinain na yung donut na bigay niya sa akin kanina.

"You don't have to do this, Sunghoon" Sambit ko while munching my food.

"I want to, Claire. Please don't think na ginagawa ko lang 'to kase naaawa ako. I just really want to take care of you" Ano bang ginawa ko at binigyan ako ng ganitong kaibigan? He's just the sweetest.

"Are you done?" Dagdag na tanong niya. Hindi ako sumagot instead I just nodded my head still avoiding his gaze.

"Take this" Inabutan niya ako ng gamot. It was really a medicine for headache. I really need it right now, pasalamat na rin ako at dumating 'tong si Sunghoon.

Tumayo siya mula sa upuan saka dumiretso ng kusina. Ilang sandali lang ay bumalik siya dala-dala ang isang baso na may lamang tubig.

"Thank you" Nakangiting sambit ko sa kanya saka ininom yung gamot na inabot niya.

"Does your head still hurts?" Tumango muli ako saka ko siya nakitang tinatapik ang lap niya. Luh, anong gagawin ko dun?

"A-anong gagawin ko dyan?" Nalilitong tanong ko sa kanya

"Lay here, I'll massage your head" Para akong may mga alagang kabayo sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Seryoso ba siya sa gusto niyang gawin?

"H-ha? Hindi na. Okay lang" Pilit na tanggi ko but to my surprise humarap siya sa akin bago hinawakan ang bandang sentido ko bago ito dahan-dahang hinilot paikot.

I just couldn't help but to stare at him while doing it. Ang swerte swerte ng babaeng makakatuluyan nito, bibihira ka na lang makahanap ng lalaking ganito ka-caring. I'd be happy for him kapag nakita niya yung right girl for him.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang mata kong unti-unting bumibigat. I just slowly closed my eyes

━━━━━━━━━━━━━━━

Sunghoon then could feel the weight of Claire's head kaya naman dahan-dahan siyang lumapit dito at ipinatong ito sa balikat niya as his arms were wrapped around her back gently tapping it.

❝Sleep well, bub. I love youhe softly said bago ngumiti sa sarili

TO BE CONTINUED..

❛Come In With The Rain❜ ┇ ENHYPEN's Sunghoon✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon