CHAPTER 4

7 2 2
                                    

Shanna's POV

Anong oras na ba? Wala parin si thina! Nasaan na kaya yun? Lagpas na siya ng ilang oras...

Tinignan ko muna ang wrist watch ko at 11:30 AM na.

Agad kong kinuha ang phone ko sa pouch bag ko para idial ang number ni bessy...

"Oh! Nasaan na kayo?"bungad niya sa'kin pagkasagot niya sa tawag ko.

"Ah! Nandito pa ako sa dress section, actually kakatapos ko lang mamili."

"Si thina! kasama mo ba siya hanggang ngayon?"

"Hindi na! May bibilhin daw siya hindi ko alam! kung saan? Kanina pa yun e."

"Ah! Ganun ba, Sige tatawagan ko na lang mamaya."

"Sige! Mabuti nga kung tawagan muna."

"Ok! I'll hang up na, shan. Bye!"

"Ok! Bye!"

*Tutut* Call ended

Saka ko na ibinalik sa pouch ang phone ko. Nanatili lang akong nagpabalik-balik  sa paglalakad sa dress section na parang baliw! Kung sa bagay may pagkabaliw naman talaga ako sabi nila...

Nagpapakiramdam lang ako dito sa kinatatayuan ko, ng maagaw ang atensiyon ko sa isang saleslady at sa customer na babae na siguro mas bata pa sa akin na parang nagtatalo.
Biglang may lumapit na lalake at sinigawan yung saleslday.

Grabe! Ano kaya yun? Natahimik tuloy si saleslady. Siguro napagtanto niya yung kasabihang...

'Customer is always right!' E, paano kung may left na customer, hindi nila pa bibilhin, ganun!

Teka, ano nga kaya ang ibig sabihin nun? Actually hindi ko alam. Peace, narinig ko lang yun at himalang naalala ko...

Inikot ko muli ang mga mata ko sa ibang sulok ng dress section, ng may mahagilap ang dalawa kung mata...

Isang babae na sobrang pamilyar sa akin ang hitsura at may kasamang lalake. Ang saya pa nila dahil nagtatawanan pa sila, nakakakilig tuloy silang tignan...

"Bakit ba pamilyar ka sakin? Sino ka ba?"tanong ko sa sahig-- este sa sarili ko pala...

Tinitigan ko ng maige ang babae at kinabahan ako...

Hala! Siya kaya si kamatayan? Sinusundo na ba niya ako?

Nakaitim ito ng dress, heels at pouch bag at straight ang buhok na mahaba...

Hala! Ang ganda naman ng outfit ni kamatayan kung ganun...

Pero, bakit may kasama siyang anghel?

Napatitig ako doon sa lalake na panay ang ngiti doon rin sa babae...

At doon ko napagtanto na totoo silang tao! Akala ko na tuloy si kamatayan na...

Namimili ng mga damit yung babae habang panay ang titig lang nu'ng lalake...

'Bakit ko naman sila tatapunan ng atensiyon? Artista ba sila?

Panay lang ang titig ko sa dalawa ng humarap sa gawi ko yung babae na ikinagulat ko...

"O-my-guyyyy!!! Si thina, anong ginagawa niya? Kasama ng gwapong lalaking yan."Hindi naman marunong makisama yan si thina, how come na napapatawa pa siya sa lalaking yan?

"Pero, wait!!! Bakit namimili sila ng mga damit?at ang dami pa."knowing thina, hindi siya namimili ng mga damit dahil nasa kaniya naman ang lahat ng kailangan niya...

Accidentally Destiny Where stories live. Discover now