VIII

20 8 0
                                    

"Under Development"

I slowly took a few steps para lumayo nang kaunti sa kaniya. Hindi ko maipaliwanag sa kaniya ang nararamdaman kong kaba simula nang sabihin niya ang mga salita niya kanina.

"I'll be with you bilang kaibigan, Rhian." mahinhin na sinabi ni Vince habang pumupungay ang mga mata nito. Lalong lumalim ang pagtititigan naming dalawa. "And I hope, I'll be the one you'll never forget."

"Pwede bang iwan muna kita?" I requested as I feel a little bit different.

"Hindi na Rhian, ako na ang iiwan sa'yo dito. Just waste your time here." he slowly winked while moving. Naglakad siya nang mabilis and as he approached the door, he waved his hand then walked.

Hindi ako nakatanggi nang iwan niya ako. After the door slammed sa bandang staircase, a full-blown wind shattered through my skin. As I faced the dark blue ocean, nilabanan ng katawan ko ang malakas na hanging tumama. My body was frozen at hindi ako makagalaw to the place where he left me.

I felt the relief nang hindi ko na hinayaang lumalim ang usapan namin pero nakaramdam ako ng urge para muli siyang hanapin. I started receiving flashbacks at imahe sa isipan ko ng mukha ni Vince. It's like there is something tying him to me.

I started a step then suddenly, I ran. Tumakbo ako nang mabilis para habulin si Vince. I ran pababa sa staircase and there I saw Vince walking in a slow manner. I approached him the moment I saw him. "Vince, sabay na tayo. Hindi mo dapat maramdaman na itinatakwil kita. Ayoko lang talagang gawing komplikado 'to."

Nang magtagpo ang mga mata namin, a sudden joy bursted into him. "Salamat sa pag-unawa. Thank you for giving me trust."

"Wala akong magagawa kundi pagkatiwalaan ka. Alam ko namang may mabuti ka ring hangarin." I smiled while talking. "Thank you for expressing your admiration. Kahit na mabigat 'to para sa'tin, nagagawa nating laruin 'to."

I took a deep breath. I faced towards him at direktang tiningnan ang mga mata niya. I can't take it longer anymore not to express what I'm really feeling. "I think I like you too." bumilis ang pagtibok ng puso ko habang lumakas ito nang lumalakas. I started to stutter. "Hindi ko alam kung paano nangyari na suddenly I'm thinking about you pero hindi ko dapat ito itago. Simula kahapon, naging kakaiba na kinikilos ko whenever I'm with you. It feels different."

"I guess we're really felt the same feeling." delighted, Vince lifted his cheeks. "I want to build us together."

As I heard those statements, nakaramdam ako ng kaunting hilo at pananakit ng ulo. Hindi ko alam pero biglang nag-iba ang ihip ng hangin at nakaramdam ako iba sa katawan ko. Tinanong ako ni Vince. "Rhian, ayos ka lang?"

"Medyo sumakit ang ulo ko at nahihilo ako." tugon ko nang may panghihina. "Pwede bang bumalik na tayo sa mga kwarto natin?"

Agad na tumango si Vince. Sinamahan niya ako pagpunta't pagbaba sa elevator habang gabay na gabay sa bawat galaw ko. Habang naglalakad kami sa hallway, inaalalayan ako ni Vince habang nakahawak ang mga kamay nito sa aking balikat. Iika-ika akong naglalakad dahil kapag pinilit ko'y baka bigla akong matumba. Umiikot ang paligid ko at tila may pumupukpok sa loob ng ulo ko.

Nang makarating na ako sa loob ng kwarto ko, iniupo niya ako sa may kama. Doon ay kinausap ko na siya. "Iwan mo na muna ako. Kaya ko na ang sarili ko."

Hotel del DolorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon