Chapter 7

9.5K 497 521
                                    

Huminga ako nang malalim habang tinititigan ang portal ko. Kanina ko pa sinend kay Papa yung amount na kailangang bayaran, pero hindi pa siya nagrereply.

Eto nanaman tayo sa clearance.

From: Ezekiel Raia (Do Not Reply)
Hello are u ok?

From: Ezekiel Raia (Do Not Reply)
Buhay ka pa ba?

Humiga ako sa kama ko at hindi pinansin ang notifications ng messages niya. Isang linggo na ang nakalipas nung huli naming kita sa bahay nila nung Valentine's day.. and I have no plan on seeing him again! Sobra sobra kaya ang pag-iwas ko sa Otto Hahn this week!

Ezra's been texting almost every day. Hindi ko pa rin siya nirereplyan. Mabuti na lang at palagi kaming maagang dinidismiss, at kung hindi naman, agad akong dumadaan sa kabilang pintuan kapag nakikita ko na si Ezra na naghihintay.

Ayoko yung naramdaman ko nung gabing 'yon. Ayoko yung pagka-lapit ng mukha namin. Ayoko nang maalala. Ayoko na isipin!

Napadilat ulit ako nang tumunog ang cellphone ko.

From: Papa
Nak sorry mahina tlg ung talyer ngyon

Nagbuntong hininga ako. Last week ko pa sinabi 'to kay Papa, alam ko namang sinubukan niyang maghanap ng pang tuition ko. I know he tried.

May ilang araw pa naman ako bago ang exams namin. Siguro naman magagawan pa 'to ng paraan. Makakahanap pa si Papa ng customers.

"Girl, tapos mo na yung homework natin sa ethics?" tanong ni Olivia sa akin. "Pakopya nga ako!"

"Tanga, sa akin ka pa nangopya," Umismid ako at tumawa. "Siyempre ako rin, wala pang nagagawa!"

"Hayop ka talaga." Tumawa rin siya at tumayo. "Nasa labas boyfriend mo. Kinausap ako bago ako pumasok dito sa classroom."

Kunot noo akong tumingin sa pintuan. Wala na pa yung prof namin dahil first subject palang namin at may ilang minuto pa bago magsimula ang klase.

Nang makita ako ni Ezra na nakatingin sa kaniya, lumunok ako at agad na umiwas ng tingin.

Napalingon na lang ako sa cellphone ko nang bigla 'yon tumunog.

From: Ezekiel Raia (Do Not Reply)
I'm not leaving until you talk to me

To: Ezekiel Raia (Do Not Reply)
Edi manigas ka jan

From: Ezekiel Raia (Do Not Reply)
What did I do? Why are you GRRRRR >:(?

From: Ezekiel Raia (Do Not Reply)
Meron ka ba ngayon?

I slammed both my hands on the table and stood up. Agad akong naglakad palabas at humalukipkip sa harap ni Ezra.

"Ano ba? Pumasok ka na sa klase mo." Umiling ako. "Darating na prof namin."

"Why are you avoiding me?"

Suminghap ako at tinignan siya. Ayoko nga ito, eh! Kapag nararamdaman kong may feelings involved, ang usual na ginagawa ko ay nanggo-ghost! Hindi ko ba siya pwede i-ghost in peace?!

"Hindi kita iniiwasan."

"You are." Kumunot ang noo niya. "Ano ba problema?"

Lumunok ako. Gusto kong itigil na natin 'to. Ayoko na. Ayaw kong may idagdag sa listahan ng iniisip ko.

"Wala."

"Ena," Mariin niyang tawag sa pangalan ko.

I could already see other girls looking over at him as they walk past us. Of course. He's Ezra Noestro.

We Said Never (City Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon