IX

29 7 0
                                    

"The Warning Signs"

I continued to wrap my hands around him. For a few seconds, magkayakap kami. And we felt a mutual level of understandings. We're exchanging our thoughts the same way possible.

Hanggang sa hinila niya ako at muling hinatak para tumaas sa rooftop. Pumayag na lang ako kahit pa nakailang-taas na kami doon. Nagmadali kaming habulin ang elevator para makataas.

Nang makarating na kami, hinawakan niya nang mahipit ang palad ko. Nakaramdam ako ng ibang klase ng kasiyahang hindi ko pa nararanasan. Muli kaming nagpunta sa parte ng rooftop na nakaharap sa dagat. Pinagmasdan namin ang malalakas na alon.

Sa pagmamasid namin, sabay ring nagsalubong ang mga mata namin kaya't humarap kami sa isa't-isa. Hinawakan ni Vince ang pisngi ko at hinaplos ito. Doon na siya naglakas ng loob upang ilapit ang kaniyang mukha at idikit ang mga labi nito sa aking labi. Agad rin niyang tinapos ang paghalik niya. Bumilis ang tibok ng puso ko pagkatapos niyang gawin ito at lalo kong nadama ang kakaibang kasiyahan.

"Bukas Rhian, tototohanin na natin itong larong 'to na sinasabi mo." malumanay niyang sinabi habang patuloy na tumititig sa mga mata ko. "Sa pagtungtong natin palabas ng hotel, malalaman mo ang reyalidad. At ang lahat ng pagsasamahan natin, mananatili sa isip mo habang-buhay."

Kasabay ng pagsasalita ni Vince ang pag-angat ng mga labi ko sa tuwa. Inilapat ko ang mga kamay ko sa likod ng kaniyang mga leeg at nagbitaw ng mga salita. "Salamat Vince sa pagpaparamdam mo sa'kin nito, na nakatatak ka na sa isip at puso ko. Hindi ikaw ang inaasahan kong magdadala sa'kin into my wide imaginations."

Ang pagkasaya ko ay napuno ng pagkabagabag. Inalis ko ang mga kamay ko sa kaniya at lumakad nang kaunti. Agad namang tinanong ni Vince ang nangyayari sa'kin. "May problema pa ba Rhian?"

"There's something bothering me." nanghihina kong sinabi. "Paano kung hanggang dito lang tayo sa Hotel del Dolor? Paano kung may maputol sa'tin once na lumabas tayo?"

Sinundan ako ni Vince. Sa likod ko, marahan siyang nagsalita. "Hindi mangyayari 'yan. Ipinapangako kong hindi kita iiwan at sabay tayong aalis rito. Kaya Rhian, sulitin na lang natin ang pahinga sa hotel na 'to."

Tumango lang ako habang dinaramdam ang malamig na simoy ng hangin. Kasabay naman nito ang unti-unting pagpulupot ng mga kamay ni Vince mula sa likod ko at niyakap ako nang tuluyan. Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko't nagpalamon sa bagsik ng hangin.

Lumipas ang ilang oras na kami lang ni Vince ang magkasama. Wala na akong isasaya pa sa mga ginagawa namin sa loob ng hotel na 'to. Para kaming mga bata sa kalye na naglalaro sa hallway ng aming mga kwarto habang sabay na tumatawa o 'di kaya'y nambubulabog ng ibang tao sa cafeteria dahil sa sobrang ligalig namin. Halos manginig na ang mga tuhod namin sa bilis ng aming paghahabulan mapa-ano mang floor ng hotel. Nagsisipatak na rin ang mga pawis namin sa pagod. At pagpasok namin sa kwarto ni Vince ay magkayakap lamang kaming humiga sa kama. Naramdaman ko ang init sa mga kamay niya habang kami ay magkatabi. Sabay naming nilibot ang hotel habang magkahawak ang mga kamay at lahat ng ito'y nangyari sa sandaling oras lamang.

Napakaraming enerhiya ang inilaan ko para sa araw na 'to habang kasama si Vince. Halos maubusan na ako't pagod na pagod na rin. Buong araw ko siyang kasama simula umaga hanggang hapon. Para lamang kaming nagpalipas ng oras habang magkasamang nagsasaya at nagpapakabata. Ramdam namin ang kasiyahang idinulot namin sa isa't-isa at wala kaming pinalampas na segundong hindi kami magkasama.

Hotel del DolorWhere stories live. Discover now