Chapter 29

5.6K 494 117
                                    

"Hala, lagot ka, pinaiyak mo."

"Bakit ako?"

Pinunasan ko ang luha ko kaso imbes na maging emotional, parang matatawa ako anytime. Nagtuturuan kasi sila kung sinong nagpaiyak sa akin. Parehas lang naman silang may kasalanan.

Pagkatapos ng klase ay basta na lang akong hinila ni Val palabas ng school, at ang nakakabigla ro'n ay kasama pa namin si West sa paglalakad. Hindi naman ako na-inform na sa bahay kami ng mga Hansen pupunta kaya sobrang distracted ako hanggang makarating kami.

Hindi ko nakita si East, hindi rin naman ako makapagtanong, hindi ko rin siya napansin kanina sa klase kung kailan siya lumabas agad pero for sure si Lucy ang kasama no'n.

Wala ring tao ni isa, kaya pakiramdam ko solong-solo talaga namin ang kamansyunan nila kahit nasa sala lang naman kami palagi.

Pagdating pa lang ay sinimulan na agad nila magkuwento. Na wala talagang ligawang nangyayari, na idea ng best friend ko lahat, na sinasadya niya lang i-provoke ako na umamin.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman pero kusa na lang akong naiyak. Hindi naman ako galit, hindi ko rin naman naf-feel na parang napagkaisahan ako.

Relief ba 'to? Nakahinga ba ako ng maluwag? Kasi after nila sabihin na okay lang ang lahat...para bang nawala yung bigat ng puso ko.

"Huwag ka na umiyak diyan, 'di bagay sa'yo at nagiging si McDonald ka." Imbes na i-comfort ako ay inalipusta lang ako nitong si Val. Tiningnan ko siya nang masama at kinurot sa tagiliran. Napangiwi siya. "Ang sakit, magkakapasa ako!"

"Nakakainis ka, eh!" Parang mas tanggap ko pa magmukhang bubuyog kaysa si IT. Ang creepy ng clown.

Suminghot ako. Hindi ko talaga type si McDonald, lalo na kapag nakangiti, parang ayaw naman niyang pakainin ka ng spaghetti.

"Ako na nga nasaktan tapos ako pa nakakainis?" Natatawang sabi niya, halatang hindi naman naiinis.  Parang nanti-trip lang talaga ang babae. "Mas lumaki sana pisngi mo."

"Mawala sana buto mo sa katawan." Sagot ko. Natawa ako bigla kasi na-imagine ko siyang walang buto tapos parang jelly lang na nasa sahig. Pinanlisikan niya ako ng mata. "Ang pangit."

"Nakakahiya sa face mo." Tinaasan niya ako ng kilay bago niya nilingon si West na walang kibong pinapanood lang kami magsagutan. Obvious na wala siyang balak umawat. "Girl, ba't mo ba 'to nagustuhan?"

Nagkibit ng balikat si West habang nakangiti. "She's cute."

Mabilis kong naramdaman ang pag-iinit ng mukha ko hanggang tainga, parang umuusok na nga rin ang bumbunan ko dahil lang sa sinabi niya. Shems, hindi ko 'to kaya. Siya lang talaga nagsasabing maganda ako o cute ako bukod kina Mama.

Sasagot na sana ako nang sikuhin ako ni Val sa tagiliran, parang may nabali yatang ribs sa akin sa lakas ng ginawa niya. "Pabebe yarn? Tingin mo walang makakahalata na deds na deds ka kay West dahil sa reaction mo?"

Hindi ako nakasagot. Wala naman akong ikokontra kasi makailang beses ba naman niyang ipagdiinan na ako na ang pinaka-obvious na taong nakilala niya—bukod sa matagal na kaming magkaibigan. Siguro nga wala akong matatago sa kanya. Pero siya lang naman din kasi ang iniisip ko kaya hindi rin ako makaamin, malay ko ba naman na iniisip niya lang din ako kaya siya nag-decide ng kakaiba.

Tsaka never ko pa na-try din umamin. Pasensya naman. Unang beses ko magkagusto, eh.

"Pabebeng Jollibee."

"Hoy," Hinampas ko siya ng mahina sa braso. "Kota ka na, ah."

"Habambuhay kitang aasarin."

"Valeen."

Jonah Complex [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon