Midnight Lover - 22

149K 2.4K 123
                                    

RAVEN

Mahigit tatlong oras ring tumagal ang press conference namin nina Direk Joey Reyes para sa kauna-unahang movie na pagsasamahan naming dalawa at ng mga artistang magsisiganap. Naging estudyante ako ni Direk Joey sa scriptwriting class niya na mismong kompanya na pinagtra-trabahuan ko ang nag-arrange. It was an all-expense twelve weeks workshop.

As all of you not know, I am a romance writer. I've already published more than fifteen books—some of which are under my pseudonym while the rest are published with my real name on it. I've been a contract writer for this giant talent agency for one year now.

And as part of career growth, nag-decide ang boss namin na mag-undergo naman kami ng scripwriting class para hindi lang puro nobela ang maisulat namin kundi maging script na pang pelikula. I thought it would be fun so I did attend the class regularly.

Unfortunately, hindi na-approve ang concept paper na ipinasa ko as my final project for the said workshop. Not that it was rejected but I have to revise some parts of it which I really don't like. It has been my attitude na kapag natapos ko na ang kwento, 'yon na mismo 'yon. Hindi ko na pwedeng i-alter o i-edit kasi feeling ko mas lalo ko lang masisira ang kwento.

So, instead of revising the screenplay I submitted, humingi ako ng isang buwan kay Direk at sa management para makapag-isip ako ng bagong concept. Pagkauwing-pagkauwi ko ng bahay, ang una kong naisip ay "I need a new environment. A new place that would inspire me to write new things."

Kaya nagpaalam ako sa parents ko na magbabakasyon ako sa province. Someplace that is far from Manila. Kaya ako napadpad sa Javier, Leyte kung saan ko naman higit na mas nakilala si Asher. Yes, "higit na mas nakilala" because it wasn't the first time that I met him.

Speaking of Asher, napangiti ako nang makita kong may mga messages na pumasok mula sa kanya pagka-on na pagka-on ko ng phone ko. Kanina kasi during the press con ay in-airplane mode ko ang phone ko para walang maka-disrupt during the discussion.

I am reading one of his texts when my phone rings, it was Asher calling. Agad na sinagot ko ang tawag niya.

"Hi, handsome! I miss you," masiglang bati ko sa kanya. Medyo nagtaka ako nang hindi siya sumagot sa 'kin ng I miss you too. "Are you alright?"

"Yeah. I'm just tired. Kakarating ko lang ng Maynila," narinig kong sagot niya mula sa kabilang linya.

"Oh, geez. Talagang sinundan mo ako dito sa Manila? And how did you even know that I'm here?" masayang tanong ko sa kanya.

"Sinabi ni Zeke sa 'kin," sagot ni Ash.

Medyo napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Sa pagkakatanda ko ay hindi ko naman sinabi kay Zeke na dito ako sa Maynila pupunta. Ang sabi ko nga lang ay aalis ako. But anyways, I'm too happy right now para isipin pa kung paano nahulaan ni Zeke na dito nga sa Maynila ang punta ko.

"Are you busy?" tanong ni Ash sa seryosong boses.

"No," sagot ko naman.

"Okay. Nandito ako sa Green Coffee sa Tomas Morato."

"Oh, great!" I snapped. "Nandito lang din ako sa Tomas Morato. Ako na lang ang pupunta diyan. I'll be there in ten minutes." Iyon lang at nagpaalam na ako sa kanya.

Dali-daling pumunta ako ng banyo at saka inayos ang buhok ko. Ibinalik ko ang hair extension na ginagamit ko habang nasa Javier ako at saka inilagay naman sa bag ang salamin sa mata na wala namang grado. Isa lang 'yon sa mga 'props' ko.

Pumara na ko ng taxi at saka nagpahatid sa Green Coffee. Pababa pa lang ako ng taxi ay agad ko nang namataan si Asher. He is sitting outside the coffee shop. Seryoso ang mukha at halos magsalubong na ang mga kilay niya.

Sa may kabilang hagdan ako dumaan pa sorpresahin siya. Nang nasa likod na niya ako ay mabilis na tinakpan ko ang mata niya gamit ang dalawang kamay ko.

"Guess who?" natatawang tanong ko bagama't alam kong alam niyang ako ang nasa likod niya. I am just trying to be silly, sweet and romantic.

Pero nawala ang ngiti sa labi ko nang hindi i-indulge ni Ash ang silliness ko. Sa halip ay walang imik na inalis niya ang kamay ko na nasa mga mata niya.

Tahimik na pumunta ako sa harap niya. May nakapatong na bulaklak sa ibabaw ng pabilog na mesa pero wala roon ang atensiyon ko kundi sa ekspresyon ng mukha niya na nagtatalo ang lungkot at galit.

"Hey, what's wrong?" mahinang tanong ko habang umuupo sa katapat na upuan. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero mabilis rin niya iyong naiiwas sa akin.

At sa halip na sagutin ang tanong ko ay may inilapag siyang isang pamilyar na papel sa ibabaw ng mesa. At halos manginig ang buong katawan ko nang makilalang iyon ang invitation para sa press conference na ginanap kanina.

Was he there? Narinig ba niya ang mga pinagsasabi ko sa press kanina?

Bigla-bigla ay parang lumaki ang ulo ko. Nakita ko ang pagtatagis ng bagang ni Asher na tila sagot na rin sa tanong ng isip ko. He was there and he heard everything I've said. "Ash, I can explain—"

"What's there to explain, Raven? Na niloko mo ako para sa movie na sinusulat mo? Na pinagmukha mo akong tanga at pinasakay sa mga kwento mo para lang may maisulat ka na kakaiba? Or are you some sort experimenting on me?!"

"Ash..."

"I've been honest with you. Lahat-lahat ng bagay na may kinalaman sa pagkatao ko sinabi ko sa 'yo because I trusted you. I've shared to you even the deepest part of me because I want you to trust me... so you could reveal to me a part of yourself too. May hinala naman na talaga akong babae ka noon pa. I just don't want to force you to admit it to me dahil iniisip kong baka may mabigat na bagay kang pinagdadaanan kaya ayaw mong ilantad ang tunay mong pagkatao. Pero mali pala ako. Maling-mali dahil wala naman palang malalim na rason kung bakit all those time ay pinaniwala mo akong bakla ka."

This time ay unti-unti nang namumuo ang mga luha sa mata ko. "Ash, please..."

Umiling-iling si Asher saka muling nagsalita. "You're not gay, Raven. You just happen to be a scheming bitch."

Tigagal ako sa pagkakaupo ko dahil sa sinabi niyang iyon. Ilang beses na nag-rewind sa utak ko ang mga katagang scheming bitch. Paulit-ulit.

I was so stunned na hindi ko man lang nagawang ihakbang ang mga paa ko nang magsimulang tumayo si Asher at saka bitbit ang bag na bumaba sa coffee shop na kinaroroonan namin.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak nang makita kong sumakay na si Asher sa pinara niyang taxi.


Please do watch my vlogs! ❤️❤️❤️



Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon