TAMIS 7

5.9K 424 200
                                    

Naging maayos naman ang usapan ng pamilya ni Aurea kasama si Devin noong nakaraang linggo. Hindi man aminin ng kaniyang ina at kapatid ay mukha namang pabor sila sa lalaki.

Ang pagiging kalmado, totoo sa sarili, masayahin at palabiro nito ay nakabuti para makakuha ng magandang impresiyon mula sa kanila.

Hindi naman kasi taong halaman si Devin. Hindi 'yong tipong kapag iniwanan mo lang sa isang tabi ay hindi na ito gagalaw.

Marunong itong makibagay at makipagkapwa tao. May kusang loob din at hindi na kailangan pang pukpukin para kumilos at magsalita. May sense din ang mga sinasabi nito lalo na kapag seryosong usapan.

"Sana pala naging Gynecologist na lang ako, ano? Para ako na lang titingin sa—aray! Patapusin mo muna kasi ako! Nananakit ka na naman, eh!"

Pinaghahampas at pinagkukurot niya kasi si Devin dahil sa mga bastos na naman nitong naiisip. Sa ilang beses na nagkasama sila, mas lalo niyang napatutunayan sa sariling isang dakilang manyak ang ama ng dinadala niya.

Magkasama sila ngayon dahil nagpatingin siya sa doktor. Nagpumilit kasi si Devin na sumama sa kaniya para marinig din niya kung ano ang mga dapat gawin.

First pregnancy din niya raw kasi ito.

Akala mo naman ito ang lolobo ang tiyan at manganganak, isip niya.

"Sa susunod hindi na kita isasama. Ang kulit mo kaya. Mas marunong ka pa sa akin, eh katawan ko naman 'to," pagsusungit niya.

Kanina kasi, sa tuwing tinatanong siya ng doktor ay panay ang sabat ng isa. Mas marami pa nga itong tanong kaysa sa kaniya.

"Sa excited ako. Bakit ba? Ang tagal ngang lumaki nito," paghimas nito sa kaniyang tiyan habang ang isang kamay ay nasa manibela.

Kakain daw sila sa labas kaya pagbibigyan niya na muna ito.

"Gusto ko nang malaman kung babae o lalaki."

Bakas sa boses ni Devin ang pananabik malaman ang kasarian ng anak nila. Palagi naman itong ganito kapag magkasama sila. Kahit anong sungit o taray niya ay hindi ito natitinag.

"Kung iba kaya ang nabuntis mo, maging ganiyan kaya ang reaksyon mo?" kaswal niyang tanong.

Minsan naiisip niya kung hindi siya nagkamaling mag-send ng friend request sa Facebook, ano kaya ang sitwasyon niya ngayon?

Maaaring mag-isa lang siya sa kaniyang lakad. Maaaring pangunahan siya ng takot at kaba habang kausap ang doktor kanina.

"Sa 'yo lang ako pumalya," sagot ni Devin.

Tiningnan niya kung seryoso ito pero hindi niya mawari ang ekspresyon sa mukha nito.

Ano'ng ibig sabihin ng pumalya? Ano'ng gusto nitong iparating? Na nagkamali ito sa kaniya?

"Pumalyang mag-withdraw. Sarap mo kasi. Napa-deposit tuloy ako," banat nito.

Napahampas ulit siya sa hita nito habang nagpipigil ng tawa.

Kung minsan ay hindi na niya maintindihan ang sarili. Gusto niyang huwag pansinin, huwag makita, huwag makasama at huwag tumawa sa mga korni na jokes nito pero bumebenta sa kaniya ang bawat banat nito kaya hinahayaan na lang din niya.

"Seryoso muna kasi, Devin."

Sumeryoso ang mukha nito. "Hindi siguro ganito 'yong mismong reaksyon ko. Hindi ko masabi. Puwede ring galit ako kung iba ang nabuntis ko. Medyo iba kasi 'yong mga babaeng nakasama ko noon. Tipong alam kong posibleng hindi lang ako nakabuntis doon. Gets mo? Ikaw kasi—"

Pagsinta (Unang Tamis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon