37

1.3K 147 68
                                    

FRANCES POV


[Jennifer Nandy Villaruel, ang sikat na singer matapos makipag suntukan sa bar. Narito ang isang clip ng video."



Narinig ko ang pangalan ni Jaydee sa News TV kaya napatingin ako kay Coco na nanonood dahil sa kanya nang-gagaling 'yon.



"Sablay mare, hindi nakita sa video na niligtas ka niya, kaya pala andaming hate comments dito." Sabi ni Coco habang nanonood sa cellphone niya.



Alam ko na ang buong pangyayari na 'yon at ayoko nang mapanood pa, gusto kong makita si Jaydee at kausapin siya tungkol 'don. Nabasa ko kanina ang mga comments at ang daming basher dahil kitang kita sa video ang unang pagsuntok ni Jaydee.



"Hayaan mo na. Kakausapin ko na lang si Jaydee mamaya." Sabi ko ng walang emosyon.



"Antanga din naman kasi nang nag-post ng video, hindi kinunan ang buong pangyayari. Etong mga tangang 'to sa comments ansarap tirisin isa-isa." Inis na sabi niya.



"Hayaan mo na sila, kung tutuusin, kasalanan ko rin." Sabi ko na lang sa kanya.



"Wala kang kasalanan, Frances!"



[Ayon kay Jennifer Nandy... Niligtas niya lang naman raw ang babaeng nabastos roon at wala siyang balak na ilabas ang pangalan ng babae at ipakita ito sa TV.]



"Oh! Nasabi naman pala, e. Bakit andaming hate comments kay Jaydee sa balita na 'to!?" Galit na sabi ni Coco.



"Gusto nga nila ng proof, kaso ni-isa walang nag labas ng video," Sagot ko, gusto ko na rin kausapin tungkol dito si Jaydee dahil nahihiya ako sa kanya, hindi niya deserve ang mga hate comments na nakita ko para sa kanya.



"Hayaan mo na, Coco. Mag-uusap na lang kami ni Jaydee mamaya sa site," Sabi ko at kinuha ang bag ko para bumaba sa 7th floor.



Pupuntahan ko si Amanda dahil nag re-request sila Mommy ng management sa itatayo na restaurant sa Cavite which is, 'yung project na'min ni Jaydee. 6 months lang ang contrata kaya mabilis lang ang project na 'yon, nasimulan na kahapon ang pag-gawa at bibisitahin ko 'yon mamaya dahil baka may mga hindi matibay na materials silang binili. Sigurado ako naroon rin si Jaydee. 



Saktong bumukas ang elevator at nakababa na'ko sa 7th floor, dere-deretso akong nag-lakad papunta sa office ni Amanda.



Kumatok ako, "Manager. Isidto!" Sigaw ko.



"Lakas mambulabog Architect, ah! Parang walang nag ta-trabaho," Bungad sa'kin ni Amanda nang buksan niya ang office niya



"Ayoko kasi ng pinaghihintay ako," Deretso akong pumasok ng office niya.



"What can I do for you? Miss ma'am, Architect?" Siningkitan niya ako ng mata bago siya lumapit sa'kin sa couch dahil doon ako umupo.



"Nag re-request sila Mommy ng management sa restaurant na tinatayo na'min ni Jaydee ngayon. Ikaw na bahala kumuha sa tauhan niyo, informed me, kung nakakuha ka na para ibibigay na lang ni Daddy ang papers niya," Sagot ko.



"Kailan ba matatapos ang project niyo?" Tanong niya bago umupo sa tabi ko.



"6 months tapos na 'yun," Sagot ko dahil 'yun naman ang nakalagay sa contrata.



"6 months pa pala, e!" Tumawa siya kaya natawa rin ako sa kanya. "Inform na lang kita 'pag may pumasa,"



Tumango ako at hindi na sumagot kaya biglang tumahimik ang office ni Amanda, naka-upo pa rin kami dito sa couch, wala rin naman akong masabi kaya tumayo na'ko para maka-alis na rito.



COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now