CHAPTER 11

1.5K 133 5
                                    


Abby's POV


Nagsimula na kaming uminom dito sa may terrace ng house ni Jaydee. I'm really happy right now, cause you know, complete kami and may dalawang new member din ang squad, soon to be girlfriend pa ni bayaw yung isa and mukha soon to be girlfriend ni Jaydee yung isa pa. Malay natin.

"So lagyan natin ng twist ang inuman session ngayon." Sela said.

"Yes, nakapag-isip kami ng Game ni Marsela. Ang first bottle ay uubusin natin sa laro na ito." I said.

"Ikaw na mag explain by." Maikling sabi niya sakin tsaka hinawakan ang kamay ko, chansing si Ate niyo Sela.

"Okay, so ganto, we're gonna play SAGOT O LAGOT. Kapag nasagot mo, edi safe ka, kapag hindi mo naman nasagot you're gonna drink ng isang punong shot glass na Jack Daniels ang laman and bawal ka uminom ng iba or bawal ang chaser hanggat di lumalagpas ang 1 minute. Gets?" I said, mukhang kabado na yung iba dahil for sure guguhit sa lalamunan yan lalo na't walang chaser.

"Gets." Sabay-sabay nilang sabi.

"So kanino tayo mag-iistart?" Tanong ni bayaw.

"Sa pinakamashonda." Sagot naman netong katabi ko, trip moko ah.

"Ah, ganon." Sabi ko naman at kiniliti si Ate Sela. Makulit ka Marsela ah.

"Ate Abby, mamaya na ang harot, respeto po Hhahahahaha." Natatawang sabi ni Laney kaya sinamaan ko siya ng tingin pero tinatawanan niya lang ako, pasaway.

"Sige na nga, ako na mauuna." I said at nagpalakpakan naman sila, parang mga tanga.

"Anyone can ask po diba?" Tanong ni Frances kaya tinanguan ko naman siya.

"I have a question po." Frances said.

"Go ahead, sweety." I said with a wide smile kaya naman nakatanggap ako ng kurot dito sa katabi ko.

"What trait of ate Sela yung pinakaayaw niyo po?" Tanong naman ni Frances.

"To be honest, wala talaga. Kasi diba kapag mahal mo yung tao, lahat ng bagay at ginagawa niya eh tanggap mo, tsaka pag may nagagawang mali si Marsela nagcoconfront ako agad sakanya and tinatama naman agad niya." I answered. Wala naman kasi talaga so no choice ako, need ko uminom.

"Sweet mo sana by, kaso lang you need to drink this parin cause you answered wala." Natatawang sabi naman nitong sabi saakin at inabot ang inumin.

"Ahhhhh--- Ansakit sa lalamunan." Sigaw ko pagkaistraight ng inumin. Gumuguhit talaga siya sa lalamunan.

"Marsela, you're next." Sabi ko sakanya at nag wink.

"What do you want to ask her?" I asked.

"Nagalit ka na ba sa parents natin?" Tanong naman ni Gabb. Nako po, ako alam ko agad sagot diyan.

"Yes, sino ba namang hindi? Lagi silang wala ultimo 18th birthday mo wala sila, matatanggap ko pa sana yung sakin dahil sobrang nasanay na 'ko na ganun sila, pero yung sayo hindi. Lahat yata ng special events sa buhay natin wala sila." Sagot naman netong katabi ko, kaya naman niyakap ko nalang siya, iyakin yan pagdating sa mga ganyang usapan eh.

"Next next." I said.

"Si ate Ella na." Sabi naman ni Frances.

"Kelan mo sasagutin si Gabo ate?" Tanong naman ni Amy.

"Siguro pag nagtanong na siya Hahahaha." Sagot naman ni Ella.

"Hay nako Gabo, tanong tanong kana, baka maunahan ka pa." Sabi naman ni Sela habang nakayakap parin saakin. Clingy po talaga siya, indenial lang minsan.

FOOL FOR YOUWhere stories live. Discover now