TAMIS 13

5.2K 385 249
                                    

"Anong amoy 'yan? Humahalimuyak ka, boy!"

Itinaas ni Devin ang gitnang daliri habang natatawa sa komento ng katropang si Yuan habang nakatambay ito sa kaniyang talyer. May tinatapos lang siyang gawin sa oto nitong isang linggo nang namamalya.

"Ikaw lang ang nagme-mekanikong amoy pokpok!"

Napailing na lang siya sa patutsada nito.

Malakas ba talaga ang amoy ng pabango niya? Hindi naman talaga siya palalagay n'on pero bakit ba? Gusto niyang maglagay n'on ngayon. Walang pakialamanan ng trip.

Pupuntahan niya kasi mamaya si Aurea sa bahay nito. Iniisip nga rin niyang ipasyal naman 'to para makalabas-labas naman ng lungga.

Wala pa rin siyang matinong tulog dahil hindi sila magkaayos kagabi. Napuwersa tuloy siyang tapusin ang trabaho na good for two days sana.

Para bang bigla siyang na-cute-an dito kaninang umaga nang dumaan siya roon para kausapin ang Kuya nito. May binili kasing segunda-manong selpon sa kaniya si Kent. Wala naman siyang magagawa kung 'di puntahan ito mismo. Nagkataon namang nakita siya ng babaeng parang batang yagit sa itsura nito.

Bakat na ang pawis sa shirt tapos ang luwag pa ng suot na shorts.

Wala naman sa plano niya ang makipagkita rito dahil iniisip niya baka galit pa ito sa kaniya.

Magpapalipas lang sana siya ng ilang araw pero sino ba naman ang hindi lalambot kapag nakitang ngumiti ang ina ng magiging anak niya, at nag-baby talk pa ito sa kaniya.

"Aalis ako mayamaya. Si Kuya Paslo na lang ang bahala riyan pati si Ronald," sabi niya sa katropa habang inaayos ang polo shirt na suot.

Mabuti na lamang at palagi siyang may baong extrang damit at sapatos sa loob ng kotse.

Mayroon siyang Go Bag para in case of emergency, handa siyang lumarga kahit saan. Sakto namang nandoon 'yong dati niya pabango na galing pang States na padala ng nanay niya noon. Sayang naman kung hindi niya gagamitin 'yon.

"Saan punta ninyo ni Au?" tanong nito, nakangisi pa na parang gustong manukso. "Hindi ako sanay sa 'yo! Dati wala kang pakialam kahit simple lang ang suot mo, ngayon parang nagpapapogi ka pang kupal ka!"

Nataasan niya ulit ito ng gitnang daliri. Nagtawanan din ang iba niyang mga tauhan sa talyer nang marinig 'yon.

"Iba talaga kapag tinamaan, Ser!" gatong ni Paslo habang may kinakalikot sa makina ng oto ni Yuan.

"Talagang tinamaan ako roon. Laging tinatamaan! Dami ko nang pasa roon!" eksaherado niyang banat sa mga ito.

Literal na palagi siyang may tama sa babaeng 'yon pero kahit ganoon ay lagi pa rin namang mali ang tingin nito sa kaniya.

Hindi naman sa naiinis siya minsan dahil malawak naman ang kaniyang pang-unawa, pero 'di bale sana kung sinasaktan siya nito tuwing naglalampungan sila.

"Makaalis na nga! May appointment pa ako kay Miss Minchin!" sabi na lang niya.

Napakamot siya sa hindi makati nang mapansing humihina ang buga ng aircon ng kaniyang kotse. Hilaw ang lamig nito kung kailan aayain niya sanang umalis ang buntis.

Wala pa man ding tint ang mga bintana niya.

Ayaw naman niyang manghiram ng sasakyan sa tatay niya at baka may importanteng lakad 'yon. Ayaw naman niyang manghiram kay William ng kotse dahil mabaho sa loob n'on.

"Jowsmeyo, Patring!" paghampas niya sa manibela habang naipit pa sa trapik.

Patring ang pangalan ng kaniyang oto. Sa susunod na magkaroon siya ng isa pang sasakyan ay pangangalanan niya naman iyon ng Auring.

Pagsinta (Unang Tamis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon