Midnight Lover - 23

161K 2K 74
                                    

Patalastas muna. Hahaha. Please do watch my vlogs! ❤️❤️❤️


RAVEN

Bahagya na akong kumalma mula sa pag-iyak nang biglang mag ring ang phone ko. Napaigtad pa ako at mabilis na kinalkal ang bag ko para hanapin ang celphone ko at baka si Asher ang tumatawag. Baka biglang nagbago ang isip niya at gusto niyang nang pakinggan ang mga paliwanag ko.

Pero bahagya akong nanlumo nang pagkatingin ko sa celphone ko ay isang unregistered number ang nakita kong tumatawag. Sinagot ko na rin 'yon at baka sakaling importante.

"Hello?" pinilit kong ibalik ulit sa normal ang boses ko.

"Sissums! How are yah and where are yah?!" malanding tanong ng nasa kabilang linya na agad kong nahinuha kung sino. It was my kuya Raze. Siya lang naman ang tumatawag sa 'kin ng sissums na napulot naman niya mula kay Alex Gonzaga. Kahit na sa Canada siya nagtratrabaho nilang Engineer, palagi pa rin siyang updated sa mga news at current showbiz chismis dito sa Pinas dahil lagi siyang nanonood sa iwanTv.

Anyways, si kuya Raze talagang bakla sa family namin. He's too gay pero hindi naman siya nagko-cross dress. Pamintang durog nga ang tawag ko sa kanya. At ako naman, well, sige na nga... nagpanggap lang ako na bakla. Ayan, sa bibig ko na mismo nanggaling. Yes, I'm not gay. At sabi nga ni Asher, I'm just a scheming bitch. Ouch. </3

"I'm not good. Kelan ka pa ba umuwi ng Pilipinas?" tanong ko sa kanya. I'm sure na nasa Pilipinas na siya dahil Globe prepaid number ang gamit niyang pantawag. Mas matanda sa 'kin ng limang taon si kuya Raze pero mas close ako sa kanya compared kay ate Rain kahit mahigit isang taon lang ang pagitan ng mga edad namin.

"Kakarating ko lang kahapon. Andito nga ako sa bahay pero wala ka naman. Ang sabi nina mommy at daddy nagbakasyon ka raw. Asan ka ba? Are you in your work station?"

Ang work station na tinutukoy niya ay ang condo unit na nabili ko sa may Garden Island sa Gilmore. Kapag gusto kong magsulat at gusto ko ng tahimik na lugar, doon ako nag i-stay sa halip na sa bahay ng parents namin sa New Manila.

"Andito ako sa Tomas Morato ngayon. Halos kakatapos lang ng press con for our next project. Pauwi na rin ako ng condo," sabi ko sa malungkot na boses. Wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi ang magkulong sa kwarto, matulog at baka sakaling bukas pagkagising ko ay maging okay rin ang lahat.

"No, 'wag ka na munang umuwi. Pupuntahan kita diyan. I wanna drink. Kagabi ko pa sana gustong uminom kaso wala ka naman so nag beauty rest na lang ako. Text mo sa 'kin kung nasaan ka exactly at pupuntahan kita."

Gusto ko sanang tumanggi pero naisip kong mas mabuti pa nga yatang samahan ko na lang si kuya Raze—or sissums—para kahit papaano ay makalimutan ko si Asher. Pagkatapos na pagkatapos ng tawag na 'yon ay sinubukan kong tawagan ang number ni Ash pero unattended ang celphone niya.

It was already past six at nagsisimula na ring kumalam ang sikmura. After thirty minutes ay dumating si kuya Raze at mabilis na sinugod ako ng yakap. "Umiyak ka ba?" agad na tanong niya sa 'kin nang mapansin ang pananamlay ko.

"Medyo," sagot ko.

"Oh, why?"

"Pwedeng later na tayo mag-chika? Gutom na ako."

Agad namang sumang-ayon siya dahil maski siya ay hindi pa rin pala nagdi-dinner. Good thing ay maraming restaurants sa kinaroroonan namin so hindi na namin kailangang lumayo.

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon