Midnight Lover - 24

138K 2.4K 137
                                    

RAVEN

Pagkalapag na pagkalapag ng waiter sa isang bucket ng beer ay agad na kumuha ako ng isang at saka nagsalin sa isang baso. Mabilis ko iyong ininom at nagsalin ulit.

"Uhaw lang sa alak, sissums?" puna sa 'kin ni kuya Raze na nakataas ang isang kilay.

"Niyayaya mo ako dito tapos sasawayin mo 'ko?"

"Bruha ka, hindi kita sinaway. Tinanong lang kita," anito. "May problema ka ba? Mukhang kanina ka pa wala sa sarili mo," pag-uusisa nito.

Pero hindi ko na nagawang sumagot dahil mayamaya ay natapos na rin ang maharot na tugtog at lumiwanag ang may kaliitang stage. Bumaba ang macho dancer at may umakyat naman na baklang kuntodo-ayos. May itong mikropono sa isang kamay.

"Ladies and gentlemen, magandang-magandang gabi po sa inyong lahat na naririto ngayon sa Mankind. Labis po kaming nagagalak dahil ang bar po namin ang napili niyong puntahan ngayong gabi. Hello rin po sa ating mga loyal customers na nandito ngayon." Kinawayan niya ang isang grupo ng oldies na nasa malapit sa may stage. "At may nakikita naman akong mga bagong mukha," aniya na nakatingin sa amin ni kuya Raze. "Mag jowa po, ma'am, sir?"

Tawa nang tawa si kuya Raze habang ako naman ay sunod-sunod ang ginawang pag-iling sa host. Ikinukumpas ko sa ere ang kamay to tell him that no, we're not.

Mabuti na lang ay hindi na tuluyang nakalapit sa amin ang baklang host na hindi ko maintindihan kung nagpi-feeling diwata o butterfly. May suot kasi siyang pakpak na kumikinang kapag natatamaan ng ilaw.

"Anyways, we have a very special guest tonight. Naku, maswerteng-maswerte ang mga nandito ngayon sa Mankind dahil for the very first ay magpe-perform dito sa ating stage ang isang super duper mega gwapo na ka-fezz at kasing macho rin ni Paulo Avelino. Paki-prepare na po ang inyong mga panyo o 'di kaya tissue. At huwag kakalimutan, hindi po masamang maglagay ng isanlibo sa loob ng briefs ng ating special performer tonight, okay?"

Nagpalakpakan ang ilan sa mga parokyanong naroon habang 'yong host naman ay pasimpleng sumilip sa likod ng stage at tila may kinausap na kung sino.

"But since hindi pa prepared ang ating next performer, magbibigay na muna ako ng trivia, guys. Alam niyo ba na ang ating next performer ay dating nagtrabahong waiter dito sa Mankind? Siguro five to six years na ang nakakaraan. Sayang nga kasi dati pa naming nililigawan 'to na maging regular performer dito pero ayaw. Mabuti na lang ngayon at napakiusapan siya ng boss natin."

Nagpalakpakan ang mga tao at halatang excited na. Samantalang may nagsisimula nang mamuong ideya sa isip ko kung sino ang susunod na performer na tinutukoy ng host.

"At ayan na nga, ready na raw ang ating special performer for tonight. Ladies and gentlemen, put your hands together for Asher."

Feeling ko ay nalaglag ako sa kinauupuan ko nang banggitin ng baklang host ang pangalan ni Asher. Dumilim ang stage at tanging maliit na bombilya na lang ang nakabukas. Pumailanlang ang instrumental song ni Glenn Frey na 'The One You Love.'

Mula sa isang gilid ng backstage ay umakyat si Asher sa stage na nakasuot ng vest na dalawa lang butones, maong na maikling shorts na hapit na hapit sa katawan niya kaya naman nakaumbok ang crotch niya at boots na halos umabot hanggang tuhod niya.

Nagpalakpakan ang mga taong nandito sa loob ng gay bar na 'to nang magsimula nang gumiling ang katawan ni Asher sa saliw ng maharot na tugtog habang halos hindi ko naman maitutok ang mata ko sa kanya. What is he doing?

Gusto kong umakyat ng stage at hilahin siya pababa dahil ayoko sa mga reaksiyong nakikita ko sa mga costumer na halos maglaway na habang nakatanghod sa kanya.

Tinanggal ni Asher ang pagkakabutones ng vest at ihinagis iyon sa isang tabi. Tila lalo namang nasabik ang mga parokyano na karamihan ay mga bakla at mga matrona lalo na ngayong nakahantad ang magandang katawan ni Asher.

Hindi ko alam kung ano ang tawag sa steps na 'yon na dadapa siya sa stage habang nakatitig sa mga costumers at tila binabayo ang sahig ng stage. What he is doing right now is very sensual. Kaya nga panay ang inom ko ng beer ay dahil feeling ko ay nauuhaw ako habang pinagmamasdan ko siya sa ibabaw ng stage.

Tumayo siya dahan-dahang hinawakan ang maong shorts na suot niya. May ilang parokyano na sumigaw ng "take it off, take it off."

Habang nakatingin sa direksiyon namin ni kuya Ash, tinanggal niya sa pagkakabutones ang shorts niya at saka dahan-dahang ibinaba ang zipper hanggang sa tuluyang tumambar ang kulay puti niyang briefs.

May isang matron na lumapit sa stage at sinenyasan si Asher na lumapit sa kanya. At sa pagkagulat ko ay basta na lang na inipit ng matandang babae ang ilang tig-lilimang daang piso sa garter ng briefs nito.

At mayamaya pa ay nakita kong unti-unting naglakad si Asher papunta sa gilid ng stage at saka tuluyang bumaba. Sa dami ng mesang naroon sa loob ng bar, iisang mesa lang ang nilapitan niya—at iyon ay ang mesa namin ni kuya Raze.

"Oh my God!" nagtititili si kuya nang lumapit sa kanya si Ash. Sinayaw-sayawan niya ang kapatid ko habang pasimpleng tumitingin sa akin. At bakit pakiramdam ko ay sinasadya niyang gawin 'to para parusahan ako?

Hindi pa nakuntento sa pagsasayaw ay bahagya itong kumandong kay kuya Raze habang patuloy pa rin na sumasayaw. Si kuya Raze naman ay kumuha ng isang libo mula sa bulsa niya at saka ipinasok sa loob mismo ng briefs ni Ash!

Ilang segundo ring nasa loob ng briefs ni Ash ang kamay ni kuya. At ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko nang muling sumulyap sa akin si Asher, kinindatan ako at saka umalis sa kandungan ni kuya.

Bumalik siya ng stage para lang mag bow at bumalik na ng backstage kahit marami pang costumer na gustong magbigay ng tip sa kanya.

"OMG! Sissums, this can't be happening. Hindi ba't siya 'yong crush ko dati. Oh my god, oh my God, I can't breathe!"

Pasimpleng binatukan ko siya. "Huwag kang OA."

"Kurutin mo nga ako sissums para masiguro kong hindi ako nananaginip lang. My god, ang gwapo-gwapo niya pa rin until now."

Hindi ako umimik at hinayaan ko na siya sa paglilitanya niya. Sobrang nawalan na ako ng gana. Kung pwede lang ay yayayain ko na sanang umuwi si kuya. Pero bago ko pa man 'yon magawa ay nakatayo na sa harap ng table namin si Ash. Nakapagbihis na siya.

"H-Hi," nagkakandautal na sabi kuya Raze sa kanya.

"Mind if I join you, guys?" tanong ni Asher na kay kuya nakatingin. Para marahil makuha niya ang sagot na gusto niya.

"Sure!" mabilis naman na sagot ni sissums. Sa tabi ni kuya Raze naupo si Asher. Sinikap kong huwag paapekto sa presensiya niya kahit ang totoo'y naghihimagsik ang loob ko dahil alam kong pinaparusahan niya lang ako. "By the way, this is my sister Raven. And I'm Raze nga pala."

Matapos kamayan si kuya Raze ay inabot naman niya ang isang kamay sa 'kin. Nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ang pakikipagkamay niya pero sa huli ay tinanggap ko rin 'yon para hindi makahalata si kuya na magkakilala kami.

Naramdaman kong medyo nilakasan ni Ash ang pagkakapisil sa palad ko at saka nagsalita. "Raven... nice name. Parang 'yong sa character ni Jennifer Lawrence sa X-Men as Raven or Mystique na magaling magbalatkayo."

Ouch.

Pero hindi napansin ni kuya Raze na pinaparinggan na ako ni Asher dahil masyado siyang fascinated sa kagwapuhan at mga kwento ni Asher.

Samantalang ako naman ay tahimik na lang na uminom nang uminom. Bakit ang tagal ko yatang malasing?


PLEASE DO WATCH MY VLOGS! ❤️❤️❤️

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon