Chapter 3

137 17 0
                                    



Andito na kami sa may arcades, sari sarili na silang anjoy ng laro pero ako, katabe toh si gabrielle, nagiisip pa kase ako ng pede kong laruin dito. 

"Andaya ako nag aya pumunta dito tas sila yung nag eenjoy" sabi ko habang nakapout.

"Edi pumunta ka na doon" umiling lang ako sa sinabe nya.

"Mas gusto nalang kita samahan dito kesa mag laro hehe, tyaka wala den akong alam na laruin dyan e baka maligaw pa ako andameng mga tao" napabuntong hininga nalang sya sa sinabe ko. Totoo naman e mas gusto ko sya kasama kesa sa maglaro boring den maglaro.

"Bahalaka sa buhay mo di ka pa ren nagbabago tigas ng ulo mong bansot ka"napangiti naman ako sa sinabe nya HAHAHHAHAHA namiss kong pakinggan yung pagsabe nya saken ng ganon lalo na yung nickname na binigay nya saken medjo nakakairita lang kase naman, why naman "Bansot" yawa buti nalang gusto kita kundi baka napahiya na kita dito sa mall.

"Oo nga pala gabrielle bukas may gagawin kaba?" balak ko kase syang ayain lumabas sasama ko den yung bestfriend ko, di kase namen sya kasama ngayon aalis daw sya kasama family nya.

"Meron, baket?"

"Ah wala hehe, ano ba gagawen mo bukas?" 

"Matutulog" tanging sagot nya lang sa tanong ko, potek kala ko naman kung ano gagawin matutulog lang pala.

"Siguro pagod ka sa byahe hehe, pero gabrielle, pede mo ba akong samahan bukas? may pupuntahan lang tayo tyaka ipapakilala naden kita sa bestfriend ko" sana pumayag pleaseeeeee.

"Hmmmm" respond nya sa tanong ko, so it means pumapayag sya?awieee

"Payag kana?"tanong ko sakanya sinisigurado lang.

"Oo basta ilibre mo ako... sandali lang naman tayo diba?"tumango nalang ako sa tanong nya.

First time ko makakabonding si gabrielle ahhhhhh! ay nakalimutan ko kasama ko pala bestfriend ko.

"What time ba tayo aalis, para makapag ready ako, tyaka san ba tayo pupunta?" dagdag pa nya.Hmmm kahit ako den di ko pa alam kung saan kami pupunta kase basta naisip ko lang bigla na ipakilala ko sya sa bestfriend ko.

"Ahhhm, actually di ko pa alam kung san tayo pupunta bukas e sabihin ko nalang sayo pag may na isip na akong puntahan, minsan kase late magising friend ko kaya siguro mga lunch nalang para makapagready den sya." sabi ko sakanya kaya tumango sya.

"Btw gabrielle..."pagtawag ko sakanya kaya napalingon ulet sya saken.

"Hmmmm" tanging sagot nya habang nakatingen pa den saken.

Ang hilig nya mag humm kaya pagnaririnig ko yun feel ko umuungol sya ehe.

"Ano kase hehe... P-pwede ko b-ba makuha p-phone no. mo? para ma update kita bukas."sabi ko sakanya sabay ngite.

"Tsk, yun lang naman pala antagal pa sabihin."

"Oh ito no. ko" sabay bigay saken ng phone nya.

"Ito oh, Thank youuu!" sabi ko at binalik sakanya yung phone. Yessss macha-chat ko na den sya every day, diko na need magtanong kay ate sela lagi kung kamusta na ba sya, pagnakikita ko kase si ate sela yun lagi una kong tinatanog sakanya. Hindi naman sya umaangal kase alam naman nya o buong squad naman alam nila na may gusto ako dito sa katabe ko.

Kaya nung nalaman ko na pauwi na sya dito sa pinas super excited ko halos di pa ako makatulog kakaisip sakanya, kung anong itsura nya, ugali nya, kung may girlfriend o boyfriend na ba sya.

Pero mukhang wala naman sa bukabularyo nya ang mag jowa, hmmm siguro kaya ayaw nya kase ako inaantay nya ehe. 

SIGE ASA PA KULIN!




Pagkauwi ko galing mall dumiretso agad ako sa kwarto ko para maghalfbath, feeling ko kase ang lagkit ko, lalo na sobrang inet sa labas kanina. Hapon na kase kami nakauwi, kase naman ang tatagal nila maglaro parang mas bata pa sila saken kanina tas ako nakaupo lang buti nga di umalis si gabrielle sa upuan kanina kundi baka nauna na akong umuwi, iiwan ko talaga sila.

"Hays, ang boring na nga sa mall boring paden sa bahay,nubayan!" sigaw ko dito sa loob ng kwarto.

Humiwalay kase sila ate abby at ate sela sa mall may pupuntahan pa daw sila, di ko den sure kung uuwi sya wala kase syang sinabe basta may pupuntahan sila.

Nagkalkal nalang ako sa phone ko ng kung ano ano para pampatulog lang... Ilang minuto di ko napansin na nakatulog na ako.

Nagising ako ng may tumatawag sa phone ko kaya sinagot ko na ang saket sa tenga, nasa unan ko panaman phone ko, buti wala sa tapat ng tenga ko.

"Hello ate abby, gabing gabi na tumatawag ka pa, tyaka asan kaba madaling araw na gumagala paden kayo ni ate sela?"

"Ah... eh... sorry na coco, tyaka wala na kami sa galaan ni sela, actually tinawagan kita para papuntahin dito" 

"HA?! Hibang kaba ate abby! madaling araw na papalabasin mo pa ako, tyaka asan ba kayo ni ate sela?"

"Andito ako kila sela, pati yung mga kaibigan naten kaso yung iba di pede, tyaka ikaw nalang inaantay"

"Ano naman ginagawa m- nyo dyan? tyaka sa bahay nila ate sela? edi ibig sabihin andyan den si GABRIELLE!?"

"Hmmm, bilis magbihis kana , ikaw nalang inaantay. Tyaka bili kana den ng foods naubos na kase netong si bonita mga pulutan"

"Hoy! Anong inubus ko... FYI ABBELAINE ITONG SI MARSELA ANG KAIN NG KAIN PERO DI NAMAN UMIINOM!" rinig kong sigaw ni ate sheki kay ate abby, medjo nilayo ko ng onte phone ko, saket sa tenga ni ate sheki halata ren na medjo lasing na sya. 

"Aaahm... sige ate abby wait nyo nalang po ako dyan, bihis lang ako then daan den akong convinience store para makabili akong pagkain. May gusto kaba or kayong pabilin?"

"Wala na coco sige sige hintayin kanalang namen, mag ingat ka gabe na eh"

"Opo. Sige na ate abby patayin ko na, bye loveyou ate!"

"Loveyoutoo baby coco... bye"

In end ko na yung call, tyaka tumayo sa kama ko para maghilamos, nakakahiya naman kung halatang mukhang bagong gising ako syempre mag l-light make up na den ako then nag suot nalang ako ng pink na hoodie ko at nag pants nalang ayaw ko naman mag short baka marape pa ako. Lalo na't gabing gabi na, then nag tsinelas nalang ako nakakatamad kase mag sapatos sa bahay lang naman ni ate eklog nagiinom.

Words can't describe how much I Love You(UNICOCO)Where stories live. Discover now